Nasa kwarto lang ako at nakahiga. Iniisip ang eksena namin ni Mikee at ang pag-amin niya. Kinikilig ako pero magiging komplikado ang lahat kaya baka maging problema ang pagmamahalan namin. Gabi na at dadating na si Marco. Di na ako bumaba pa at ayokong magkita kami. Nagulat akong may kumatok sa kwarto ko. “May event sa office. Sumama ka,” anyaya nito na di naman bukal sa kanyang kalooban. “Kailan?” “Bukas. Mag-ayos ka ha,” bilin nito na parang napakapangit ng ayos ko. “Formal ba?” “Business casual. Simpleng dress lang at konting make up lang. Baka magmukha kang clown o call girl. Ayusan mo ha,”nakakainis na saad nito. Nagbibilin ba sya o inaalipusta ako? “Oo na.” Grabe naman sa mukhang clown. Kelan ba ako nagtadtad ng make up? I called Mikee na hwag munang pumunta kinabukasan. Ma