PAGKATAPOS kumain ng umagahan si Ruby ay nag-impake na siya ng mga damit niya. Pagkatapos niyang ayusin ang mga gamit niya sa isang malaking maleta ay agad na rin siyang naligo at naghanda sa pagpasok sa opisina.
Marahil sa mga oras na iyon ay nasa eroplano na si Dave byahe papuntang Paris.
Hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot dahil hindi man lang ito nag-message sa kanya bago umalis. Pero nabawasan naman iyong lungkot niya dahil may pa breakfast ito sa kanya.
Pagkatapos niyang mag-ayos ay agad na rin siyang umalis para pumasok. Ipinasok niya sa compartment ng sasakyan niya ang malaking maleta niya, pagkatapos sumakay na rin siya at minaniobra ang sasakyan papunta sa kumpanya niya.
Inabala niya ang sarili sa trabaho dahil marami na rin siyang naimbak na trabaho gawa ng nagkasakit siya. Dumalo rin siya sa iba't ibang meeting dahilan para makaligtaan na niya ang oras.
Tatlong beses na kumatok sa pinto si Mona bago nito binuksan ang pinto ng opisina ni Ruby. "Ma'am, you have visitor."
Kunot ang noong tiningnan niya ang sekretarya. Bisita? Wala naman siyang inaasahang bisita.
"Who?"
"Mr. Dave Franco, ma'am."
"Oh... Let him in."
Pagkasabi niyang iyon, doon pumasok si Dave sa loob ng pribadonniyang opisina at may bitbit itong dalawang supot. At base sa disenyo ng supot ay alam niyang naglalaman iyon ng mga pagkain.
"Kumain ka na?" naka ngiting tanong nito sa kanya.
Sinipat niya ang orasan na nasa pader ng opisina niya, doon lang niya napagtanto na pasado alas-dose na pala at hindi man lang siya nakaramdam ng pagkagutom.
"H-hindi pa."
"Eksakto, special delivery again from Alvaro." Tinaas nito ang dalawang supot na hawak.
"Naku nakakahiya hindi ka na dapat nag-abala. Kaya ko naman bumili ng pagkain ko."
"Napag-utusan lang ako ni Alvaro."
"Napag-utusan?"
"Bago siya umalis binilinan niya akong palagi kang dalhan ng pagkain habang wala siya ng isang buwan, para masiguro raw na kumakain ka sa tama."
Nakaramdam ng saya si Ruby. Hindi niya lubos akalain na magagawa ito ni Alvaro sa kanya. Alam niyang thoughtful ang binata pero hindi niya akalain na meron pala itong caring side.
Tumayo siya at kinuha ang dalawang supot sa kamay ni Dave. "Salamat. Teka! Ikaw kumain ka na ba? Kung hindi pa sabayan mo na rin ako tutal nandito ka rin naman na," anyaya niya rito.
Tatanggi sana si Dave pero may naisip siya na maaari niyang ipang-asar kay Alvaro.
"Ayos lang ba? Hindi ba nakakahiya?"
"Oo naman. Ako dapat ang mahiya sa'yo dahil inabala ka pa ni Alvaro. Sabayan mo na 'ko kumain. Marami 'to, hindi ko kayang ubusin."
"Okay, sige, hindi ko 'yan tatanggihan."
Tinawa ni Ruby si Mona para magpakuha ng mga gamit pangkain at inaya rin niya itong kumain kasabay nila.
Habang kumakain sila napapansin niya na kumukuha ng litrato si Dave kaya nang matyempuhan na tumingin siya sa camera ay ngumiti siya.
"Isa pa. I-send ko lang kay Alvaro," anito na tininapat sa kanila ang camera ng cellphone at kumuha ng litrato.
"Yan..."
Samantala isinend naman ni Dave ang mga kinuha nitong litrato sa gc nila magkakaibigan.
Dave: @Alvaro look. Sarap kumain ng may kasabay.
Sabay pinindot niya ang send button. Alam niyang mamaya pa makikita ni Alvaro ang mga litrato kaya hihintayin na lang niya ang chat nito.
Dahil sa sarap ng mga pagkaing dala ni Dave ay hindi namalayan ni Ruby na napadami na pala ang kain niya kaya ang ending busog na busog siya. Pagkatapos nilang kumain ay nag-paalam na rin si Dave.
"Salamat sa pag-inbitang kumain, Ruby," anito.
"Naku, ako nga dapat ang magpasalamat," aniya.
"Ang sarap ho ng mga dala ninyong pagkain, Sir Dave. Nabusog ho ako," sabi naman ni Mona na sinisimulan nang ligpitin ang mga pinagkainan nila.
"Salamat at nagustohan ninyo," si Dave.
"Naku sa sarap pwede na ho kayong mag-asawa," si Mona.
Nahihiyang napakamot sa ulo si Dave. "Girlfriend nga wala, paano ako mag-aasawa?"
"Available ho ako, Sir Dave," nagpapa-cute na sabi ni Mona.
Mahinang siniko ni Ruby ang sekretarya. Alam kasi niya ang issue ni Dave at ng kaibigan niyang si Samantha.
"Joke lang po, Sir."
"Paano, Ruby, alis na ako. Salamat ulit sa pag-invite na sabayan ang kumain."
"Salamat din, Dave. Ingat ka."
"Salamat. Mamaya na lang sa Majesty Village," anito na tuluyan ng umalis.
PAGSAPIT ng uwian, sa Majesty Village na dumiretso si Ruby tulad ng napag-usapan nila ni Alvaro. Pagkahinto niya sa tapat ng bahay ni Alavro ay napakunot ang noo niya dahil bukas ang pinto ni'yon at buhay lahat ng mga ilaw.
Pagkababa niya sa sasakyan doon naman lumabas mula sa loob si Symon na may bitbit na walis tambo.
"Hi, Ruby!" masiglang bati nito.
"Hi..."
"Nasabihan na kami ni Alvaro na simula ngayong araw dito ka na titira. Nasaan ang gamit mo?"
"Nasa compartment—Teka, ako na ang magbababa."
"Let me."
Wala na siyang nagawa kundi ang buksan ang compartment at hinayaan ng si Symon ang magbaba ng maleta niya sa sasakyan at magbitbit papasok sa loob ng bahay ni Alvaro.
Pagkapasok nila ay napanganga siya dahil nakita niyang may kanya-kanyang hawak na walis tambo ang tatlong kaibigan ni Alvaro at si Dave naman ay naka suot ng apron at maliban sa hawak nitong walis ay may hawak din itong chansi.
Pinipigilan niya ang mapangiti sa ayos ng mga ito. Ang gara lang kasi, mga naka long sleeve polo pa ang mga ito tapos may mga hawak na walis tambo. May mga pera naman ang mga ito bakit hindi na lang nagpalinis kaysa sila pa magpagod.
"Nilinis na rin namin ang bahay ni Alvaro. Nakakahiya naman kung titira ka rito ng madumi," nakangiting sabi ni Symon na tila ba proud itong naglinis.
"Nag-abala pa kayo, kaya ko namang maglinis, ako na lang sana."
"Huwag kang mag-alala si Alvaro naman ang sisingilin namin," si Timothy.
"Mag-uuwi kasi ng babae tapos iiwan naman," naiiling na sabi ni Symon.
"Kaya ko naman ang sarili ko. Pero salamat sa inyo," aniya.
"Eksakto ang dating mo, Ruby. Katatapos ko lang magluto ng hapunan. Sabay-sabay na tayong kumain, ayos lang ba sa'yo?" si Dave.
"Oo naman. Kayo ang nagpakapagod dito, bakit hindi? Sabayan ninyo na ko, boring kumain ng mag-isa," aniya.
"Ayon! Gutom na rin ako eh." Basta na lang binitawan ni Timothy ang hawak na walis tambo at nauna na itong pumunta sa kusina at naupo sa stool.
"Kaya nga, ako rin." basta rin binitawan ni Symon ang walis at sumunod kay Timothy.
"Magsihigas muna kaya kayo ng mga kamay niyo," sabi ni Dave na sinunod naman ng dalawa.
Nilabas niya ang cellphone mula sa bag at palihim niyang kinuhaan ng litrato ang mga ito. Nakakatuwa lang silang tingnan at panoorin. At sinend niya iyon kay Samantha.
"Let's eat Ruby, bago pa lumamig ang pagkain," si Dave.
Agad naman siyang tumalima at naupo sa stool at tahimik lang silang pinagsaluhan ang nilutong pagkain ni Dave.
"Let's take a picture, remembrance lang," sabi ni Symon na inilabas ang cellphone sabay kuha ng litrato.
Pagkatapos ng ilang kuha ng picture ay pinagtulungan nilang ligpitin ang mga pinagkainan nila. Ayaw pa nga siya patulungin nagpumilit lang siya.
"Maraming salamat sa inyo," aniya nang nagpaalam ng umuwi ang tatlo.
"No worries," sagot ni Timothy na bitbit na ang ginamit nitong walis tambo.
Isipin mo, may ari ito ng jewelry shop tapos pinaglinis lang ng bahay ni Alvaro?
"Basta kapag may kailangan ka, ichat mo lang ang isa sa amin at agad kami g darating," sabi naman ni Dave.
"Huwag kang mag-alala ligtas ka rito sa Village. And if you want to change the password you can change it. Nasa lamesa yung papel kung saan ko sinulat yung lumang password at nandoon din ang card key sa pinto," sabi naman ni Symon.
"Okay. Salamat ulit sa inyong tatlo."
"Goodnight, Ruby," duet ng tatlo.
"Goodnight."
Nang mawala na sa paningin niya ang sasakyan ng mga ito ay isinara na rin niya ang gate at agad na pumasok sa loob ng bahay.
Pagkaakyat niya sa isa sa kwarto ng bahay ni Alvaro ay agad niyang inayos ang mga gamit niya sa kabinet. Pagkatapos ay naglinis na siya ng katawan at agad ding natulog.
PAGKARATING ni Alvaro sa hotel na tutuluyan niya sa Paris ay agad niyang binuksan ang cp niya. Pagkaopen na pagkaopen pa lang ng data niya ay sunod-sunod na message sa gc nila magkakaibigan ang natanggap niya. Agad na napakunot ang noo niya sa nakikita.
Dave: Sarap kumain ng may kasabay.
Pagkatapos ng message na 'yon, nagsend ito ng dalawang picture na kasama nitong kumain si Ruby. Ngiting-ngiti pa si Ruby sa litrato.
Symon: Ayan malinis na ha?
Nagsend din ito ng ilang litrato na naglilinis ang mga ito sa bahay niya at meron din itong sinend na picture na kasama ng mga ito si Ruby na kumakain sa kusina niya.
Symon: Sarap talaga kumain ng may kasabay.
Timothy: Salamat sa masarap na pagkain @Dave at salamat din @Alvaro sa paggamit ng kusina.
Dave: Welcome @Timothy. Huwag kang mag alala, @Alvaro aasikasuhin namin si Ruby ng buong puso habang wala ka.
Symon: Tama. Magtrabaho ka lang dyan, kami na ang bahala sa fiancee mo.
Timothy: hahahaha!
Inis na nagreply siya sa mga ito.
Alvaro: Tangina ninyo! Tantanan ninyo si Ruby. Subukan niyo lang na lumapit ulit sa kanya mapapatay ko kayong tatlo!
Dave: Sabi mo dalhan ko palagi ng pagkain, umaga, tanghali at gabi?
Alvaro: Dalhan mo pero ipadala mo na lang sa iba!
Symon: Sabi mo asikasuhin ko pagnandito na sa village?
Alvaro: Asikasuhin hindi sabayan kumain! Pwede namang umalis na kayo pagkatapos niyong maglinis bakit sinabayan niyo pa?
Timothy: Di pwedeng kumain pagkatapos mapagod maglinis?
Alvaro: Bakit dyan pa sa bahay ko? Pwede kayong kumain sa labas talagang sinabayan niyo pa si Ruby!
Symon: Nasa mabuting kamay si Ruby.
Alvaro: Mabuting kamay my ass. Just don't go near her again.
Timothy: Bayaran mo serbisyo ko.
Symon: Kaya nga.
Dave: Tama.
Alvaro: Basta wag niyo na ulit siya lalapitan.
Symon: Selos ka lang eh.
Dave: Second demotion
Timothy: Third demotion
Iling-iling na hindi na niya nireplyan ang mga ito. Nagpapasalamat siya mga kaibigan niya na nagmabuting loob na asikasuhin si Ruby pero ibang usapan na kapag nilalapitan ng ganu'n si Ruby.
Hindi siya nagseselos. Bakit siya magseselos? Dapat ba may ikaselo? May karapatan naman siya na pagbawal ang mga kaibigan niya na gawin yon dahil mapapangasawa na niya si Ruby.
Sunod naman niyang binasa ay ang mga message sa kanya ni Ruby.
Ruby: Hi, salamat sa pa-almusal mo. Ingat ka sa byahe mo.
Ruby: Hello, salamat ulit sa pa-lunch mo.
Sabay may sinend na picture si Ruby kung saan kasama nitong kumain si Dave at ang sekretarya nitong si Dona.
Ruby: Naglinis mga kaibigan mo at sabay-sabay na kaming kumain.
May sinend ulit itong picture kung saan kasama nito ang tatlo niyang kaibigan.
Ruby: Chat ka kapag nakarating ka na sa Paris.
Napangiti siya. Hindi niya alam pero para siyang buang na napapangit mag-isa. Nireplyan niya ito kahit alam niyang sa mga oras na iyon ay tulog pa si Ruby.
Alvaro: Hi, Rubs, nandito na ako sa Paris. How are you there? Feel at home ka lang dyan sa bahay.
Ibababa na sana niya ang cellphone nang magreply sa kanya si Ruby.
Ruby: hi, Al, ayos lang naman ako rito. Ikaw musta ka dyan?
Alvaro: Ayos lang din ako. Pero bakit gising ka pa?"
Ruby: Nakatulog na ako pero pagising-gising ako.
Alvaro: Bakit?
Ruby: Walang kasama.
Alvaro: Miss mo na ko kasama?
Ilang segundo bago nagreply si Ruby.
Ruby: Oo.
Hindi mapigilan ni Alvaro ang mapangiti. Miss na siya ni Ruby tulad ng pagka-miss din niya sa presensya nito.
Alvaro: I miss you too. Magagalit ka ba kapag sinabi kong I want you now?
Ruby: Hindi. May dapat bang ikagalit dun?
Alvaro: I want you now, Ruby.
Ruby: Maliligo ako, gusto mong sumama?
Natigilan siya sa sinabi nito.
Alvaro: Paano?
Ruby: You can watch me while I'm taking a bath.
Alvaro: Can I really watch you?
Hindi sumagot si Ruby pero ilang minuto ay nakikipag-video call ito. Sinagot niya iyon at agad na tumambad sa kanya ang hubad na katawan ni Ruby habang nasa ilalim ng rumaragasang tubig mula sa shower.
Seeing Ruby's naked body makes him harder. Imagine nasa banyo mo si Ruby na naliligo. All he want right now is to f**k her hard.
But he needs to behave while watching her taking a bath. Mamaya na siya gagawa ng milagro pagkatapos nilang mag-usap.
Pagkatapos maligo ni Ruby ay agad din nitong pinatay ang video call at agad itong nag message sa kanya.
Ruby: You like that?
Alvaro: You want a honest answer?
Ruby: Yes.
Alvaro: Seeing you naked all I want is to f**k you hard, Ruby. Gusto kong lumipad pabalik dyan just to touch you and feel you.
Ruby: Magpapagaling ako agad para sa honeymoon natin.
Mahinang napamura si Alvaro sa sagot ni Ruby. Kung pwede lang iwan ang trabaho niya sa Paris ginawa na niya.
Ruby: Message you later, Alvaro. Mwah!
Alvaro: Later.
Pagkatapos nilang mag-usap sa chat ay agad na dumiretso sa banyo si Alvaro para maligo sa malamig na tubig. Kailangan niyang mahimasmasan bago pa niya maisipang bumalik pauwi sa Pilipinas.