Iniinit ko ang natirang ulam kinaumagahan. Di naman pala sila malakas kumain kaya may natira pa. “Kain na,” anyaya ko kay Marco nang pababa na ito sa hagdan. “Kumain ka mag isa. Kainin mong lahat yan.” ang sungit nanaman niya. Nagtitimpi lang ako tsaka di ko rin naman sya masagot. Lalo lang syang magagaglit at lalo lang akong pahihirapan. Papasok na sya marahil sa work dahil naka coat and tie. Mabuti at magiging busy na sya sa buhay niya at may iba na syang pagbabalingan ng galit nya sa buhay. Trabahong pangarap nya noon pa ang hiniling nya kay Daddy. Ang makuha ang kumpanya ni daddy at maging tagapamahala noon. Di yun ang main business nila. May mas malaking kumpanya si daddy na construction kaya pinaubaya na nito ang realty business nila kay Marco. Mabuti pa sya at nakuha na ang mga