CHAPTER 3

1305 Words
“Hoy! Okay ka lang ba?” tanong ni Aila sa akin nang makaupo siya sa tapat ko. Nandito kami ngayon sa basketball court dahil malapit na ang pageant ni Aila. Abala rin kami dahil isa ako sa mga organizer ng event.   Bukod sa scholar ako, student assistant din ako kaya sobrang hirap pagsabayin lahat. Lalo na ngayon, nawalan na ako ng part time. Tapos sumabay pa ‘tong landlady na gusto na akong paalisin.   “Kanina ka pa tulala diyan ha? May problema ba?” tanong ni Kelly habang inaakbayan si Amber palapit sa kinaroroonan namin.   “Inaantok lang ako, alam mo naman night shift ako sa coffee shop,” pagsisinungaling ko. “Sure ka ba? Pwede ka namang matulog muna saglit. Hindi pa naman start nung practice nila Aila. Gisingin ka na lang namin,” tugon ni Aila at pinatong ang kamay niya sa balikat ko.   “Okay lang ako! Ano ba kayo!” Dinaan ko iyon sa tawa dahil alam ko namang hindi ako okay at wala pa akong tulog lalo na’t hindi maganda ang nangyari kanina.   “Sigurado ka ah?” ulit muli ni Amber.   Nginitian ko lang sila at tumango.   Halata sa kanila na nag aalala sa akin pero ayoko naman na sila idamay. May sarili din silang problema at ayoko na makigulo pa. “Nga pala, Kelly! Mamaya pala maaga ako uuwi ah? Kasi alam mo na,” ngumuso ako at nag kibit balikat.   Sa tingin ko naman ay alam na niya ang ibig kong sabihin.   Dahil abala ang buong paligid sa nalalapit na Foundation day, hindi na kami nag aksaya ng oras. Si Amber ay pumasok na sa klase niya at si Aila naman ay pumunta sa library. Si Kelly ang kasama kong nag i-ikot sa bawat classroom dahil nagbibigay kami ng invitation para sa lahat ng estudyante.   “Trishia!” napalingon ako sa kanan nang marinig ang pangalan ko.   “Oh, Kelly! Nandyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap,” tugon ko habang papalapit at sinasalubong siya. Nasa tapat kami ng dean's office dahil akala ko dito ko siya mahahanap. “Sorry, ‘yung huling section ko kasi na hinatiran eh may nagbebenta ng sandwich kaya natagalan ako.” “Oh eto para sa’yo, kumain ka na muna! Namumutla ka na eh!” Inabot ni Kelly ang maliit na paper bag. Napangiti ako nang makita ang laman. Dalawang sandwich, isang bote ng tubig at may libro pa at sticky notes.   “Naku Kelly! Nag abala pa. Nakakahiya,” nahihiyang tugon ko sa kaniya. Napakamot pa ako sa Ulo dahil sobra-sobra na ang effort nila sa akin.   “Eto naman! Akala mo ibang tao ako!” natatawang sabi niya at hinampas pa ako sa braso dahilan para tumabingi ‘yung suot kong salamin.   Nagulat din siya nung una pero natawa na lang din ako. Kahit kailan talaga, napaka bungisngis nitong si Kelly. Siya palagi nagbibigay sigla sa aming apat eh. “Thank you ulit dito ah? Ang thoughtful mo naman, iiyak na ba ako?” biro ko sa kaniya. “Gaga! Bawiin ko ‘yan eh!” inirapan niya ako at natawa din. “Nga pala, napamigay ko na ‘yung mga papers na natira. Okay na lahat, napapirmahan ko na rin ‘yung sa Dean at ibang faculty staff. Ang kailangan na lang nating gawin ay i-check kung okay na lahat ng candidates,” paliwanag ko habang tinitignan ‘yung notes ko. Agad namang hinawakan at kinuha ni Kelly ‘yung mga hawak ko. “Alam mo? Okay na. Sige na ako na ang bahala. Masyado mong ginagalingan e!” Inirapan niya ako at agad na tumawa. Natawa na lang din ako at hinablot ‘yung hawak niya. “Pwede ka nang umuwi, anong oras na oh. Hindi ba may work ka pa?” tanong niya at agad namang inakbayan ako saka naglakad kami palayo sa dean’s office. “Ah. Nagpaalam naman na ako na mala-late ako kaya okay lang. Hintayin ko na lang matapos ‘yung ibang organizers.” “Ikaw ba? Baka kailangan mo na umuwi?” tanong ko sa kaniya saka inayos ang salamin ko. “Uuwi na rin ako maya maya. Hintayin ko lang si Aila,” sagot naman niya.   Dahil okay naman na lahat at naayos na naming dalawa halos lahat ng mga kailangang gawin, napagpasyahan naming maghiwalay na ng landas. Gabi na rin at kailangan ko na pala ayusin lahat ng gamit ko para makalipat sa nahanap kong maliit na dorm doon malapit sa Philcoa.   Habang nag aantay nag jeep, ay agad na naman kaming nagkita ni kuyang Guard na nakasalubong ko kahapon.   “Late ka na naman ah? Busy?” nakangiting tanong ni Kuya.   Hindi ko alam kung bakit halos lahat ng Guard na kilala ko, si kuya Jun lang ang pinakamabait at maalalahanin sa lahat ng estudyante.   “Oo nga po e, malapit na po kasi ang foundation day,” sagot ko naman at inayos ang bag ko.   Ilang minuto na ang nakalipas at wala paring dumadaan. Kung mayroon man, punuan at hindi na kasya. Agad kong kinuha sa bulsa ko ‘yung phone ko para tignan ang oras pero naalala kong hindi pala gumagana dahil nabasa ng ulan kagabi.   Agad ko namang kinuha ‘yung relo ko na bigay pa ni Mommy bago siya mamatay.   Naalala ko na naman si Mommy. Grade school pa lang ako nung nawala siya. Si Daddy naman hindi ko na nakita. Ang tanging kumupkop sa akin ay si Auntie Luz kaso pati siya, kinuha na rin sa akin.   Hindi kagaya ng iba, pinalaki ako ni Auntie Luz na maayos. Tinuruan niya ako ng magandang asal at kahit ano pa man daw ang mangyari sa akin, huwag ko raw kakalimutan na magpatawad at magbigay sa kapwa. Kahit kailan, hinding hindi ko makakalimutan ‘yon. Ilang sandal pa ang nakalipas, biglang nalungkot ng puso ko sa tuwing naalala ko lahat. Tanging masasayang ala-ala ni Auntie Luz at ni Mommy ang bumubuhay sa akin. Tuwing pakiramdam ko ay susuko na ako, binabalikan ko lahat.   May purpose naman siguro kung bakit nangyayari sa akin lahat ‘to. Hahanapin ko si Daddy dahil siya ang sagot sa lahat.   Pasakay na ako nang biglang umulan. Akala ko ay hihintuan ang ng jeep pero nagkakamali ako. Agad akong tumakbo at tumawid sa kabilang kalsada dahil ‘yung maliit na bubong lang ang nakikita kong masisilungan pagkatapos ng mahabang paglalakad ko kaka hintay sa jeep.   Ewan ko ba kung bakit gabi gabi na lang umuulan. Ang lungkot ng kalangitan palagi. Agad kong kinuha yung relo ko at binalot sa plastic dahil baka masira at ayoko namang pati iyon ay mawala pa sa akin.   Lumakas ang ulan pero hindi rin naman kaagad nag tagal. Agad akong nakasakay at umuwi na sa apartment dahil basang basa na naman ako at pakiramdam ko ay magkakasakit na ako sa sobrang lamig. Pumasok ako sa Apartment at tinignan ang paligid. Wala na palang natitirang gamit. Naubos ko nang ibenta dahil sa mga biglaang projects at Field trip. Agad kong nilapag ang bag ko at kumuha ng tuwalya at saka pumasok sa banyo para maligo.   Nang nakapag bihis na ako at okay na ang lahat, binuksan ko ‘yung ref para tignan kung may makakain pa ba ako. Pag tingin ko, walang laman at tubig na lang ang nandoon.   Agad kong naisipan na bumili na lang sa labas dahil kailangan ko rin pala magpuyat para maayos ko lahat dahil baka bukas o sa makalawa ay aalis na ako.   Pagsara ko ng pinto, nahagip ng mata ko ang isang maliit na papel. Agad ko namang kinuha iyon dahil baka bills na naman.   ‘Puntahan mo si Aizen sa tapat ng coffeeshop niyo. Doon sa may bakanteng lote. ‘Yun ay kung gusto mong iligtas ang duwag at peke mong Boyfriend.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD