Chapter Twenty-one

2104 Words
"MUKHANG good mood ang bosing ko, ah!" sabi ni Mona nang salubungin siya nito sa may grand floor ng Queen's Wardrobe building. "Dahil ho ba kay sir Aldrich?" tanong pa nito. "Hindi ba pwedeng maganda lang ang tulog ko?" "Naku si Ma'am Ruby, nagde-deny pa. Hindi ho ba sa bahay ka na niya nakatira ngayon?" "Paano mo nalaman?" tanong niya na hindu naman masyadong nagulat na alam na nito. "Narinig ko ho kahapon na sinabi sa'yo ni Sir Dave pogi. Alam ko ho kasi na doon nakatira si Sir Aldrich at Sir Alvaro." Napakunot noo siya. Doon din ba nakatira si Aldrich? Bakit hindi niya alam ang tungkol 'dun? Dibale pwede naman niyang itanong kay Alvaro pag may pagakataon. Pagkasababa nila sa elevator ay napatigil siya nang bumungad sa kanya ang lalaking hindi niya inaasahan pang makita. Naghihintay ito sa may hallway papunta sa pribado niyang opisina. "Dricks?" Lumingon ito sa kanya at ngumiti nang makita siya. "Ruby..." Humakbang ito palapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Dricks is her best friend from highschool. Nagkalayo lang sila nito noon dahil sa Canada na ito tumira kasama ng mga magulang nito. Tumikhim siya. "I can't breathe," naiilang niyang sabi. "I'm sorry. Long time no see. How are you?" "I'm fine. Tara pumasok tayo sa opisina ko at doon mag-usap." Hinarap niya si Mona. "Magdala ka ng makakain para sa bisita," aniya at inayang pumasok sa opisina niya si Dricks. "It's been a long time. Pero di ka parin nagbabago. You're still beautiful," anito ng maka-upo. Medyo slang ito kapag nagtatagalog. "Bolero ka pa rin tulad ng dati." "I'm not. I'm telling the truth." She rolled her eyes. "Oo na lang. Anyway, why you're here in Philippines?" "Hmmm... Vacation? At para dalawin ka rin. Hindi ka ba masayang makita ako? Ako super happy ko na nakita kita ulit," anito. "I'm happy to see you too, Dricks." "How's your life?" Bumaba ang tingin nito sa kaliwang kamay niya. "You're married?" Marahan siyang umiling. "Not yet. Engaged pa lang ako." "Ganu'n ba?" Nakita niya ang pagkalungkot ng mukha nito. "But at least I have a chance to saw you before you married." "Me too." "I want to invite you out for a dinner tonight. Pwede ka ba?" Nakagat niya ang ibabang labi. Wala naman masama kung pagbibigyan niya ito isa pa baka hindi niya na ulit ito makita pagkatapos ngayong gabi. "Hindi ka ba papayagan ng fiance mo?" tanong nito. "Of course not. Bakit naman siya hindi papayag?" "So pwede ka mamayang gabi?" Marahan siyang tumango. "Oo naman. "Good! I'll be back here tonight para sundin ka." "Okay." "Thank you, Ruby." Tumayo na ito at nagulat pa siya nang makipagbeso ito sa kanya. Inisip na lang niya na ganu'n lang talaga ang nakasanayan sa ibang bansa kaya hindi na niya iyon binigyan ng kahulugan. "See you later." "See you." "Oh, nasaan na si Mr. Pogi?" takang tanong ni Mona nang hindi na niya nadatnan si Drick pagkabalik nito. "Umalis na siya, pero babalik siya mamaya para sunduin ako." "Paano ho itong binili ko, Ma'am?" "Sa'yo na lang kung gusto mo?" Nginitian siya nito at nagpasalamat, pagkatapos ay lumabas na rin ito sa opisina niya. Tulad ng naunang araw ay muli g pinadalhan ng tanghalian si Ruby pero hindi na si Dave ang naghatid. Kinuha niya ang cellphone mula sa bag at piniktsuran iyon at sinend kay Alvaro para magpasalamat. Pagkatapos niyang ichat si Alvaro ay sunod naman niyang chinat si Dave para sabihin na wag na muna siyang padalhan ng pagkain dahil sa labas siya kakain. PAGKATAPOS ng photoshoot ay agad nang nagyayaing umuwi si Alvaro. Nasa loob siya ng sasakyan doon niya tiningnan kung sino ang mga nag message sa kanya. Pag ka-open na pagka-open pa lang ng data niya ay agad na nag pop-up ang chat head nilang magkakaibigan. Dave: @Alvaro para sa kaalaman mo hindi ko na muna dadalhan ng dinner si Ruby dahil sa labas daw siya kakain. Napakunod ang noo niya. Alvaro: Sino raw kasama niya? Dave: Aba sino ako para tanungin yan? Symon: Naku mukhang amoy overthink ito. Timothy: Overthink malala. Dave: Tangina niyong dalawa! Manahimik kayo. Dahil panay pang-aasar lang naman yung dalawa ay hindi na siya nag-abala pang replayan ang mga ito. Napangiti siya nang makitang may message sa kanya si Ruby. Sinend lang sa kaniya nito ang lunch nito kanina at nagpasalamat bukod dun ay wala na. Hindi man lang ito nagsabi ng mga ginawa nito sa araw na 'yon. Gusto sana niya itanong kung saan ito kumain ng dinner, pero pinigilan niya ang sarili kasi naisip niya na wala naman siyang karapatan para tanungin ito. Papatayin na sana niya ulit ang cellphone nang mahagip ng mga mata niya ang my day ni Ruby. Kuha iyon ng letrato na nasa restaurant ito at may kasamang lalaki. Nakaramdam si Alvaro ng paninikip ng dibdib at inis na hindi niya alam kung saan iyon nagmula. He felt frustrated at that moment. He wanted to call Ruby pero pinipigilan siya ng pride niya. He never felt this way before kaya hindi niya alam kung paano niya iha-handle ang sariling emosyon. Selos ka no? Tanong ng sarili niya sa kanya. "No way," aniya sa hangin. Mabilis siyang nag dial at agad na tinawagan si Anton. Nakailang ring bago nito nasagot ang tawag niya. "Bakit?" sagot mula sa kabilang linya. "Anton, it's me, your boss." "Sir! Ikaw pala 'yan. I'm sorry, Sir. Akala ko kung sino lang." Tumikhim ito. "Bakit ho kayo napatawag?" May sinend ako sa'yong picture. I want you to dig information of that man. I need it today." "Noted, Sir." Pagkasabi ni'yon ay agad na niyang pinutol ang linya. Alas-dose na ng madaling araw sa Paris at kinakailangan niyang bumawi ng tulog dahil may event silang dadaluhan mamayang ala-syete ng umaga. Naligo ng maligamgam na tubig si Alvaro para ma-relax siya kahit na papaano ata makatulog agad, pero halos isang oras na siyang nakahiga sa kama ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok dahil hinihintay niya ang tawag ni Anton sa kanya. Nakapikit nga siya pero ang utak niya ay nasa Pilipinas, hindi pa rin mawala sa isipan niya ang litrato ni Ruby kasama ang hindi kilalang lalaki. Dahil hindi naman nakakaramdam ng antok si Alvaro, umalis siya sa ibabaw ng kama at nagtungo sa kusina para uminom ng hot chocolate at kinuha ang chocolate cake sa ref na binigay sa kanya ng fans kagabi. Pinagbabawalan siya ng manager niya na kumain ng matatamis dahil masisira raw ang diet niya, pero wala siyang pakialam dun. Halos maubos na niya ang small size na cake nang makaramdam siya ng kabusugan. Eksaktong alas-kwatro ng madaling araw ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Anton. "Why took you so long, Anton?" Hindi na maitago ang inis niya. "Sorry, sir. Inalam ko po kasi lahat ng inpormasyon ng lalaking gusto ninyong makilala." "Tell me now." "Inpatient eh?" "Anton..." "Just kidding, Sir. Anyway, his name is Dricks Alcantara. Dati ho siyang kaklase ni Ma'am Ruby noong highschool. Pagkatapos nito maka-graduate ay lumipad ito patungong Cana—" "I'm not interested in his f*****g life, Anton. I just need the important details why he came back?" Muling tumikhim ang nasa kabilang linya. "Parehong industriya ang ginagalawan ng business nila ni Ma'am Ruby. Dricks was planning to put a clothing line business here in Philippines. Binabalak niyang makipag-sosyo kay Ma'am Ruby kaya siya nakikipaglapit dito." So, may dahilan pala ito. Pero masyado iyang mabait para hindi ito hadlangan. "Anton." "Sir? May ipapagawa pa ho ba kayo?" "I want you to contact Ruby, and tell her I want to talk to her and wait my call." "Umh... As Alvaro o as Mr. King?" "Uutusan ba kitang tawagan siya kung gusto ko lang makipag-usap bilang Alvaro?" "Ang init naman ng ulo nito," bulong naman ni Anton sa hangin. "You say something?" tanong Alvaro. "Wala ho, Sir. Tatawagan ko ho si Ma'am Ruby agad-agad." "Thanks," aniya at pinutol na ang linya. Sa kabilang banda naman. Naguguluhan si Anton sa inaakto ngayon ng amo niya. Hindi niya alam kung bakit ang init ng ulo nito ngayon, pero sa tingin niya alam na niya ang dahilan. Maybe he's jealous with Dricks Alcantara. Pero bago pa siya makalimot, agad na niyang tinawagan si Ma'am Ruby para sabihin dito na gusto niyang makausap ng boss niya at hintyin ang tawag nito. Pagkatapos itong masabihan ay muli niyang itinuon ang sarili sa nabitin niyang trabaho. HINDI makapaniwala na nakatitig lang si Ruby sa teleponong hawak niya. Kakatapos lang niyang kausapin ang sekretaryo ni Mr. King at pinapasabi nito na gusto raw siyang makausap ni Mr. King at hintayin lang ang tawag nito. Nagtataka man ay hindi na siya makapaghintay pa na tumawag ang may-ari ng pinaka successful na retail company sa buong mundo. Napatingin siya sa cellphone niya nang umilaw ang screen ni'yon dahil may nag message sa kanya na agad naman niyang binasa at galing iyon kay Alvaro. Alvaro: Good morning Agad niya itong nireplyan. Ruby: Good morning! Ang aga mo namang gumising? If I'm not mistaken, four pa lang dyan ng madaling araw. Alvaro: I can't sleep. Ruby: Bakit? Kailangan mong magpahinga. Alvaro: I miss you. Nakagat ni Ruby ang ibabang labi. Alvaro missed her, at hindi niya maitatangging na kinilig siya dahil 'dun. Miss din naman niya ito pero hindi niya alam o dapat ba niyang sabihin na miss niya na rin ito. Alvaro: I said I miss you, Ruby Muling message nito nang hindi siya nag-reply. Ruby: me too. Ang tanging nasabi niya. Alvaro: Pinadalhan ka ba ng breakfast ni Dave? Napatingin siya sa pagkaing pinadala ni Dave na hanggang ngayon ay hindi pa pala niya nakakain na halos magtatanghalian na rin. Ruby: Oo. Salamat Alvaro: Wag mong kakaligtaang kumain. Ruby: Ikaw din. Mag-ingat ka dyan palagi. Alvaro: I will. For you. Ikaw din. Ruby: yes po. Pagkatapos niyang mag-reply ay hindi na ulit nag reply sa kanya si Alvaro at nag offline na rin ito. Naging abala na rin si Ruby sa nagdaang mga oras hanggang sa sumapit ang uwian. Ang inaabangan niyang tatawag sa kanya ay hindi pa tumatawag, marahil naging abala rin si Mr. King. Lalabas na sana siya sa opisina nang bumukas ang pinto at dumungaw si Mona. "Ma'am, Mr. King is in the line one," anito na muli rin sinara ang pinto. Agad niyang inabot ang telepono para tanggapin ang tawag ni Mr. King. "Hello, Ruby is on the line." "Good evening, Miss Adelle..." Bumilis ang t***k ng puso ni Ruby sa hindi niya malaman ang dahilan. Mr. King's voice was deep that can make your body shiver. "H-hi..." Gusto niyang buskahan ang sarili dahil bakit ba siya nauutal? "How are you?" "I'm good, Mr. King. Umh...do you need anything?" "Oh!" Mr. King chuckled. "I want to offer you a business. I want you to become my business partner." Hindi agad nakasagot si Ruby dahil hindi niya lubos akalain na ang isang kilalang businessman ay gugustohin siyang maging business partner. "Ms. Adelle?" "I-I'm sorry. I just can't believe that you want to me to become your business partner. I mean, bago pa lang ang business ko at hindi pa ganu'n kilala." "Is that matter?" "For me, yes." "But for me, it's not. I want to become part of Queen's Wardrobe. Yun ay kung papayag ka." "At kung papayag ako?" "Masisiguro ko sa'yong mas hihigit pang makikila ang business mo at mas mapapalago mo ito." "Pero?" tanong niya dahil alam niyang may kapalit na kundisyon ang offer nito sa kanya. Mr. King chuckled again. "You are smart, Ms. Adelle. That's why I like you." Lalong kumabog ang puso niya. Mr. King likes her? "Anong kapalit ng inaalok mo sa'kin, Mr. King?" muling tanong niya na hindi pinahalata na apektado siya sa sinabi nito. "Hindi ito kundisyon. Ang pakiusap ko lang sana, wala kang ibang tatanggaping offer mula sa iba maliban sa'kin." Pero bakit? "Pwede ko bang malaman kung bakit?" "Siloso akong tao pagdating sa negosyo. That's the reason. "Oh..." "Well? What is your answer, Ms. Adelle?" Walang sino man ang hindi gugustohin na tanggapin ang offer ng isang kilalang may-ari ng isang malaking kumpanya pero kailangan pa rin niyang pag-isipan ng mabuti kung dapat niya ba itong pagkatiwalaan o hindi. "Isang malaking karangalan na makatanggap ng offer mula sa'yo, Mr. King. Pero sana hayaan mo munang pagisipan ko muna ng mabuti." "You don't trust me, don't you?" "Hindi naman sa ganu'n—" "It's okay. I understand. Tumawag ka na lang sa'kin kapag napag-isipan mo na ng mabuti." "I will, Mr. King. Thank you." End button na ang sunod na narinig niya mula sa kabilang linya.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD