Dalawang bag ang binili ng boss niya na pawang katumbas na ng buhay niya ang presyo. Di niya alam kung para kanino ang bag na iyon. May mga dress at mga summer dresses pa na kasama. "Ano pa po ang bibilhin natin?" Tanong niya dito ng matapos na silang magbayad para sa kanilang mga pinamili na mga bags at mga damit. "We will buy, swim wears for you and for Kelly. Para sa bakasyon natin sa Davao." Sabi ng lalaki, napangiwi siya. Never pa siyang nakapag suot ng swim wears either one piece or two piece. Lalo at di naman sya ang tipo ng tao ma mahilig sumama sa mga outing. "Si Kelly nalang ang bilhan mo, di ako nagsusuot ng ganun." Nakangiwi niyang sabi dito. Pang bold star ang katawan niya, yun ang bansag ni Pam sa kanya. Lalo at malaki ang kanyang hinaharap. "Kung ayaw mong pumili ng para