CND24

1021 Words

Nagising siya sa lamig na sumisigid sa kanyang kalamnan, napasiksik sa mainit init na bagay sa kanyang tabi. Pero napadilat siya ng gumanti ng yakap ang bagay na iyon. "Morning baby." Sabi nito sa kanya. "M-morning." Medyo conscious na sabi niya, di niya kasi alam kung paano ito haharapin matapos ang nangyari sa kanila ng nagdaang gabi. Akmang kakalas siya sa yakap nito. "Don't move, masarap matulog ng kayakap ka." Sabi pa nito. "Anong oras na?" Tanong niya dito. "I don't know, pero madilim pa sa labas." Sagot nito na marahang hinaplos ang kanyang hubad na likod. Di man lang nag abala ang lalaki na lagyan siya ng damit matapos siyang hubaran ng nagdaang gabi. "Teka babangon ako." Sabi niya dito. "Bakit?" Tanong pa nito. "Magbibihis ako ng damit ang lamig kasi." Sabi niya dito. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD