Nasa library ako ngayon. Nag mumuni muni matagal ko na din kasing di pinapansin si Andrea. Feeling ko namimiss ko na siya pero parang di ko naman kayang makipag plastikan pa sakanya.
"Miss Monicryz Santiago?"
Napatayo ako sa gulat ng may tumawag sa boong pangalan ko. "Yes sir?!"
"Sshhhhh..." Pag bawal sakin ng Librarian.
Kaya naman napatingin ako sakanya na nag pipigil ng tawa. Pati ang paligid nakatingin saming dalawa at natatawa sa sagot ko. Ano nanaman ang trip nito?!
"Yes sir!" Pang gagaya niya pa sakin. "Nakakatawa ka." Dagdag niya pa at tumawa ng tumawa.
"Alam mo? Nakakainis ka!" Irap ko sakanya at naupo ulit.
"Tingin mo?" Ngisi niya pa ulit at naupo sa tapat na bangko.
"Pwede ba tigilan mo ko..." Walang ganang sagot ko sakanya.
"Ibibigay ko lang po sana sayo yung ID mo. Ms. Monicryz Santiago?" Pag papakita niya pa habang nakaturo sa picture ng school ID ko.
Hinila ko 'yon at mabilis na tinago sa bulsa ko. "Wag mo nga akong tawagin sa buo kong pangalan kainis!"
"Pasensya na, Miss Sungit!" Pang aaasar niya nanaman habang tumatayo.
"Hindi sungit ang pangalan ko!" Asar na tayo ko din.
"Hindi naman kita maintindihan. Ano ba talaga gusto mong itawag ko sayo?" Tawa nanaman niya habang tumitingin sa wrist watch na suot niya. Nakakainis siya. Gwapo siya pero nakakainis.
"Late na pala ko. Bye, Miss Sungit." Dagdag niya pa at kumaway sakin.
"Thank you sa ID MISTER!!" Asar ko ding sigaw sakanya. At once again binawal ako ng librarian. Pero atleast nakaganti ko sakanya.
◂ ❚ ⊱ꕥ⊰ ❚ ▸
Nakita ko naman sila Andrea at Nick sa canteen. Gusto ko sanang umiwas alam niyo naman ayoko silang makausap.
"Hoy Bruha! Bakit ngayon lang kita nakita?!" Sigaw sakin ni Mars. Kaya naman napangiti nalang ako at napahinto. Wala nakong takas dahil napatingin na din sakin si Andrea.
Ngumiti siya sakin pero inismidan ko lang siya at bumalik ng tingin kay Mars.
"AAAHHHHH!! " Sigaw ng mga babaeng nangingisay sa kilig. Grabe sila.
"Sino naman kaya yung kinakikiligan nila?" Bulong ko kay Mars na halos tumayo na din sa pag silip. Ang dami kasing nakaharang di ko din makita.
"May transferee ba?" Taka ko namang bulong ulit. Mag sasalita na sana si Andrea kaya naman umiwas ako at lumingon sa direction ng mga nag hihiyawan.
"OMG! Si Hiro ba'yon?!" Excited na sigaw ni Mars habang kumakapit sakin.
Hiro? Parang ngayon ko lang narinig yung pangalan na 'yon? Siguro dahil di nako sumasama sa kanila. Nahuhuli na din ako sa mga balita.
"Napaka gwapo niya talaga! Diba?" Kinikilig naman na sabi ni Andrea. Grabe! Nakakaganon siya kahit nandito si Nick?
Bakit ba ko affected? Eh ano kung masasaktan niya si Nick? Mabuti na din 'yon sakanya at nakakarma na siya.
"Sinabi niyo pa! Kaso masungit daw yan walang pinapansin na iba at may sariling mundo." Linga samin ng isa sa mga fan girls ni Hiro daw.
Grabe. Sino ba 'yon? Gusto kong makita kaso para siyang artista na napapatayo pa yung mga babae. Kaasar di ko masilayan. Gwapo siguro talaga.
Napapaisip tuloy ako na mukhang mag kakaroon nako ng bagong Crush. Pag nangyari 'yon siguradong malilimutan ko na si Nick.
"Napaka gwapo niya! Swerte ko siguro kung magiging bf ko siya! OMG!" Sigaw pa nila. Ano ba yan?! Madami pa kong kaagaw pag nag kataon. Sa bagay sila naman ang nauna kesa sakin.
"Hay! Asa ka pa sa dami ng babaeng may gusto don. Tandaan mo 'to mas maraming mas maganda sayo." Tawanan naman kaming lahat kaya lang para namang napahiya na nun si Fatima.
"Ikaw Andrea papasa ka kaya sakanya?" Tuwang tuwang tanong nila. Si Andrea? Crush niya din pala talaga 'yon. Sabagay sa grupo namin siya na ang pinaka maganda.
Sino ba naman ako para labanan siya? Eh ako ang low class sa grupo namin. Ibig sabihin ako ang pinaka panget. Kaya siguro ako ang napag tripan ni Nick.
"Ewan pero ang cute niya noh!"
"Sinabi mo pa girl!"
Ang landi. Sa sobrang inis ko bago pa nila mapansin umalis nako. Nag lakad nalang ako papuntang chapel ng school namin. Inis pa din talaga ako sakanya.
"Datirati sabay pa nating pinangarap ang lahat...." Rinig kong kanta sa loob ng Chapel. Ang ganda ng boses niya kaya naman napapasok agad ako at tinignan kung sino 'yon.
"Siya pala." Inis kong bulong habang nakatitig kay Mr. Sungit na nag gigitara at gwapong gwapo lang ang itsura. Bakit may mga taong nabiyayaan ng ganyan? Gwapo na ang ganda pa ng boses.
"Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat naaalala ko pa non nag-aagawan ng nintendo kay sarap namang mabalikan ang ating kwento."
Sa sobrang ganda ng boses niya. Napapikit nalang ako habang inaalala ang kababata ko na super crush ko talaga. Si Mickey.
"lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili umaawit ng theme song na sabay kinabisa kay sarap namang mabalikan ang alaala"
"kaw ang kasama buhat noon ikaw ang pangarap hanggang ngayon"
"di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari"
"ako yung prinsesang sagip mo palagi"
"ngunit ngayoy marami ng nabago’t nangyari"
"ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng dararatda datidararatda datidararatda dati na gaya pa rin ng…"
"Datirati ay palaging sabay na mag syesta"
"at sabay rin gigising alas kwatro y medya"
"sabay manunuod ng paboritong programa"
"o kay tamis naman mabalikan ang alaala"
"di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari"
"ako yung prinsesang sagip mo palagi"
"ngunit ngayoy marami ng nabago’t nangyari"
"ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng"
" datirati ay naglalaro pa ng bahay-bahayan gamit-gamit ang mantel na itinali sa kawayan at pawang magkakalaban pag nag tataya-tayaan pero singtamis ng kendi pag nagkakasal-kasalan diba dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolinaminsan ay tambalang Mylene at Bojo Molinaang sarap sigurong balikan ng mga alaalalalo na’t kung magkayap mga bata’t magkasama at"
"parang Julio at Julia lagi tayong magkasamasabay tayong umiiyak pag inaapi si Sarah"
"una kang kinakatok sa pagsapit ng umagasana mabalik pa natin ating pagsasama"
"di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari"
"ako yung prinsesang sagip mo palagi"
"ngunit ngayo’y malayo ka’t malabong mangyariang aking pagtingin"'
"oh ibulong nalang sa hangin"
"pangarap na lang din (pangarap na lang din)na gaya pa rin ng..dararatda datidararatda datidararatda datina gaya pa rindararatda datidararatda datidararatda datina gaya pa rin ng..ng dati"
Hindi ko alam kung ano nangyari sakin pero nakipag duet talaga ako kay Mr. Sungit. May pinanghuhugutan eh! Mayron kasi akong kababata dati. Siya ang first love ko este puppy love kayalang di ko na siya nakita. Kahit anong hanap ko.
"Maganda pala boses mo princess!" Ngiti niya sakin habang binababa ang gitara.
"Princess?!" Di ko mapigilang ngiti sakanya.
"Oo, bakit ayaw mo ba? Bagay naman sayo eh!" Pang bobola niya pa tuloy feeling ko nag init yung mukha ko. Nag blush ba ko?! Nakakahiya.
"Cryz nalang." Nginig boses ko pang salita sakanya.
Natawa naman siya sakin at lumapit. "Pero sabi mo kasi prinsesa kita eh." Biglang banat niya kaya naman para kong nalusaw. Nakangiti pa siya sakin at ang liwanag ng mukha niya.
"Hoy! Mr. Ewan bakit ka mag isa dito? Sinungitan mo nanaman ba yung mga kaklase mo?" Ilang kong alis ng tingin sakanya at binago ang usapan. Asar pa-fall porket gwapo.
Ngumiti nanaman siya pero ang cute niya talaga pag nakangiti. Tuloy di ko mapigilang tumitig sakanya.
"Bakit? Bawal ba ko dito?"
"Grabe. Ang pilosopo ah." Asar kong sabat sakanya.
"Pwede naman pala princess eh..."
"Stop calling me princess!" Nakakailang kaya. Baka kung ano pa sabihin ng makakarinig mahirap na.
"Hiro nga pala not Mr. Ewan or Mr. Sungit or whatsoever." Ngiti nanaman niya habang nilalahad ang kamay. Cryz! Tama na yung titig baka mafall ka. Masasaktan ka nanaman.
Teka lang? Hiro? Pero hindi naman siguro? Marami lang talagang may pangalang Hiro.
Impossible namang siya yung pinag kakaguluhan kanina diba? Kasi mukhang kanina pa siya kumakanta dito. Baka kapangalan niya nga lang.
"Hiro ba ka mo?" Witch smile ko sakanya habang nakataas naman ang kilay niya sakin.
"Yes." Ngiti nanaman niya. Sayang gwapo talaga siya pero yung ugali niya─turn off!
"Alam mo di bagay sayo. Alam mo ba kung ano bagay sayo?"
"Ano? Wag mong sabihing prince ha?" Nakangisi niyang sabi. Ofcourse hindi prince noh! Asa ka pa! Mas bagay sakanya yung naisip ko.
"Hindi noh. Asa ka di sayo bagay yung prince!" Ngisi ko sakanya.
"Eh ano?" Salubong kilay niyang tingin sakin. Na para bang disappointed siya.
"Evil!" Madiin kong sagot sakanya.
"Ha? Nagpapatawa kaba? Haha. Kasi nakakatawa!" Tawa siya ng tawa. Asar mas cute pa siya pag tumatawa.
Grabe makaalis na nga lang baka mamaya mag kagusto pa ko sakanya.
"Hindi. Mukha ba?" Asar kong sagot. Umiling siya tapos tumawa ng tumawa.
"Grabe lakas ng tama..." Asar kong bulong habang tinatapik tapik niya pa ko.
"Ano nakakatawa? Di naman talaga bagay sayo yung Hiro. Kasi mas mukha kang kalaban ng mga super hero!!!!" Asar kong sigaw sakanya sabay takbo paalis. Para tuloy akong batang napikon dahil sakanya. Bumalik naman ako ng tingin sakanya at nakaseryoso na ang mukha niya tapos bigla nanamang tumawa ng tumawa.
Pang mental na yata.