Kitang-kita ni Prince kung paano kumibot ang gilid ng labi ni Miguel nang marinig mula sa kaniya ang palayaw nito. Lihim na humagikhik ang ibang mga kasamahan nito maging nanay nito, marahil ay nahimigan ang pagtukso niya. Miguel glanced at his mother and the latter instantly pursed her lips. Nang magbitaw sila ng mga kamay ay taas-noo niya itong pinakatitigan. Kaagad siyang natuwa dahil nakuha nito ang atensiyon niya. Mayroon na kaagad siyang mapagtitripan sa boring na lugar kung nasaan siya.
“Sana po ay masiyahan ka sa pananatili mo rito, senyorito,” anito sa pormal na boses.
Ngumisi si Prince kay Miguel na noo’y bahagya nang sumalubong ang mga kilay. Mukhang hindi na ito natutuwa sa kaniya. Prince chuckled sabay lagay ng mga kamay niya sa magkabila niyang bulsa. Maangas siyang tumango rito.
“Thanks. I’ll surely will.”
Pumalakpak ang lola niya dahilan para makuha ang atensiyon nilang lahat. Nakita ni Prince na may dalaga na kanina pa nakaangkla sa braso ni Miguel. Sa pagkaalala niya ay LJ ang pangalan ng dalaga. Umiwas siya ng tingin. He shrugged on himself thinking that it was probably his girl.
“I’ll just go and get Lucio inside para makapagpakita na sa mga bisita,” ani Lola niya, tinutukoy ang kaniyang Lolo. “So kayo na muna bahala rito sa apo ko, ha? I’ll be back.”
Nakangiting tinapik siya nito sa balikat bago umalis. Tipid lang na napangiti si Prince bago siya naiwan doon kasama ang mga dalaga at binata na kaedad niya at siyempre, pati na rin si Miguel.
“Oh, kayo, samahan niyo si senyorito at huwag niyo siya pabayaan. Miguel, sige na. Entertain niyo ang senyorito nang may makausap siya at magkakilanlan kayo,” narinig niyang sabi ng ina ni Miguel na si Mytha.
Nang iwan na sila ng mga matanda ay tila nahihiya pa ang mga ito sa kaniya. Palakaibigan naman siyang ngumiti kahit hindi naman siya ganoon. Kung nandito lang iyong mga barkada niya tiyak ay may napaiyak na silang babae kanina pa. Napailing siya dahil noon lang nag-sink-in sa kaniya kung gaano sila katarantado.
“Baka gusto niyong kumain muna?” Siya na ang nag-initiate na kausapin ang mga ito. “Sabay-sabay na lang tayo dahil ako rin ay hindi pa kumakain.”
Bahagya namang lumiwanag ang mukha ng mga ito nang marinig ang sinabi niya. Prince glanced at Miguel nang mauna na itong maglakad. He smirked dahil mukhang na-offend niya talaga ito kanina. Well, hindi siya nito masisisi. Narinig niya lang ang palayaw nito sa mga matanda.
“Senyorito, ilang taon ka na po?” tanong ng isang dalaga noong nasa mahaba na silang lamesa at kumukuha ng pagkain.
“I’m 20.”
Napa-oohh sila nang sabihin niya iyon.
“Naku! Halos kaedad ka lang din pala ng iba sa amin,” anito na tinanguan din ng iba. “Kolehiyo ka na rin po ano? Graduating? Siguro ay nasa malaki at pribadong eskewelahan po kayo nag-aaral.”
They all became dreamy talking about the city, tall buildings, how people would look from there. Wala sa sariling napababa siya ng tingin sa pagkaing nilalagay niya sa kaniyang pinggan. Gusto niyang barahin ang mga ito, kaso umurong din ang dila ni Prince. Naisip niya kung gaano ka-simple-minded ang mga tao sa probinsiya. Na kapag narinig ang siyudad ay puro ganoon kaagad ang naiisip nila. For Prince, it was not dreamy at all. Kung alam lang nila kung gaano kagulo ang mamuhay sa siyudad. But then again, mas gusto niya pa rin doon kaysa sa buhay probinsiya.
“Siguro may girlfriend itong si senyorito roon!” Boses iyon ng isang binatilyo na tingin niya ay medyo matanda sa kaniya.
Ngumisi siya sabay iling. “I only do flings. I don’t like serious relationship.”
Natahimik ang mga ito. Nagtaka siya kung may mali ba siyang nasabi. Ngunit nang kunutan siya ng noo ng mga ito ay natanto niya na baka hindi nila naintindihan iyon. He was about to explain nang may tumayo sa tabi niya para kumuha ng kaparehong putahe na kinuha niya kanina. Tumaas ang isa niyang kilay dahil hanggang balikat lang pala siya nito. Prince could faintly smell him. For sure, mumurahing pabango lang ang mayroon ito, pero nakagugulat dahil sobrang bango nito. Sa isip kasi niya kapag mga taga-probinsya ay amoy pawis o amoy lupa. Wala namang mabaho sa kanila so Prince concluded na medyo judgemental siya roon.
Tumikhim siya. “Tol, may lahi ka ba?” he asked, completely ignoring that he was about to explain something earlier.
Narinig niyang may nasamid nang tanungin niya iyon. Miguel looked at him, brows furrowed. Tumaas din ang dalawang kilay ni Prince, naghihintay sa sagot nito. Wala naman siyang nakikitang mali sa tinanong niya, he was purely curious. Kitang-kita niya kung paano hinarap ni Miguel sa kaniya ang buong katawan nito. Mukhang nakuha na niya ang buong atensiyon niyo.
“Halata naman po siguro, senyorito,” anito ngunit sa mahinahon pa ring boses.
Prince mouth formed an ‘o’. Well, obvious nga naman sa mukha pa lamang nito. Hindi lang niya napaghandaan ang indirect sarcasm nito. Prince chuckled at tinapik ito sa balikat.
“Akala ko kasi kanina hindi ka marunong magtagalog, tol. Medyo nagulat lang ako,” natatawa niyang sambit. “Bakit pala Junjun ang palayaw mo?”
“Ah, senyorito! Umiinom ka po ba? Sali ka po sa amin kung papayagan ka pong tumagay,” biglang singit ng isang binata na bahagyang dinaanan ng sulyap si Miguel bago ngumiti sa kaniya.
Nakuha noon ang atensiyon ni Prince. He liked drinking and alchohol a lot kaya hindi niya tatanggihan iyon. Alam niyang hindi naman siya pagbabawalan ng lolo at lola niya dahil welcome party niya naman, ngunit nag-utos pa rin siya sa isang binata na ipaalam sa dalawang matanda na iinom sila. Nang bumalik ito ay sinabi na ayos lang daw basta huwag magpasobra. Prince had a high alchohol tolerance kaya kumpiyansiya siyang hindi kaagad siya tutumba.
“What about the girls, they won’t drink?” taas ang isang kilay niyang saad nang nakapuwesto na sila sa may lilim ng malaking mangga sa bakuran nila.
“Naku, hindi po palainom ang mga dalaga namin dito, senyorito. Hindi po maganda sa babae tignan at mahigpit din ang mga tatay,” sagot ng nasa harap niya. “Bakit sa inyo po ba, pwede?”
Prince discovered something again. Akala niya ay wala nang nag-e-exist na mga Maria Clara sa mundo dahil sanay na siyang makakita ng mga babaeng mahilig sa night-out. Ang iba nga ay wala pa sa legal na edad ay nag-ba-bar na. It was natural lalo na sa mga mayayaman at mula sa elite family na kagaya nila. Sa probinsiya pala ay may kasabihan pa na hindi iyon maganda tignan sa isang babae. Well maybe, hindi nga talaga maganda tignan lalo na at malaki ang mawawala sa isang babae kapag napariwara ng maaga. Naalala niya tuloy iyong babae na katabi niya sa kama dahilan kung bakit nasa sitwasiyon siya na ito ngayon.
Pinagdasal niya na sana hindi niya nabuntis iyon o ano. Wala pa rin siyang maalala.
“Well, I’m used to seeing girls who are party lover.” Prince shrugged.
“Ay, iba po kasi rito, senyorito. Mas makikita mo lang na nag-aaral at tumutulong sa bahay ang mga babae namin dito.”
Ngumuso si Prince sabay tanggap ng baso na may alak na inalok sa kaniya. Hindi na sa kaniya bago ang bote ng mga alak na nakalatag sa lamesa nila, ganoon din kasi minsan ang tinatagay nila ng mga barkada niya sa bar. Napapikit siya nang malasahan ang alak sa kaniyang lalamunan. Gusto niyang matawa dahil isa ang alak sa nagpahamak sa kaniya ngunit heto siya ngayon at tumatagay sa probinsiya. Naisip niyang hindi na rin pala masama.
Naramdaman niyang may tumabi sa kaniya at bahagya pa siyang nagulat nang makita na si Miguel iyon. Hindi kasi agad ito sumunod sa kanila kanina dahil ihahatid raw muna nito ang LJ na kasama nito dahil bawal daw magpagabi. Binati ulit ito ng mga kasamahan nila sa lamesa at tinanggap din ang baso na may laman nang alak. Biglang may naisip si Prince kung kaya ay napangisi siya.
“Tol,” tawag niya sa atensiyon ni Miguel na lumingon naman kaagad sa kaniya. “Paramihan tayo ng inom, ano? Sino matalo may iuutos sa talunan kinabukasan.”
Tumaas-baba ang kilay ni Prince sa harap ni Miguel. Hindi niya alam kung mataas ba ang tolerance nito sa alak, pero malakas talaga ang kagustuhan niya na hamunin ito. Kapag natalo niya ito, uutusan niya itong pagsilibihan siya ng isang araw. Naiisip pa lang niya, na-e-excite na siya. Hindi niya alam pero natutuwa talaga si Prince na asarin ito magmula pa kanina.
Miguel was confused at first ngunit hindi nagtagal ay nakakita na si Prince ng amusement sa mga mata nito. He saw Miguel gently licked his lower lip bago marahang tumango. Miguel smirked that caught Prince off-guard. Nawala ang ngisi ni Prince dahil doon.
“Huwag mo sanang pagsisihan ito, senyorito.”