Sabi ng marami mahirap mag mahal dahil madalas nasasaktan lang tayo. Yun naman lagi ang ending pag nag mahal tayo, laging may sakit sa dulo. Yung sugat na maiiwan pag wala na siya sayo. Na kahit ilang milyong gamot pa ang inumin mo ay di parin mag hihilom.
Pero bakit nga ba tayo nag mamahal kahit pa paulit ulit tayong nasasaktan? Dalawang sagot lang ang masasabi ko.
Siguro sadyang tanga lang tayo. Dahil paulit ulit man tayo nilang saktan. Mahal parin natin sila.
O kaya naman sadyang masarap lang talaga sigurong mag mahal dahil kahit nasasaktan man tayo. Ayan parin sinusunod parin ang puso. Dahil isang lambing niya lang sayo, o isang matamis na ngiti niya lang sayo napapawi lahat ng sakit sa puso mo. Lahat ng hinanakit natin sakanya ay nabubura.
Sa tingin niyo? Alin nga ba sa dalawa ang dahilan? Nakakatawa hindi ba? Kasi parehas lang.
Na kaya natin mag pakatanga sa taong minamahal natin dahil masarap umibig. Masarap sa pakiramdam na may nag aalaga sayo. Na aalalay sayo pag kailangan mo ng tulong at higit sa lahat may mag papangiti sayo pag malungkot ka.
Ano nga ba yung sakit na mararamdaman kung nanjan naman siya sa tabi mo? At para saan pa yung pag iyak mo kung nanjan naman siya para punasan ang luha mo.
Pero tandaan padin natin. If hindi man kayo ang tinadhanang mag sama ng taong minahal mo. Then siguro there is someone na para sayo. Kailangan lang nating mag hintay. Never mong isipin na End of the World na ha? Just wait and Relax.