Mukhang gustong gusto na rin naman niyang makalaya na kaya sige na nga at konting tiis na lang naman. Naramdaman ko ang pagyakap niya. Hinimas niya ang likod ko na parang pinapakalma ang pagiging emosyonal ko ng araw na iyon. Alam kong peke lang ang lahat pero kailangan naming patunayang mahal namin ang isa't-isa. “Wrap your legs around my waist,” bulong nito sa akin. “Ha? Bakit?” “Just follow what i said. Nakatingin sila kaya itotodo na nga ang pagpapanggap di ba?” Ginawa ko nga ang gusto niya at nagsimula syang maglakad papalayo pa at papunta sa malalim na bahagi. “Anong gagawin mo? saan pa ba tayp pupunta?” kumapit ako ng maigi sa lalaki dahil lumalalim na lalo ang bahaging iyon. Matangkad si Marco. Ang hanggang balikat niyang tubig ay upos na ako. “Sabi mo dalhin kita sa malayo