CHAPTER 2

1631 Words
“Pasensya ka na ah? Wala na talaga akong magagawa eh. Mukhang buo na ang desisyon ni sir Coco.”    Napalingon ako kay Levi na may hawak na dalawang tasa ng kape habang naglalakad papalapit sa kinaroroonan ko.   Kasalukuyan akong naka-upo sa table number 3 malapit sa cashier. Wala na gaanong tao dahil anong oras na.   Panigurado maya maya pa ay dadagsa na ang mga customers dahil panibagong araw na naman.   “Thank you.”   Agad kong inabot ang kapeng binigay sa akin ni Levi. At pilit na nginitian siya. Ayoko naman kasing aalis dito na malungkot siya. Ewan ko ba, sobrang ma-mmiss ko ‘tong shop na ‘to.   Ilang taon na rin ako dito. Bawat amoy ng kapeng tinitimpla ko, palagi kong naalala na hanggang may kape, babangon ako. Na kahit gaano kahirap ang buhay, hindi ako susuko. Na kahit mag-isa lang ako, hindi iyon hadlang para maging mahina.   “Ano na ang balak mo niyan ngayon?” tanong niya at umupo sa tapat ko. Huminga ako ng malalim, madiin na pinikit ang mga mata ko at ako nag angat ng tingin sa kaniya at ngumiti.   “Hindi ko pa alam sa ngayon. Pero panigurado marami pa naman akong mahahanap diyan.”   Kinuha ko ang kapeng nasa harap ko at saka hinipan bago lumagok.   “May kaunting ipon pa naman ako, at wala naman akong problema sa tuition ko dahil scholar naman ako. Siguro ang problema ko na lang ay ‘yung rent ng tini-tirhan ko. Masungit at strikto ang Landlady kaya kailangan ko magbayad ngayong buwan.”   Habang pinapaliwanag ko iyon kay Levi, nakatingin lang ako sa kawalan. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya’t gusto munang pag planuhan ang susunod kong gagawin.   Hindi pwedeng basta basta akong kumilos na hindi pinag iisipan at baka mauwi na naman ito sa kapalpakan.   “Pasensiya ka na ah? Baka sa sahod pa kita mapapahiram kung sakali, mediyo gipit rin ako dahil nagkasakit ‘yung bunso naming kapatid,” malungkot na tugon niya sa akin.   Agad ko namang hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa lamesa.   “Ano ka ba?” bahagya akong natawa nu’ng sinabi ko iyon.   “Hindi mo naman ako responsibilidad.Okay lang ako, at saka alam mo namang ako lang mag-isa hindi kagaya mo na may bunso ka pang pinapag-aral.”   Tumayo ako at saka pumunta sa likuran niya at niyakap siya.   “Mag-iingat ka ha! Bisitahin mo ako dito kapag may oras ka,” emosyonal na sabi nito.   Natawa naman ako at napailing saka bumalik sa upuan ko.   Ilang oras na ang nakalipas, napahaba na ang kwentuhan naming. Unti-unti na rin dumarami ang mga customers kaya bumalik na kami sa pwesto naming dalawa.   Nang ala sais na, napagpasyahan kong ayusin na ang mga gamit ko para makaalis na. Kailangan ko pang matulog dahil may pasok pa ako mamayang alas onse.   Nakapag paalam na ako nang maayos, at handa na umalis. Halos ayaw ako bitiwan ni Levi dahil mag-isa na lang siya at mukhang malulungkot ang shop.   Lumabas na ako. Mediyo hirap akong dalhin ang mga gamit ko dahil dala ko na pati mga gamit ko sa shop.   Habang nag-aabang at naghihintay ng jeep na masasakyan pabalik sa maliit na apartment ay nahagip ng mata ko ang lalaking matangkad at naka itim na jacket.   Tatawid na sana ako para lapitan dahil pa-gewang gewang ang lakad niya at mukhang hirap na hirap siya.   Maya maya pa ay napansin kong siya ‘yung lalaking nasa shop kagabi. Hindi ba siya umuwi?   Kunot-noo akong napaisip nang makumpirma kong siya nga iyon. Patawid na sana ako nang biglang may dumaang jeep. Sasakay na sana ako nang biglang naunahan ako nuong grupo ng kababaihan.   Bumalik ako sa pwesto ko dahil hindi ako nakasakay at wala nang espasyo para makaupo ako. Muntik na mahulog ang mga hawak ko kaya agad kong inayos. Nahagip na naman ng mata ko ang lalaking nasa tapat ng kalsadang kinatatayuan ko.   Pinilit kong hindi siya tignan dahil ayokong puntahan siya. Pero nagsusuka na siya sa kalsada. Papasok na yata siya sa kotse niya nang biglang may humarang na grupo ng kalalakihan sa tapat niya at pinigilan siyang makapasok.   Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko at hindi ko alam ang susunod na gagawin. Tatawag ba ako ng pulis? Ng tulong? Hindi ko alam.   Natagpuan ko ang sarili kong naglalakad patawid sa kalsada papunta sa direksyon ng lalaking nasa shop kanina.   Nangininig ang kamay ko at tuhod ko pero nilakasan ko ang loob ko.   Alam ko namang wala akong laban doon pero hindi ko rin naman alam ang rason kung bakit ako naglalakad papunta sa kaniya.   “Sir! Naiwan niyo po ‘to kanina oh?”   Kinakabahan ako pero pinilit kong itago iyon. Napatingin sila sa kinaroroonan ko habang ako ay naglalakad palapit sa kanila. Nahihirapan, pero parte na siguro ‘to ng palabas ko.   Napansin kong ngumisi siya kaya nanlaki ang mata ko.   “Sino ka? Umalis ka nga dito!” banta nu’ng isang payat na lalaking naka sombrero na itim.   Magsasalita na sana ako nang biglang siyang ngumiti at umiling.   Tinakwil niya ang kamay na nakahawak sa balikat niya at saka lumapit sa akin. Seryoso ang mukha niya.   “Sir? Anong Sir? Ano ka ba? Nasa labas ka na ng Shop. Hindi mo na ako customer, hindi ba? Tara na babe, kanina pa tumatawag ‘yung daddy mo sa akin eh.”   Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at sa mga sumunod na ginawa niya. Kinuha niya ang kahon na hawak ko at saka inakbayan ako.   “Paano ba ‘yan mga tol? Sa susunod na lang ha? Ako naman ang maniningil,” seryoso ang boses nito at may halong pag banta.   Agad kong tinanggal ang kamay niyang naka akbay sa akin at kinuha ang phone ko.   “Ay, kayo ha? Nangungutang kayo hindi kayo nagbabayad! Masaya ‘yun!” Umiling pa ako at tumawa ng bahagya.   “Wait, doon ka muna babe. Picturan ko kayo, sesend ko ‘to kay daddy kapag tinakasan ka ng mga ‘yan!”   Pabiro lang iyon. Sa totoo lang, sira talaga ang phone ko dahil nabasa ng ulan kagabi. Palabas ko lang ito para matakot sila.   Natawa siya at agad na inagaw ang phone ko at nilagay sa bulsa.   “Ikaw talaga!” Pinisil niya ang ilong ko.   Halata sa mga mukha ng kalalakihan na naiinis at naiinip na sila.   “Oh, nagmamadali na ako, magbayad na lang kayo sa susunod ha? Ingat kayo!” masiglang sambit ko na kahit nanginginig na ang tuhod ko.   “Aalis na kami, ang cute ng girlfriend mo eh ‘no?” sambit nuong naka kulay itim na t-shirt.   “Ang ano ka ba! Cute talaga ako ‘no!” natatawang pang uusisa ko.   “Anong pangalan mo?” nakangiting tanong niya.   “Trishia!” nakangiting sabi ko. Agad naman pinisil ng lalaking katabi ‘yung kamay ko at bumulong.   “Bakit mo sinabi?” madiin na bulong niya.   “Trishia?” ngumisi ‘yung naka sombrero.   “Hindi ito ang huling pagkikita natin Aizen, lalo na at cute ang girlfriend mo.”   Pinasadahan ako ng tingin nuong lalaking naka t-shirt at saka binalik sa akin ang tingin niya.   “Paalam, Trishia.”   Bigla akong kinilabutan at nanlaki ang mga mata ko.   “Babalik na ‘yan sa states, hindi mo na ‘yan makikita,” sabat ni Aizen.   “See you sa states then, my dear Trishia.”   Nilapit niya ang mukha niya sa akin at binulong iyon. Agad naman kinuwelyuhan ni Aizen ang lalaking iyon na naka t-shirt.   “Umalis ka na, bago pa mandilim ang paningin ko,” banta ni Aizen at kasalukuyang nakakuyom ang kamao.   Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero ang alam ko lang ay mali ‘yung ginawa ko na sinabi ko ang pangalan ko.   Nang makaalis sila, natulala ako at nanlambot ang mga binti ko.   “Sir, sino po ba sil-“ magtatanong pa lamang sana ako nang bigla siyang humarap at tila galit na galit ito.   “Sinabi kong bang gawin mo ‘yon?” tanong niya.   “Sir gusto ko lang naman po kayong tulungan hindi ko naman po alam na mangyaya-“   “Sa susunod, kapag may nakita ka, hayaan mo lang. Hindi ‘yung nakikigulo ka pa. Hindi mo ba alam na dahil diyan sa ginawa mo ay nilagay mo lang ang sarili mo sa kapahamakan?” singhal niya. Halata sa dalawang mata niya ang lungkot. Sa mukha naman niya ay galit na galit.   “Sir, hahayaan ko na po sana kayo kaso lang po nakita ko pong nilapitan po kay-“   “Oh? Bakit kung sinaksak ako may magagawa ka pa ba?”   “Alam mo? Umalis ka na.” Padabog na inabot niya sa akin ang kahon hawak niya.   “At pwede bang ‘wag ka na magpapakita sa akin?” dagdag pa niya.   Napabuntong hininga na lang ako at saka yumuko.   Hindi ko na alam ang susunod na gagawin. Gusto kong umiyak. Gusto ko lang naman kasing tumulong. Masama ba ‘yun?   “Pasensya na po sir,” mahinang sabi ko at saka yumuko ulit.   “Mag-iingat na lang po kayo sa susunod.”   Tumalikod ako at saka humakbang palayo sa kaniya at pabalik na sa kabilang kalsada para sumakay.   “Sandali!”   Napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa likuran ko kung saan siya nakatayo. Walang emosyon ang mukha niya nang maabutan ko siyang nakatingin sa akin. Agad naman siyang umiwas at tinalikuran ako.  Magsasalita na sana ako nang bigla na lang siyang nagsalita.   “Ihahatid na kita, baka balikan ka pa nung mga tarantadong ‘yon.” “Huwag ka na mag protesta pa.” “It’s not an offer, it’s an order. Sumakay ka na.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD