CHAPTER FOUR
“REEVE, please.”
Reverie clutched her phone as tight as she could, thinking that it was Nigel’s neck.
Huminga siya ng malalim at sinikap na huwag ipukpok sa ulo ni Nigel ang hawak niyang cellphone. Nakatayo lamang siya sa harapan nito habang si Nigel ay problemadong nakaupo sa bench na nasa labas ng kuwarto kung nasaan si Regina. Ikalawang araw na na naka-admit doon ang babae at dalawang araw na rin siyang nagtitimpi.
“What, Nigel? I'm going back to France this afternoon at kung hindi ka sasama sa akin—”
Nigel lifted his dark face before she could finish her sentence o mas mainam na sabihing isang banta.
“Reeve, come on. Masyado na akong ipit na ipit sa sitwasyon ko rito tapos dadagdagan mo pa. Ano’ng gusto mong gawin ko? Ang iwan ko na lang ng basta-basta rito si Regina?”
Habang nagtatagal sila sa Rome ay paanghang nang paanghang din ang pagtatalo nila ni Nigel. Nais niya itong sumama sa kanya sa France kung saan siya nag-aaral at nakatira ng halos isang dekada. Mula high school hanggang kolehiyo ay doon na siya nag-aaral at dalawang beses sa isang taon lamang siyang umuuwi sa Pilipinas.
“E 'di aalis akong mag-isa. I'm not forcing you neither.” She stubbornly barked na lalong nagpa-frustrate sa mood ni Nigel. Kasing nipis na lang talaga ng hairline ang kanyang pasensya at gusto na niyang umalis habang nakakapagtimpi pa siya.
Ang mahirap sa sitwasyon niya ay siya na itong niloko pero siya pa ang lumalabas na entremetida o kontrabida.
“Reeve.. Babe, naman. I want you here.”
“And I don't want myself here. Nawawalan ako ng poise sa tuwing nakakaharap ko iyang babaeng nasa loob ng hospital suite na iyan. Nawawalan ako ng class kapag nakakausap ko siya at huwag mo na ring hintayin na maubos ang aking pasensya at baka hindi ko na matantya ang babae mo.” Hindi sinasadyang mahaluan ng sumbat ang litanya niya.
Panandiliang natahimik si Nigel at napatiim bagang. Napahilamos ito sa sariling mukha gamit ang dalawang palad nito. Kung gaano ka-stressful ang anyo ni Nigel ay ganoon din siya. Good thing that she knows how to handle such stressful situation.
“I'll stay. Here.” Mahinang kataga ni Nigel. Tila may marahas na pumunit sa puso niya dahil sa desisyun nito. It was final. Obviously speaking.
“And to put it simply, you're choosing her over me.” She stated. Bagaman kalmado ang boses subalit dama niya ang malupit na pagkadurog ng puso niya... Ng mundo niya.
“You chose her.” Ulit niya nang hindi umimik si Nigel. Nag-iwas ito ng tingin habang siya ay nakalimutan nang huminga. Paunti-unting nawawasak ang matatag na paniniwala niya sa future na inilaan sa kanila ng tadhana. Sa isang kisapmata lang ay tila naglaho na lamang ang lahat at walang naiwan maliban sa sakit na walang habas na humahampas ngayon sa kanya.
Gusto niyang maglupasay sa pasilyo ngunit nanaig pa rin sa katawan niya ang respeto para sa sarili. Hindi niya ipapahiya ng ganoon ang sarili sa lahat ng taong naroon at mas lalong ayaw niyang magmukhang talunan sa harapan ng mga taong hinihila siya pababa.
Zurick was just leaning against the wall near the suite where Regina was. Alam niyang pagtatawanan lang siya nito kapag umiyak siya’t magmakaawa na sumama sa kanya si Nigel. She won't let the Roman Devil grin nor laugh at her because of being broken. Ayaw niyang magmukhang talunan.
Akala niya ay may sasabihin pa si Nigel na ikakagaan ng loob niya subalit tumayo na ito at nagawa pa siyang baonan ng mga salitang lalong nagpamanhid sa sistema niya.
“Go ahead and continue your life... without me.”
She felt like Nigel just blew off the final candle which only gives light in her world. Everything went dark and lifeless all of a sudden. Ni hindi siya makagalaw. Ni hindi siya tinapunan ng tingin ni Nigel bago ito pumasok sa loob ng kuwarto kung nasaan si Regina.
Kung paano siya nakalabas sa ospital na iyon ay hindi na niya matandaan. Maging ang utak niya ay sobrang manhid na rin. Medyo natauhan lamang siya nang may humigit sa braso niya at walang pasabing idiniposito siya sa loob ng isang sasakyan.
Hindi na siya nakapagprotesta nang pumasok na rin ang lalaki at kaagad na pinasibad ang kotse.
“Don't grieve.. And don't fvcking cry.”
It was Zurick. Napakurap siya. Hindi mahanap ang boses.
She wanted to talk, cry like a river and hit anything pero wala siyang mahanap na lakas.
“It hasn't happened to belong to you. He's not worthy any penny of your tear. Walang karapatan ang gagong iyon na iyakan mo.” Matabang na sabi ni Zurick habang seryosong nakatuon ang atensyon sa kalsada.
“I wanna cry.” Hirap na sambit niya. Hindi magawang kumurap ni Reverie dahil kapag ginawa niya iyon ay malabong tumigil pa siya.
“Well, big girls don't cry.”
“Hurt people normally cry. I wanna try.” Tuluyan na niyang nakalimutan kung sino ang kausap niya. Kung nasa tamang huwisyo lamang sana siya ay baka kanina pa niya napatay ang lalaking kausap.
“Don't. Dare. I am not good for comforting people in pain. I only knew one method how to shed the tears of women.”
“H–ha?”
Tila nasaksihan niya ng harap-harapan kung paano ngumisi ang isang demonyo nang ngumiti sa kanya si Zurick. “One method such as fvcking. I'll fvck you up if you let your tears out. I dare you.”
Napamulagat siya at doon na nabuhay ang totoong Reverie. Hindi niya akalaing nagawa niyang sumama sa naturang lalaki. Ang natatanging nilalang sa mundo na kinamumuhian niya.
“Stop the car, dickhead!” Matigas na sabi niya. Nasapawan ng matinding galit ang sakit na kanina ay lumusaw sa kanya.
“Are we back to cat and mouse fight again? Really? Look, dolce signora. I am just trying to help you here.”
“Helping me?” Sinabuyan niya ang binata ng sarkastikong tono.
“Yes. Comforting you.” Zurick wiggled his thick brows playfully.
“If that comforting thing means fvcking, well fvck you. Hindi kita kailangan.” Asik niya sa binata. “And pull off this car, lalabas ako.”
“Agad-agad?” She gave him a questionable look. “Lalabasan ka na? Amazing. Wala pa nga akong gina—”
Nasapak na ni Reverie ang muscled nitong braso bago pa nito natapos ang kabastusang sasabihin.
“p*****t!”
Ngumisi lang ito atsaka sumeryoso ulit ang anyo ng mukha nito. “Saan mo balak magluksa ngayon? I'm willingly give you a free ride, dolce signora.”
“Stop calling me that, Romano demone!” (Roman Demon) She spat out.
“Woah. There you go. I'd love how you call me such an endearment.” He rascally said as he accelerated the car. Napatiim bagang si Reverie dahil kung magmaneho ito ay parang may nakasunod si Satanas sa kanila.
“Ganiyan ka ba talaga?” Serysong tanong ni Reverie sa binata.
“What am I?”
“Siguro gago ka na talaga kahit noong fetus ka pa lang, 'no? Were you destined to ruin the lives of other people? Ano’ng napala mo ngayong may nasira ka ng buhay? Ano ha?” She chided and totally abused every word she threw into him.
“You know what, woman? No one ruined your life, this situation only made you think that love doesn't consist in gazing at each other and fooling yourself that you'll stay together for eternity. Because you're just totally blinded by illusion you believed was a romantic love. Well, bvllshit! Hindi ka mahal ni Nigel at ganoon ka rin. You just stayed in each other's side kasi duwag kayong dalawa na sumugal sa totoong mundo. Naduduwag kayo na baka isa sa inyo ang maligaw oras na maghiwalay kayo. Love isn't the foundation of your relationship. It is fear.”
Walang kamukat-mukat si Reverie habang nakatitig sa dashboard and openly welcoming every word that Zurick spoke.
Suddenly she was speechless and feared. Feared for accepting or admitting that Zurick was somehow hit a nail in her head.
Ganoon nga ba ang nangyayari sa relasyon nila ni Nigel?
“It's about time for you to pull out yourself from your fear and be free. Stop being obsessed about safety and hurt-free world cause that is not the reality of life. Life is not all about securing yourself from any pain because true love is to burn and to be in fire, not always in rainbow and cloud nine. Mukha ka lang matatag pero halata namang wala kang binatbat oras na humarap ka sa isang matinding problema kagaya ngayon. You want to cry, right? You're hurt and did you ever think what is that all about? Nasaktan ka lang dahil hindi mo matanggap na mas naunang lumaya si Nigel keysa saiyo. Pull out yourself from your delusional reverie. It's just your name, not a reality.”
“HEY,”
A homosexual man caught Zurick’s attention before he stopped inside the revolving entrance door of the hospital.
It's been five hours since he left Reverie. Para siyang lutang dahil hindi niya inakalang masasabi niya ang lahat ng iyon kay Reverie. He was so guilty for his impromptu speech towards her.
“Zurick Rhames, right?” Ulit ng gay na tumawag sa kanya mula sa likuran.
Hinarap niya ito para lamang mapansin na hingal na hingal ito. He thought that he was only a fan hanggang sa sinabi nito ang totoong pakay nito kay Zurick.
“Ayaw na niyang abalahin ang cheater na si Nigel kaya wala akong ibang maisip na puntahan maliban saiyo.” Tuliro ang naturang bakla habang sinasabi iyon sa kanya.
An unknown emotion suddenly swirled inside of him. Maaaring nag-aalala siya dahil si Reverie ay hindi lang naman isang ordinaryong babae na nakilala niya bilang kasintahan ni Nigel, ito rin ang nag-iisang kapatid ng matalik niyang kaibigan na si Trever de Gracia na nakumperma niya kahapon lamang.
Nalaman kasi ng matalik niyang kaibigan ang balitang nabuntis ni Nigel ang kapatid niya na pinatotohanan naman niya rito kahapon nang nag-overseas call ito mula States.
“What happened to her? Did she commit a suicide?” Diretsahang tanong niya sa baklang kausap.
“Parang ganoon na yata.” Malanding sabi pa nito habang kumikislap ang mga mata habang nakatitig sa mukha niya. All of a sudden ay parang naging iritado siya at gusto burahin sa landas niya ang naturang bakla.
After asking the exact address kung saan niya matatagpuan si Reverie ay mabilis na siyang sumibad upang puntahan ito. Pakiramdam niya ay kargo de konsensya niya ito sakali mang may gawin itong ikapapahamak nito.
“Fvck!” Naalarma siya nang madatnan niya ang nasa sampung katao ang nasa loob nang sinabing bahay ng nagpakilalang kaibigan ni Reverie. Mabilis siyang pinaikutan ng mga ito. All of them are bulky and tall, hindi hamak na mas malalaki keysa sa kanya. He's six foot and has a well-built body pero batid niyang pang-showbiz at pang-kama lang ang katawan niya at hindi niya tiyak kung mapapatumba niya ang sampung kataong iyon nang mag-isa.
“Where's the woman? And who the hell are you?” Kalmado ngunit nakakuyom na tanong ni Zurick sa mga estranghero.
Walang may sumagot.
“Damn it!” Kahit mapahamak man siya ngayon ay ibig niya munang tiyakin kung ligtas ba si Reverie. Wari niya ay hindi lang mga ordinaryong magnanakaw ang mga iyon kung hindi parang mga miyembro ng sindikato.
Halos manlabo na ang paningin ni Zurick nang may pumukpok sa bandang batok niya. Napaluhod siya at bago pa siya tuluyang mawalan ng malay ay may lumapit sa kanya na dalawang lalaki.
“Sign this papers in case you don't want to face your death yet.” May inabot itong papel at sign pen. Papel na kung saan hindi malinaw kung anong nakalagay.
“Fvck you all! Where's the woman? Where's Reverie?” Aniya sa nanghihinang boses. Matindi talaga ang pagkakapukpok sa batok niya.
“We'll assure you that we won't harm her and all you need to do is to sign these papers, bastardo!”
Kung ano man ang nakasulat sa kontratang pinermahan niya ay wala na siyang pakialam. Sa mga oras na iyon ay nnagingibabaw na lamang sa kanya ang katiyakang ligtas at maayos si Reverie.
Right after he signed all of the papers ay sakto namang lumitaw sa harapan niya si Reverie. Kalmado at halatang malayo sa inaasahan niyang sinapit nito.
Nag-squat ito sa harapan niya, dahilan upang umikot na naman ang paningin niya.
“Love sets us free, right? Good thing that I don't love you, Romano demone that's why I won't setting you free since today. You are now married to me, asshole. Let's be on fire together but I'll assure you, you're the only one who's going to be burn.”
That was his cue that what he signed were a marriage license. He was doom.
©MaribelleVerzosa