“Gising na gising na!”
Gulat na gulat at kaagad na napabangon pahiga si Prince mula sa pagtulog nang marinig ang malakas na sigaw ng kaniyang Lolo. May hawak pa itong sandok na pinupugpog sa takip ng kaldero. Napahawak si Prince sa kaniyang ulo dahil sobrang bigat at sakit noon!
“Gising na mahal na senyorito. Wala ka sa mansiyon niyo, hindi uso ang mga tinatanghali gumising dito,” strikto nitong saad matapos iabot sa isang katiwala ang mga hawak nito kanina. “Bumaba ka na riyan at mag-uumagahan na.”
Napaungot si Prince at binagsak muli ang kaniyang katawan sa kama nang lumabas na ito. Hinanap ng mga mata niya ang kaniyang cellphone at nang makita ay napamura siya nang makita na halos ala-siyete pa lamang ng umaga. Mas sanay siyang gumising ng alas-nuwebe o tanghali pa nga lalo kung walang pasok. Mas nadagdagan ang kagustuhan niyang makaalis na sa lugar na ito dahil doon. He wouldn’t last here kung ganito lagi.
“Lintek, bakit sobrang sakit ng ulo ko?” bulong niya nang mapagpasiyahang tumayo na para makapaghilamos.
Pumasok siya sa banyo na naroon sa kaniyang kwarto para umpisahan na ang kaniyang mga ritwal. Humikab pa siya at napakamot sa kaniyang tiyan. Pipikit-pikit ang mga mata nang makarating na sa sink ng banyo. Pakiramdam ni Prince ay inumpog ng paulit-ulit ang ulo niya sa pader dahil sa sobrang sakit. Nang makapaghilamos na siya at nagmumog, naamoy niya mula sa kaniyang hininga ang amoy ng alak. Dahil doon, nanlaki ang mga mata niya habang tinitignan ang sarili mula sa salamin sa kaniyang harap.
“Hala, putangina. Nag-inom nga pala kami kagabi,” bulong niya sabay sabunot sa kaniyang buhok. “f**k, what happened after that?”
Dali-dali siyang lumabas mula sa banyo at nagpalit ng damit dahil naamoy na rin niya sa kaniyang sarili ang malakas na amoy ng alak. Kahit noong makalabas na siya sa kaniyang silid at makababa ay pilit niya pa rin inaalala kung ano ang nangyari kagabi. Prince cursed a lot dahil ang naaalala niya lamang ay iyong nag-aya sila ng inuman sa kaniya, but after that ay blurred na lahat.
Nang papasok na si Prince sa kusina ay pilit niyang kinalma ang sarili kahit na sobrang sakit pa rin ng ulo niya at dagdag pang iritado na siya. Nakita niya ang lolo at lola niya sa hapag na mukhang hinihintay siya kanina pa. Nasa kabisera ang kaniyang Lolo habang ang lola niya nama’y nasa kanan nito. Lumapit muna siya sa Lola niya para bumati at humalik sa pisngi bago naupo sa kaliwang bahagi ng lamesa, katabi rin ng lolo niya. Napataas ang kilay ni Prince nang mapansin ang kakaibang tingin na ibinibigay sa kaniya ng mga katiwala. Nang mapansin nila ang mga titig niya ay umiwas din sila ng tingin at nilapag ang mga umagahan nila sa lamesa.
“Ngayon naiintindihan ko na kung bakit stress na stress sa iyo ang mga magulang mo, young man,” biglang sambit ng lolo niya na kinatingin niya rito. “You’re such a bad drunkard.”
Nanlaki ang mga mata niya nang mailing ito habang ang lola niya naman ay mababaw na natawa. Kaagad na kinabahan si Prince, thinking what the hell did he do last night. Oo mataas ang tolerance niya, pero kapag wasted na siya ay hindi na rin niya alam mga pinagagawa niya. He felt that familiar chills noong nagising siya katabi ang isang babae, pakiramdam niya ay may masama na namang pangitain.
“W-What did I do last night? May nagawa po ba akong masama?” lakas-loob niyang tanong sa mga ito.
Muling natawa ang lola niya kaya mas lalong hindi na mapakali si Prince. Mas sumasakit ang ulo niya dahil pinipilit niya pa ring makaalala. Baka kung anong kahihiyan na ang nagawa niya kagabi!
Tumango ang lolo niya. “You’ll know later. Someone will come here to fetch you. Nagpustahan daw kayo kagabi at natalo ka raw. Sinabi niya na ngayon niya ipapagawa sa iyo ang parusa mo. Well, ganoon na lang din ang nangyari kaya kinausap ko na rin siya kung bakit ka narito and I’m glad he accepted my offer.”
Muntik nang mabulunan si Prince sa narinig na iyon. Bahagya siyang natulala sa mukha ng lolo niya.
“Pustahan? Offer?” Tumingin na rin siya sa lola niya na mukhang amused sa nangyayari. “Lola?”
“Yeah, I offered him to train you.”
Hindi pa na nakababawi sa narinig mula sa kaniyang Lolo ay aksidente niyang nakita si Aling Mytha na dumaan sa kusina dala ang sa tingin niya’y palanggana na may lamang mga labahin. Sa tingin ni Prince ay lalabas ito para isampay ang mga iyon as labas. Nagtagpo ang pangingin nila at napangiti ito ng makahulugan sa kaniya. Dahil doon, may pumasok na alaala sa kaniyang isipan.
“Tol,” tawag niya kay Miguel. “Paramihan tayo ng inom, ano? Kung sino ang matalo may iuutos sa talunan kinabukasan.”
“Putangina,” bulong niya at napapikit nang mariin.
Nang magsimula sila sa tahimik nilang pagkain ng agahan ay halos hindi na malunok ni Prince ang kaniyang kinakain. Sinubukan na lamang niyang tapusin iyon at halos hindi na makatingin kahit kanino nang magpaalam siya sa hapag para bumalik sa kaniyang kwarto. Pagkabalik, inis niyang sinipa ang nakasarang pinto sabay hilamos sa kaniyang mukha.
“Pakshet, Prince Justin. Ano ba naman kasi ang pumasok sa kokote mo at nanghamon ka.”
May ideya na siya kung sino ang susundo sa kaniya mamaya dahil halatang natalo siya sa pustaan nila kagabi. Hindi niya lang alam kung paano ito haharapin dahil ang yabang niya kagabi tapos hindi pa niya alam kung ano ang pinagagawa niya noong nalasing na. Iniisip niya rin kung ano ang iuutos nito sa kaniya mamaya bilang parusa sa kanilang pustaan.
“And why the hell Lolo told me that he’s the one who will train me? Para patinuin ako, gano’n?”
Dahil mas sumasakit lang ang ulo niya sa kaiisip ay napagpasiyahan na lamang niyang maligo. Alas-nuwebe nang matapos siya sa kaniyang mga ritwal nang may kumatok na katiwala sa kaniyang kwarto. Pinagbuksan niya ito at may dala itong gamot, padala raw ng lola niya para sa kaniyang sakit ng ulo. Kaagad niyang kinuha para inumin iyon.
“Tsaka bumaba na rin daw po kayo, senyorito. Nandiyan na po ang anak ni Aling Mytha na si Miguel, dadalhin daw po kayo sa palayan.”
Nasamid siya sa narinig na iyon mula sa katiwala. Nang makabawi sa pag-ubo ay nanlilisik ang mga mata na tinignan niya ang natakot bigla na katiwala.
“What? Palayan?”
“O-Opo. Iyon po kasi ang sabi ng senyor.”
Napatampal ng kaniyang noo si Prince dahil mukhang nakukuha na niya kung ano ang mangyayari. Dali-dali siyang bumaba para hanapin ang sundo niya kahit hindi pa niya alam kung paano ito haharapin. Pagkababa ay nagtaka siya dahil walang tao hanggang sa nakarinig siya ng tawanan sa labas.
Lumabas si Prince at mula sa kanilang terasa ay natanaw niya ang kaniyang Lolo na may kausap na iilang mga trabahador. Balot na balot ang mga ito at may tila banig na sumbero sa kanilang mga ulo. May dala ang mga ito na itak at tila mga mais na pinapakita ng mga ito sa kaniyang Lolo. Ngunit higit sa lahat, naagaw ang atensiyon niya ng lalaki na katuwa at kahit kapareho ng kasuotan sa mga trabahador ay parang hindi nababagay tignan kasama ang mga ito. Was it because he looked so imported?
Bumaba si Prince para makalapit sa kanila. Humigop siya ng hininga bago naglakas-loob na tumikhim nang malakas para kuhain ang atensiyon nila. Kaagad na bumati sa kaniya ang mga trabahador nang mamataan. Dahil naputol na rin niya ang usapan ng mga ito ay narinig niyang nagpaalam ang mga ito bigla sa Lolo niya para yata bumalik sa kanilang mga trabaho. Naiwan siya at ang lolo niya kasama si Miguel na noo’y mataman na siyang tinitignan. Umiwas siya ng tingin.
“Oh, good. You’re done getting ready. Naandito na ang sundo mo, si Miguel. Dadalhin ka niya sa palayang sakop natin para ma-familiarize mo ang mga bagay roon and also to learn a thing or two sa mga gawain doon,” mahabang litaniya ng lolo niya.
“Uh… hindi ba pwede na sa rancho na lang muna natin, Lo?” napapakamot sa batok niyang saad.
Tumaas ang kilay ng lolo niya sa narinig mula sa kaniya.
“Why? You already know how to get on a horse, Prince. Ano naman ang gagawin mo roon? Magpapaligo ng mga kabayo?”
Prince pursed his lips dahil tila napahiya siya. Naningkit ang mga mata niya nang makita niyang nag-iwas ng tingin si Miguel na nakatayo sa likod ng lolo niya. Hindi nakatakas sa paningin niya ang pagkibot ng mga labi nito. The man was laughing at him!
“Okay then…” he said, defeated.
“Good.” Bumaling ang lolo niya kay Miguel. “Ikaw na ang bahala sa kaniya ijo kagaya ng sabi ko.”
Tumango ito sa Lolo niya bago naglakad ang lolo niya paalis at naiwan na sila. Prince scoffed at Miguel na noon lang siya binati.
“Magandang umaga, senyorito,” tila nanunuya nitong bati. “Sana ay maayos lang po ang gising mo kanina.”
Prince gritted his teeth dahil bukod sa hiya at hindi pa niya alam kung ano ang pinagagawa niya kagabi. Naiirita rin siya dahil tila siya na ang tinutukso nito. Great! The tables turned. Siguro nga ay nagkamali rin siya ng taong hinamon.
“What the hell did happen last night?” mariin niyang tanong dito.
Miguel tilted his head at him bago pinagkrus ang mga kamay nito sa sariling dibdib. Dahil mataas nga ito ay nakatingala si Prince rito.
“Mas maganda kung ikaw na ang umalala, senyorito.” Pinadaanan ng dila nito ang gilid ng bibig nito bago siya nito tinalikuran. “Mukhang handa ka na rin po naman ay mainam pong umalis na tayo. Sa susunod ay dapat maaga na po tayo dahil hindi alas-nuwebe ang simula ng trabaho rito sa probinsiya.”
“Peste.”
Inambaan ni Prince ng suntok sa ere si Miguel nang makatalikod ito sa kaniya. Naisip niya na babawi talaga siya rito kahit bumabawi lang din ito sa kaniya dahil nainis niya ito kagabi. Sanay si Prince na tumitiklop kaagad ang isang tao sa harap niya kahit mas malaki o mas matanda pa sa kaniya kung kaya bago sa panlasa niya ang kagaya ni Miguel. Na-e-excite siya sa kaisipang mapapatiklop niya rin ito ulit kagaya ng iba.
“Oo nga pala, senyorito.”
“Ay putangina. Bakit ka tumigil bigla?” singhal niya dahil bigla itong tumigil at pumihit paharap sa kaniya paharap habang palabas na sila ng hacienda.
“Naalala ko lang.” Miguel amusely smirked at him. “Ang galing mo po palang sumayaw ng otso-otso.”
Prince’s jaw dropped when he heard that. Nang muli itong tumalikod at naglakad, hindi kaagad siya nakakilos sa kaniyang kinatatayuan.
“Putangina.” Napasabunot siya sa kaniyang buhok. “What the hell did I really f*****g do last night?”
Prince sweared to god he was not a good dancer!