Nagkwentuhan pa kaming apat at nauwi rin sa usapang negosyo ang dalawang lalaki. Kami naman ni Madam ay nagkwentuhan lang din ng mga kung anu-ano at umiba ng pwesto. Nagsuot na lang ako ng isa pang shirt para di gaanong ginawin. Ilang saglit pa ay nagsipasok na kami sa aming mga tent para makapagpahinga na. Naligo muna ako pagkainit ko ng tubig dahil amoy ulam na ako. Nakakahiyang maamoy nila ako hanggang kinaumagahan. “Sa comforter na lang ako mahihiga,” sabi ko sa lalaking nakahiga na sa kama. “Bahala ka,” saad ng lalaki na wala na ang kaning malambing niyang pagkatao at bumalik ulit sa dating anyo. Alam ko naman na ayaw niya akong katabi kaya inunahan ko na sya.” “Iisa lang ang kumot. Paano ako?” biglang tanong niya. Sinasabi nya bang kailangan nya rin ang comforter at paano rin nam