CND14

1926 Words

Gising parin si Kelly kahit nagsilayas na ang mga kaibigan ng ama nito. Nakaupo siya sa tabi ng ama nito, kasi ang mabait na si Tiray ay umuwe at nakalimutan daw na magdala ng maintenance nito sa high blood nito. "Matulog kana Kelly, gabi na o." Sabi niya sa bata. "Kakagising ko lang naman po Tita e." Katuwiran pa nito. Pag lingon niya sa ama nito ay tila aliw na aliw sa kanilang dalawa ng bata. Sa halip na pagsabihan ang anak e mukhang suportado pa ng lalaki ang anak sa pagmamatigas sa kanya. "Gutom kaba?" Tanong niya sa bata. "Ang dami nyo na ngang pinakain sa akin kanina e, si Daddy nalang ang pakainin nyo para tumaba na siya. Para di na siya love ni Tita Ellen." Sabi ng bata. "Di na yun pupunta o lalapit pa sa atin baby." Sabi nito. Di niya alam kung siya ba ang baby na kinakausap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD