Nagising siyang di niya maipaliwanag ang kanyang nadarama. Sobrang nahihilo siya na sinamahan pa ng kirot ng sentido niya. Naduduwal pa siya, parang gusto niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Maingat siyang bumangon sa kama. Ang kanyang goal ngayon ay ang maitago ang pagsumpong na naman ng hilo niya. Nakita niyang gumalaw pa ang kayakap niya, kaya naman napakagat labi siya. Pilit niyang pigilan ang pag igik ng muling maramdaman ang pagkirot ng kanyang ulo kasunod niyon ay ang matinding pagkahilo. Pumikit siya at taimtim na nagdasal, medyo napapadalas na ang sumpong ng hilo niya. Bagamat nagpayo na sa kanya si Pam na ipa check up na nya, baka daw seryuso ang kanyang sakit. Pero di siya nakinig, di dahil sa natatakot siyang baka malaman na may malala siyang sakit, kundi dahil sa kakulangan