V: Mainit na pagtanggap sa pagpapatay sayo

3517 Words
Penpen de Sarapen V: Mainit na pagtanggap Ilang buwan ang nakalipas. Meron isang pamilya ang ngayon ay patungo sa dating bahay nila Penpen. At ang pamilya na papunta sa kanilang bahay ang siyang bagong may-ari. Sakay sila ng magandang sasakyan at maraming dalang gamit. Sinabi ng lalaki na nagmamananeho na lilipat na sila sa bago nilang bahay. Hindi naniniwala ang asawa niya sa kanya, nagdududa ang babae kung talagang nabili nga ng asawa niya ang bahay na lilipatan nila. Sa tingin din ng babae ay may ginawang kalokohan ang asawa niya.  Habang nasa biyahe, tinatanong ng mga anak nila kung may palaruan sa bagong bahay na lilipatan nila. At sinabi ng lalaki na meron, kaya tuwang-tuwa ang mga anak nila. Kahit na nasa biyahe pa lang ay sabik na ang tatlong magkakapatid na Tom, Carla at Geoff na maglaro sa palaruan na sinabi ng kanilang ama. At dahil sa kakulitan ng bunso, sinabihan siya ng nakatatandang kapatid na matulog muna. Nang makatulog ang batang si Geoff ay nanaginip ito at nasisigaw na huwag siyang patayin. Pilit siyang ginising ng nakatatandang kapatid na babae na si Carla. At sinabi nga nito na nanaginip siya at nakakatakot ang panaginip niya. Pinakalma naman siya ng ate niya at tinanong siya ng nakatatandang kapatid na lalaki na si Tom kung ano ang napanaginipan niya. Sinuyaw siya ni Carla. Nakikita na ngang natatakot na ang bunsong kapatid, tinatanong pa kung ano ang napanaginipan nito. Kaya umawat na ang ina ng mga bata, dahil nagkakainitan na ang magkapatid na Tom at Carla. Sumunod ang tatlo sa sinabi ng ina--na matulog muna at huwag mag-isip ng nakakatakot para hindi mapanaginipan. Mahimbing na natutulog ang magkakapatid, habang patuloy lang sa pagmaneho ang kanilang ama. Mahigit dalawang oras din ang itinagal ng kanilang biyahe papunta sa bago nilang bahay. "Gising na mga anak, 'andito na tayo sa bago nating bahay," nakangiting sabi ng ama nila. Pagkagising ng magkakapatid ay agad silang nagsibabaan sa kanilang sasakyan at tumingin-tingin sa paligid. Nakita agad nila ang duyan malapit sa tabing dagat, ang duyan na paboritong paglaruan ni Penpen. Kaya nagpaalam agad ang magkakapatid para makapaglaro. Pinayagan naman sila ng kanilang ina. Tuwang-tuwa ang tatlo na tumatakbo papunta sa palaruan. Nagpaalam din ang ina na magluluto na muna ng makakain habang sila ay naglalaro. Ang hindi alam ng tatlong magkakapatid ay may nakatingin sa kanila at pinapanood silang naglalaro. Nanlilisik ang mata ng batang nanonood sa tatlong magkakapatid. Galit na galit ito at tinatanong ang sarili kung sino ang mga nakikita niya at bakit sila naglalaro sa palaruan niya. Ayaw ng bata na may ibang maglaro sa duyan, kundi siya lang. Siya lang ang may karapatan na maglaro sa duyan! "Kuya Tom, ang ganda po dito sa bago nating bahay. Kaysa sa dati nating tinirahan diba? Dito mahangin, maganda ang paligid, may palaruan at higit pa ro'n malaki ang bahay." Masayang sambit ni ate Carla kay Tom. "Oo Carla, sana maging maayos na ang buhay natin dito," mahinang sagot ni Tom. Habang nag-uusap sila Tom at Carla--napansin ng kanilang bunsong kapatid na si Geoff ang nakatayong bata sa di kalayuan. "Kuya Tom, ate Carla, may bata po dun o, sali po natin siya." Tumingin ang dalawa kung saan nakaturo ang daliri ng bunsong kapatid. Tinanong ni Carla kung nasaan ang sinasabi niya na bata. "Wala naman Geoff," sabi ni Tom. Napakamot sa ulo si Geoff. Nagtataka ito kung bakit hindi nakikita ng mga kapatid niya ang batang tinuturo niya. "May hawak pa nga po siyang laruan eh." Naninindigan ang batang si Geoff sa nakikita. At habang patuloy niyang sinasabi ang itsura ng bata, nakaramdaman na nang takot ang kanyang mga kapatid. "Naku bunso, nakakatakot ka naman," sabi ni Carla. "Gutom na siguro ang kapatid natin Carla, tara umuwi na tayo. Para makita na rin natin ang bago nating bahay." Usisa ni Tom at niyaya na niya ang mga kapatid na umuwi na. "Siguro nga Kuya Tom... Geoff, halika na baka pagod lang yan. Kung anu-ano nakikita mo d’yan." Kinayag na ni Carla ang bunsong kapatid. Sa isip isip nila baka gutom lang si Geoff kaya kung anu-ano ang mga nakikita nito. Palakad na ang tatlong magkakapatid pauwi sa kanilang bagong bahay. Sinubukan silang harangin ng batang nakita ni Geoff ngunit tumagos lang ang tatlo sa katawan niya. Madiin ang ginawang pagtiklop ng bata sa kanyang kamao dahil sa pagtagos ng tatlong magkakapatid sa katawan niya. Masamang-masama ang tingin niya sa tatlong bata, pero nagulat siya ng tumingin si Geoff sa kanya at kumaway. "Ba-bye po kuya," nakangiting sabi ni Geoff sa bata.  "Geoff, tama na 'yan! Halika na!" Sigaw ni Carla -- hinigit na niya ang kapatid paakyat ng bahay. Huminahon ang pakiramdam ng batang nakita ni Geoff. Nararamdaman nito ang kabaitan ng bata. Nagtataka siya kung bakit ganoon na lang ang nararamdaman niya para sa batang kumaway at nagpaalam sa kanya. Nakaramdam din siya ng inggit, dahil nakita niya ang pag-aalala na pinakita ng dalawa nitong kapatid. Nang makaakyat na ang tatlong magkakapatid at nakapasok na sa bahay, pumulot ng isang malaking bato sa lupa ang bata at bago niya ibato ang pinulot niya, nanlaki ang mata niya ng makita na nahawakan niya ang bato. Pero tumagos ang katawan niya sa mga tao. Isang magandang regalo ang naiisipan niyang gawin bilang pagtanggap sa bagong titira sa bahay nila. Ibinato nito ang hawak niyang bato sa sasakyan. Umalingawngaw ang kakaibang tunog at narinig iyon ng ama ng tatlong magkakapatid.  "Sinong bumato sa sasakyan ko!" Sigaw ng lalaki. Tawa ng tawa ang bata sa naging reaksyon ng ama ng tatlo. Hindi maipaliwanag ang saya niya, kakaibang ngiti ang kanyang pinapakita. Habang tumatawa siya, hindi niya napansin na nasa gilid si Geoff at nakatingin sa kanya. Itinuro siya nito sa ama. "Papa, 'yong batang lalaki na nasa baba po siguro ‘yong bumato ng sasakyan," pagsusumbong nito. Kahit na sinenyasan siya na huwag maingay, nagsumbong pa rin si Geoff. Kaya nagtago sa ilalim ng hagdan ang bata. "Nasa'n anak? Ituro mo!" "Umalis na po siya papa." "Kapag nakita mo ulit, sabihin mo sa akin ng maturuan ko ng leksyon. Kalilipat lang natin dito, ganito na agad ang nangyayari." Mainit ang ulo ng ama ni Geoff dahil sa ginawa ng batang bumato sa kanilang sasakyan. Nagtataka siya kung ano ang nangyayari sa kanya. Kinumpara niya ang ginawa niya sa ginagawa ng katulong nila dati. Tumingin ang bata sa hawak niyang laruan na nasa sulok ng hagdan.  "Sarapen, tama ba ang ginagawa ko? Dapat lang ba sa kanila ang ginagawa ko? Pero inaagaw kasi nila sa atin ang bahay at ang palaruan natin. Dapat silang umalis sa bahay natin. At tayo lang ang may karapatan na maglaro sa duyan. Dahil sa atin lang 'yon! Mamamatay ang sinumang maglaro sa duyan!" Galit na sambit ng bata. Si Penpen pala ang batang nakikita ni Geoff.  At nang makapag-isip ng panibagong kalokohan. Umalis siya sa ilalim ng hagdan at pumulot ulit ng bato. At nang makakuha ng bato, inihagis niya ito sa bintana. Nagulat ang papa ni Geoff dahil sa malakas na tunog ng nabasag na salamin. Tumayo ito mula sa kinauupuan. Nasa kusina sila ng mga oras na 'yon at nag-uusap usap habang hinihintay na maluto ang kanilang kakainin.  "Anak ng... sino ba ‘yan! Lumabas ka! 'Wag kang duwag! Gago ka! Hindi ako natatakot sayo!" Bulyaw ng lalaki habang hawak ang bato na ipinangpukot sa bintana ng bahay. Tinatawanan lang ni Penpen ang naging reaksyon ng lalaki. Nalilibang itong nakikita na nagagalit ang mga taong ginugulo niya. Masayang-masaya siya. Nang walang sumagot sa sigaw ng lalaki, naglakad na ito pabalik sa kusina at umupo ulit. Ang hindi niya alam ay umakyat si Penpen at nakasunod sa kanyang likuran. Umakyat siya para malaman at makita kung ano ang ginagawa ng bagong pamilya na titira sa kanilang bahay. Luto na ang pagkain na kakainin nila Geoff. Nagkainan na sila at masaya silang nagkukwentuhan. Kitang kita sa mukha ni Penpen ang inggit.  "Hindi sila dapat masaya! Dahil malungkot ang bahay na'to! KAILANMA’Y HINDI NAGING MASAYA ANG BAHAY NA'TO!!!"  Nang biglang mapalingon si Geoff sa kanya. Sinumbong muli ng bata si Penpen sa ama niya. Tumigil sa pagsubo ng pagkain ang lalaki at tinanong ang anak na si Geoff. Kung nasaan ang bumato sa sasakyan at sa bintana. Tinuro ng bata kung saan nakatayo si Penpen. Lumingon ang lalaki sa bandang pintuan kung saan nakatayo si Penpen. Sinabi ng kanyang anak na nakatitig ito sa kanila at mukhang galit na galit. Ngunit walang makita ang papa niya, hindi niya nakikita si Penpen na nakatayo at nanlilisik ang mga mata. Tumingin ulit siya sa anak at tinanong kung nasaan, hindi niya makita ang itinuturo ng anak. At habang nag-uusap ang mag-ama ay sumingit na sa usapan ang babae.  "Mahal, nakakatakot naman ang anak natin." Hinawakan ng lalaki ang dalawang kamay ng bunsong anak at sinabihan niya ito na magdasal bago matulog, pati ang dalawa pang kapatid nito ay sinabihan din niya na magdasal. "Pero nakikita ko po siya papa, hindi pa rin siya umaalis. Ang sama po niya tumitig. Natatakot po ako papa." Pamimilit ni Geoff sa kanyang nakikita. Kinalabit ni Tom ang bunsong kapatid at lumingon ito sa kanya. "Bunso, mamaya, sa kuwarto ko ikaw matulog para hindi ka matakot," sabi nito na may laman pa ang bibig. Hindi muna nginuya ang pagkain bago nagsalita. Tumango naman si Geoff bilang pagsang-ayon sa sinabi ng kuya niya. Pagkatapos mag-usap ng mag-anak ay ipinadyak ni Penpen ang paa niya sa sahig.  "Nakakainis! Bakit gano’n na lang sila kung mag-alala sa anak at kapatid nila! Hindi dapat ganito! Hindi… Hindi sila puwedeng tumira rito! Hindeeeeee!!!" Sigaw niya na nanggagalaiti sa galit dahil sa mga narinig. Hindi niya kasi narinig ang mga ganun noon. Kaya ganun na lang ang inis na nararamdaman niya para sa kanyang sarili. Nang matapos na magkainan ang mag-anak ay naiwan ang kanilang ina sa kusina para maghugas ng pinagkainan. At habang abala sa paghuhugas ng plato ang babae ay may pinaplano na naman si Penpen na kalokohan. Naglakad ito papunta sa kusina, balak niyang pagalawin ang mga bangko para takutin ang babae. Sa unang paggalaw niya, agad na lumingon ang babae at tinanong kung sino ang gumagalaw ng bangko. "Sino ‘yan? Mahal, ikaw ba yan?" tanong niya ulit ng marinig muli ang paggalaw ng bangko. Ang akala niya’y pinaglalaruan siya ng kanyang asawa. Masyadong natutuwa si Penpen sa kanyang ginagawa.  "Nakakatuwa pagmasdan ang natatakot niyang mukha! ANG SAYA! HAHAHA!"  Muling ginalaw ni Penpen ang mga bangko, pero binabalik niya rin sa dating pwesto, kaya hindi nakikita ng babae na naiiba sa ayos ang mga bangko. Pero naririnig niya na gumagalaw ang mga bangko at mukhang pinaglalaruan siya.  "Sino sabi ‘yan! Hindi na nakakatuwa! Mahal, ikaw ba ‘yan!" Bulyaw ng babae na halatang inis na inis na sa ginagawang paglalaro ni Penpen. Pero si Penpen tawa lang ng tawa.  At sa sobrang saya dahil sa ginagawa niyang paglalaro, pinagalaw na nito ang lahat ng bangko na nakapalibot sa gilid ng lamesa. Ang ingay ng mga kalabog ng bangko ng sandaling 'yon. Umalingawngaw ang ingay sa malaking bahay. Pero walang bumababa galing sa taas para tignan at silipin kung ano ang nangyayari sa kusina.  "Sino ba yan! Punyeta! Hindi ko matapos-tapos ang ginagawa ko!" Sigaw ng babae. Galit na talaga siya dahil sa ginagawang paglalaro ni Penpen sa mga bangko. Naaabala tuloy siya sa paghuhugas ng mga plato. Kahit na hindi siya nakikita ng babae ay nagtatago siya sa ilalim ng lamesa. Talagang nakikipaglaro siya at iniinis ang babae, "Hihihihi! Takot na takot na ang babae. Ang saya pala ng ganito. Hihihihi!" Saad ni Penpen habang nakatakip ang kamay sa kanyang bibig. Pagkatapos niyang tumawa ng tumawa ay kinuha na niya si Sarapen at kinausap niya ito. "Sarapen, magsalita ka naman.. Hindi ba buhay ka na? Sabayan mo ako makipaglaro sa kanila. Hihihihi!" Umaalik-ik na sabi nito sa kaibigang laruan. --- Papatayin mo ba ako? - - -  Hindi gumalaw si Sarapen, gaya ng gustong mangyari ni Penpen. Kahit anong pilit ang gawin niya at pagyugyog sa laruan ay hindi ito gumagalaw. Hindi rin ito nagsasalita para sumagot sa kanya. Ang akala ni Penpen ay wala lang sa kundisyon ang kaibigan kaya ayaw nitong gumalaw. Kaya sinabi niya na panoorin na lang siya sa mga ginagawa nitong paglalaro. Sayang talaga, mas sasaya at kapana-panabik kung gagalaw at tutulong si Sarapen sa pakikipaglaro na ginagawa ni Penpen. Habang kinakausap niya ang kaibigang laruan. Hindi niya namalayan na tapos na palang maghugas ng plato ang babaeng pinaglalaruan niya. Kumaripas kasi ng takbo ang babae paakyat sa hagdan.  "Hahaha! Takot na takot siguro siya!" Natatawang sabi ni Penpen habang nakatago sa ilalim ng lamesa. Nang makarating na sa taas ang babae ay agad siyang tumungo sa kanilang kwarto at kinausap agad ang asawa na nakahiga. "Mahal.. bumaba ka ba kanina? Ikaw ba yung gumagalaw ng mga bangko? Pinaglalaruan mo ba ako?" sunud-sunod na tanong niya sa kanyang asawa. Tumingin sa kanya ang asawa, "Hindi bakit?" sagot nito. "Kanina kasi nakita kong gumalaw ang mga bangko. Baka ikaw ‘yun mahal ah! Pinaglalaruan mo 'ata ako." "Hindi nga mahal. Pagod lang ‘yan magpahinga na tayo." Pinapanindigan ng babae ang kanyang nakita at naramdaman kanina habang naghuhugas ng plato. Subalit hindi naniniwala ang kanyang asawa sa kanyang tinuran. Hanggang sa sabihin niya na baka may multo sa bahay na nilipatan nila. At sinabihan siya ng asawa na walang kwenta ang mga pinagsasasabi niya at hindi siya naniniwala sa mga multo. Hindi na nakipagtalo pa ang babae sa kanyang asawa at humiga na siya, yumakap at nagkumot. Nakatalikod ang babae sa kanyang asawa dahil ayaw nitong maniwala sa sinasabi niya. Patulog na sana sila ng makarinig ng malakas na kalabog na nanggagaling sa ibaba ng kanilang bahay. "Mahal, ayan na naman." Sambit ng babae at pumihit siya payakap sa kanyang asawa. "Kunwari ka lang mahal e, gusto mo lang yumakap sa akin. Kaya ayan, yakapin mo lang ako mahal. Huwag ka ng matakot, matulog na tayo." Pagbibirong sagot ng kanyang asawa. Lumakas ang mga kalabog ibaba ng bahay at narinig na 'yon ni Geoff na nasa kwarto ni Tom. At habang natutulog ang kapatid -- niyugyog niya ito para magising, natatakot ang bata sa mga naririnig na kalabog sa baba.   "Kuya Tom, kuya Tom gising po." Natatakot na sabi nito. Dumilat ang mata ng kuya niya at humarap sa kanya, "Ano ba yun Geoff?" tanong ni Tom at pumikit ulit. Habang ginigising ni Geoff ang kanyang kuya, malakas na kalabog muli ang umalingawngaw sa kuwarto. "Ayun kuya, narinig mo na po ba yung kalabog?" tanong ni Geoff sa kanyang kuya. "Wala naman e! Matulog ka na nga!" Naiinis na sagot ng kanyang kuya habang nakapikit. Tinalikuran siya ng kapatid at bumalik ulit sa pagtulog. Pero takot na takot talaga si Geoff dahil sa palakas ng palakas na kalabog na kanyang naririnig mula sa ibaba ng kanilang bahay.  "Kuyaaaa natatakot po ako!" Saad niya habang hinihila hila ang kumot na nakatalukbong sa kuya niya.  "ANO BA GEOFF! MATULOG KA NA NGA! INAANTOK AKO… KUNG GUSTO MO PUMUNTA KA DOON SA KWARTO NILA PAPA!" Bulyaw ni Tom sa kapatid. Kahit takot na takot ay sinunod niya ang sinabi ng kuya niya. Lumabas siya ng kwarto at dahan dahan na naglakad papunta sa kwarto ng kanilang magulang. Sa tuwing naririnig niya ang kalabog ay humihinto siya at nagtatakip ng tainga. Hanggang sa mawala ang mga kalabog na naririnig niya na nanggagaling sa baba, nakalimutan na nito na pupunta pala siya sa kwarto ng kanyang magulang. Sumilip ito sa hagdanan mula sa taas. Pero wala namang nagalaw sa mga gamit na nasa sala. Dahan dahan itong bumaba sa hagdan para tignan kung may tao sa baba. "May tao po ba dyan? Mama? Papa?" saad niya habang naglalakad pababa sa hagdan, iniisip niya na baka ang mga magulang lang niya ang nasa baba. At habang naglalakad si Geoff sa hagdan -- itinigil ni Penpen ang paglalaro sa mga bangko, dahil narinig niya na may naglalakad sa hagdan. Nang makababa na si Geoff ay nakita niya si Penpen na nasa ibabaw ng lamesa. Nakatiklop ang dalawang paa nito. "Uy, Bata, ikaw pala ‘yan. 'Wag ka namang maingay, natutulog na kasi kami eh. Hindi rin ako makatulog dahil sa pag-iingay mo." Natulala bigla si Penpen sa sinabi ni Geoff, tumayo ito sa lamesa at tumalon pababa. Naglakad siya palapit kay Geoff, pero hindi natakot ang bata kay Penpen. "Pasensiya ka na ah. Naboboring kasi ako." Mahinang sabi niya.  "Gusto mo bukas maglaro tayo. Hayaan mo muna kami makapagpahinga ngayon. Pagod kasi kami sa biyahe papunta dito. Kung gusto mo sa kuwarto ko na ikaw matulog," nakangiting sabi ni Geoff. "Sigurado ka? Hindi ka ba natatakot sa akin?" tanong ni Penpen. "Hindi... Bakit ako matatakot? Hindi ka naman masama d’ba?" "Binasag ko kaya ang salamin ng sasakyan niyo at bintana. ‘Yun ba ang hindi masama?" "Masama... pero sa tingin ko mabait ka naman." Natahimik si Penpen sa sinabing iyon ng bata. Napahawak siya sa kanyang ulo na parang nalilito na naguguluhan. At isinigaw niya na, HINDI AKO MABAIT! "Mabait ka! Kaya tara na sa kuwarto ko, wala kasi akong katabi matulog. Kanina nasa kuwarto ako ni kuya Tom. Doon sana ako matutulog, pero dahil sa ingay at kalabog na ginagawa mo, pinalabas ako ni kuya. Kahit natatakot ako ay bumaba ako para tignan kung ano ang ingay na nagmumula dito sa baba." Pagpapaliwanag ni Geoff sa kanya habang nakangiti ito at inilahad nito ang palad. Inabot ni Penpen ang kamay niya kay Geoff. Nagtaka ito dahil nahawakan siya ng bata. Kaya tinanong niya ito. "Teka, nahahawakan mo ako?" tanong niya. "Oo naman..." matipid na sagot ni Geoff.  "Kanina no'ng hinarangan ko kayo tumagos kayo sa katawan ko. Pero bakit ngayon nahahawakan mo ako?" nagtatakang sambit ni Penpen. Nagkibit balikat lang si Geoff at hinila na si Penpen paakyat sa kwarto nito. Nakatingin lang si Penpen kay Geoff habang naglalakad sila paakyat sa hagdan. May luha na nanggilid sa kanyang mga mata. ‘Bakit ang bait mo sa akin…’ bulong niya sa sarili habang nakatingin sa bata. Biglang napatingin si Geoff sa kanya at ngumiti. Nahabag si Penpen sa ngiting 'yon ni Geoff. Nang makaakyat na ang dalawa ay masayang itinuro ni Geoff kay Penpen ang kanyang kwarto.  "Heto ang kuwarto ko," nakangiting sabi niya kay Penpen. Tumingin si Penpen sa sinasabing kwarto niya, "Ang kuwarto ko…" mahinang sabi niya. "Hindi... kuwarto ko ito. Dito raw ako matutulog sabi nila mama at papa sa akin pagdating namin dito." Sagot sa kanya ni Geoff. Pinagpipilitan ni Penpen na sa kanya ang kwarto na kwarto na ngayon ni Geoff. Kaya tinanong siya ng bata kung paanong naging kwarto niya. At kung doon ba sila nakatira. Hindi alam ng bata na sila Penpen ang dating nakatira sa bahay na tinitirahan nila ngayon. Lahat na lang ay inanggkin nila, kaya't galit ang pumasok sa isipan ni Penpen. "Oo, dito ako nakatira, 'yan ang kuwarto ko. Akin itong kuwarto! Ako lang ang puwedeng matulog dito!" Hindi na napigilan ni Penpen ang sarili at binulyawan na niya si Geoff. Natakot ang bata sa sinabi niya. Nauutal itong sumagot at nangtataka kung paano nangyaring sa kanya ang kwarto ng tutulugan niya. Pinanindigan ni Geoff na binili ng kanyang ama ang bahay na tinitirahan nila ngayon. Napaisip si Penpen ng sandaling 'yon. Ngayon siya naman ang nagtataka sa mga sinasabi ni Geoff. Paanong nabili ng ama ni Geoff ang bahay nila, gayong hindi naman nila ito binebenta. Napabuntong hininga siya, "Ganun ba? Hindi ka ba talaga natatakot sa akin? Pumapatay ako ng tao." Pananakot ni Penpen.  "Bakit? Papatayin mo ba ako?" tanong ni Geoff. Natahimik na naman si Penpen sa sinabi ng bata. Napaatras ng ilang hakbang si Penpen dahil sa kabaitang pinapakita ni Geoff. Para siyang nakonsensya at kinokonsensya ng bata. At habang nakatitig siya kay Geoff ay lumapit ito sa kanya, "Bata, papatayin mo ba ako?" Sa pag-ulit ng tanong ni Geoff, hindi pa rin nakasagot sa tanong si Penpen. Kaya ang ginawa niya tumakbo siya pababa ng hagdan. Hinabol siya ng sigaw ni Geoff. "Teka bata, san ka pupunta? Sagutin mo muna ang tanong ko. Papatayin mo rin ba ako?" patuloy na tanong ni Geoff, pero hindi siya nilingon ni Penpen. Hanggang sa hindi na niya ito matanaw mula sa taas. Kaya pumasok na siya sa loob ng kanyang kwarto. - - - Penpen's POV             Gaano katagal na ba akong wala sa bahay? Bakit ganun na lang kadumi at puro agiw ang kisame. Wala akong matandaan sa nangyari sa akin. Ang tanging naaalala ko lang ay sa amin ang bahay at sa duyan ako madalas naglalaro. At siyempre ang aking laruan na si Sarapen. Paano ako namatay? Sinong pumatay sa akin? Nasaan ang pumatay sa akin? Nasaan sila mama at papa? Nasaan si aling Toyang? Ang daming pumapasok na tanong sa isip ko. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip wala naman akong maisagot sa mga sarili kong katanungan. Nakakainis! Isang umaga may nakita akong isang sasakyan na papunta sa aming bahay. Marami silang dalang gamit. Akala ko ay magtatanong lang sila ng daanan, pero nagulat ako ng marinig kong sila na ang titira sa bahay namin dahil nabili nila ito ng mura. Eh hindi naman namin binebenta ang bahay. Sinong nagbenta? Gusto ko silang makita, oo gustong gusto kong makita ang mga taong aagaw sa aming bahay. Kaya hinintay ko ang paglabas nila sa sasakyan. Tatlong bata at dalawang matanda ang nakita ko. Isang pamilya sila. Ang saya nila ng bumaba sa sasakyan. Nagtatawanan, basta masaya sila. Nakakainggit! Oo, naiinggit ako! Kahit isang beses kasi hindi ko naranasan ang mga ganun. Ayokong nakakakita ako ng mga ngiti at saya. Naiinggit ako! Naiinggit ako! Naiinggit ako! Waaaaaaa! Nakakaasar! Papatayin ko sila! Papatayin ko sila isa-isa! Ayoko ng masaya! Ayoko ng nakakakita ako ng masaya! Mamamatay sila! Sa amin lang ang bahay namin! Sa akin lang ang palaruan! Sa akin lang ang duyan! Papatayin ko sila! Tumingin ako kay Sarapen, "SARAPEN! Papatayin nating dalawa ang pamilyang tumira sa bahay natin. Magsisisi silang inangkin nila ang bahay natin! HINDI AKO MAKAKAPAYAG!!!" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD