#LordsOfSavage
CHAPTER THREE
“YOU still have a hope any how dahil ang marriage contract na pinermahan mo is not yet solemnly legalized in the Italian law. You can still have your way out.” Matabang na pahayag ni Reverie kay Nigel without glancing at him.
Nasa loob sila ngayon ng isang pastry shop malapit sa hotel na tinutuluyan nila. They have their favorite cake in their table pero ni isa sa kanila ay walang gustong gumalaw no'n. It seemed like there's a deadly poison in their food na parang gumagapang rin papunta sa relasyon sila. A poison which slowly impairing their affection to one another. Harmful and deadly.
Napabuga ng malalim na buntong-hininga si Reverie. Bagama't mukhang kalmante pero sa kaloob-looban niya ay nais na niyang manahimik sa isang tabi, tell the world how frail she is and she's not as sturdy as rock nor cold as a stretch of ice. Masasaktan at madudurog din s’ya.
Sa puntong iyon ay tila ba pride na lamang ang pinapairal n’ya.
“Babe... you don't have to do this. I don't want you to carry all my burdens. It's my mistake, my own dilemma. Hindi iyon ang gusto kong dalhin mo kung hindi ang pagmamahal ko sa’yo.”
This time ay napatingin na siya kay Nigel. Oo at nangangati na siyang saktan at sumbatan ang kasintahan pero ayaw na niyang palalain pa ang sitwasyon. Baka mawala ang dignidad at pinag-aralan niya kapag pinairal niya ang galit.
“How can you escape from this dilemma, tell me? Kung ako nga na may koneks'yon ay dudang mapipigilan ko ang pag-legalize ng kasal n’yo, paano ka pa kaya? Do a research how powerful that stupid de Souza is and you'll know what I mean.” She acidly said.
Sandaling nanigas ang anyo ng mukha ni Nigel, sinyales na hindi nito nagustuhan ang mga katagang lumabas sa bibig ni Reverie.
“Iyon na nga. Iyon na nga ang pinupunto ko. Paano ko mapapatunayan ang sarili ko kung palagi na lang ikaw ang palaging gumagawa ng resolusyon sa bawat problema na haharapin natin? Palagi na lang ikaw ang umiintindi, ikaw palagi ang nagpapakumbaba.”
“So ikaw pa ngayon ay may ganang isumbat sa akin kung gaano ako kadakila?” Hindi na napigilan ni Reverie na magtaas ng boses. Wala na siyang pakialam sa mga taong makakarinig sa diskusyon nila.
“I'm not saying anything like that.” Nigel frustratingly sigh. Naiintindihan niya ang pinagdadaanan nito. “Ayaw ko lang na pangunahan mo na naman ako. Ako itong lalaki pero palagi mo namang ipinapamukha sa akin na wala akong silbi.”
“What?” Huminga ng malalim si Reverie, sinisikap na supilin ang matinding emosyon na ibig nang sumabog mula sa loob niya.
“Everytime we have fight and misunderstanding ay ikaw palagi ang unang gumagawa ng paraan na magkabati tayo. And I know your act against the golden condom that we were throwing out to the audience. You paid every woman who caught it, I know everything about it and it's making me a less man. I felt like you treating me that cheap na papatulan ko ang babaeng makakasalo no'n na alam mo namang hindi. Do’n pa lang ay parang sinasabi mo nang wala kang tiwala sa akin.”
Napasinghap siya sa kinauupuan. Pakiramdam niya ay ngayon lang siya kinausap ni Nigel sa ganoong paraan. Sa ganoong tono.
“Making you a what?”
“Dahil pakiramdam ko ako ang malaki ang pagkukulang sa atin. It's making me feel like I am carrying the torch in our world and you're carrying the world.” May hapdi na namang gumuhit sa puso ni Reverie. Hapdi na parang aabot sa mga mata niya.
“And I'm doing all those shits because I love you. Can't you get it?”
“Iyon na nga. You're doing it all. Everything. At nagiging manhid at stupid ka dahil sa pagmamahal mo sa akin. At ang ikinakatakot ko ay baka dumating ang panahon na isumbat mo sa akin ang lahat. Isumbat mo sa akin kung gaano ako kawalang kuwentang lalaki. Na ako palagi iyong dapat intindihin, na ako iyong susuyuin.”
“Bvllshit, Nigel. Saan ka ba nanggagaling at hindi ko maapuhap ang daang pinanggalingan mo?” Nalilitong saad ni Reverie. “Hindi ka gano'n, alam natin iyon pareho. You're nothing but a great and generous man to everyone and a kind-hearted boyfriend to me for six years now. At ni minsan ay hindi kita tinuring na mas mababa sa akin. Is that confusing you a lot? Is it confusing you when all I wanna do is to show you how much I adore you?” Nabasag ang boses niya.
“Yes and no.. I don't fvcking know. Ako ang may mali. Ako. Kaya maiinitindihan ko kung susumbatan mo ako o sasaktan pabalik. Mas okay pa iyon keysa sa ganito. Nando'n naman ako sa gusto mong ipaglaban ang relasyon natin pero natatakot ako na dumating ang oras na pareho na tayong drain at pagod sa pakikipaglaban hanggang sa makalimutan na natin kung ano ang ipinaglalaban natin. I'm just afraid that you might focus on saving me instead of loving me.”
Matatag na sinalubong ni Reverie ang helpless na mga mata ni Nigel. Ang bigat no'n sa pakiramdam niya na para bang may nakapatong na daan-daang water tank sa dibdib niya.
“I love you.” Sambit niya.
“I know.”
“I care so much about you.”
“Yeah.” Nagbaba ng tingin si Nigel. He gently took her hand on top of the table and squeezed it solemnly.
“I'm just wanna save you. And the.. baby.” Dama na ni Reverie ang mga luhang nagbabadya sa sulok ng kanyang mga mata. “Call it stupidity but I could care less. I'm just worried about the baby through my advance perspective. Ayaw natin pareho na maipit siya sa pamilyang mukha lang buo pero hindi naman perpekto.”
Tuluyan nang dumampi ang palad niya sa noo ni Nigel nang yumuko ito sa palad niyang nakapatong sa mesa. Batid niya na si Nigel ang higit na nabibigatan at nahihirapan sa sitwasyong ito.
“I've been there with you when you were struggling to escape from your venomous experience from the past. Nasa tabi mo ‘ko no'n nang mag-suicide ang Daddy mo dahil sa hindi na niya nakayanan at matiis na makita ang Mommy mo na palihim na kinakasama ang lalaking totoong mahal niya. Nasa tabi mo 'ko habang lumaki nang lumaki ang pagkamuhi mo sa Mommy mo dahil sa ginawa niya pero hindi naman ako sumuko na ipaintindi saiyo kung ano ring hirap ang dinanas ng Mommy mo. Entering into a loveless marriage means lying in a coffin. Rare lang ang mag-asawang nakaka-survive sa set-up na iyon. Survive like they both end up learning to love one another but worst, ended up lifeless.”
Tila may sumakal sa puso ni Reverie nang madama niya ang mainit na likido na humaplos sa palad niya. Nigel’s crying.
She just let him cry. Cry his burden away. Hindi sa nilalason niya ang utak ni Nigel, ayaw lang niya na maranasan din ng magiging anak ni Nigel kung gaano kadilim ang pinagdaanan nito sa mga magulang nito. Pakiramdam niya kasi ay responsibilidad niya kung sakali mang masira ang buhay ng magiging anak ni Nigel.
Saksi siya sa mga pinagdaanan nito na kung minsan nga ay umabot pa sa puntong magpapatiwakal din ito na kung hindi siya dumating ay baka hanggang twelve years old lang ang itinagal nito sa mundo.
“That's my greatest concern, too, babe.” He helplessly uttered, still in his position. “Ayaw kong matali sa iba dahil alam ko sa sarili ko na babalik at babalik pa rin ako saiyo. Now, I could understand what my Mom feels like. Damn it! Ayaw ko na ako pa ang maging dahilan nang pagkasira ng buhay ng ibang tao. Ni Regina. God! Lalo na ng magiging anak ko.”
“That’s why I am here. Don't ever feel like a weak and frail man because I'm always here to shed your tears. You're just lovable and that won't makes you less a man.”
“Oh babe,”
“Fight with me. We're not being selfish here, Nigel. Gagawa lang tayo ng tama.”
“At ano ang tinutukoy mong tama?” Kapwa napaangat ang tingin ni Reverie at Nigel sa babaeng hindi nila inaasahang darating. Humigpit ang pagkakahawak ni Nigel sa kamay ni Reverie. That in the first place ay hindi naman kailangan dahil she won't never feels alarm having Regina around her.
“Come avere un affare con mio marito? (Like having an affair with my husband?)” Nanigas ang panga ni Reverie dahil sa paratang ni Regina na halatang idinaan sa Italian upang iparinig sa mga tao na naroon din sa pastry shop ang walang kabuluhang aligasyon nito.
“Regina, tumigil ka! Huwag kang mag-eskandalo rito dahil alam natin pareho na wala ka sa tamang lugar.” Mariing banta ni Nigel sa babae.
“Or better yet wala sa tamang katinuan. Kasi, sino bang matinong babae ang maglalagay ng drugs sa inumin ng isang lalaki para lang maikama siya nito dahil sa sobrang desperasyon niya? You tell me, b***h?” Akusa pabalik ni Reverie.
Nanlaki ang mga mata ni Regina gano'n din si Nigel na kapwa hindi makapaniwala sa sinabi niya.
“As though,” Regina trailed like there was still a tsunami inside her brain. “Wala ka nang magagawa dahil kasal na kami ni Nigel at ikaw na ngayon ang magmumukhang disperato altri donna (desperate mistress/other woman) sa ating dalawa.” Pangangalandakan pa nito.
Sa puntong iyon ay tumayo na si Reverie. “See? So it's your way of admitting that you really drugged Nigel that time and ended up fvcking you in your bed. Now that explained everything. Ang bilis mong kumagat. Stupid!”
Namutla si Regina at napaatras ng ilang hakbang nang mawari na para na niyang pinatotohanan ang akusasyon sa kanya ni Reverie.
“Nigel,” Regina trailed again like she wanted to explain something to Nigel.
Pero mukhang huli na ang lahat dahil mabilis na sinampal ni Nigel si Regina. Kung gaano nanlaki ang mga mata ni Regina ay ganoon din ang reaksyon ni Reverie. Doon na siya naalarma at mabilis na inawat si Nigel.
“Damn it, Nigel! You're such a d**k. Why did you fvcking do that? Buntis iyan, tangina!” Halos masampal na rin ni Reverie si Nigel dahil sa isinagawa nito.
Kahit siya ay ibig ring saktan si Regina sa mga oras na iyon ngunit kahit ano pang bigat ng loob niya ay isinasaalang-alang pa rin niya ang kondisyon nito.
Nigel eyes were flaring up. Pati buong mukha nito ay namumula na dahil sa matinding galit. Si Regina nama’y naiiyak na at hindi malaman ang gagawin.
“Damn you. Damn you, Regina! I can't believe that you can do a terrible things like that. Fvck. Just fvck. Umalis ka sa harapan ko habang nakakapagtimpi pa ako saiyo.”
“Nigel, please. Ginawa ko lang naman iyon para makita mo rin ako sa mundo mo. Mahal kita, Nigel. Mahal lang talaga kita.” Umiiyak na sabi ni Regina.
“Well, bvllshit! I don't fvcking need that kind of love. And I don't need you in my goddamn world, Regina. Not ever, screw you, b***h!”
“Nigel, tama na. Ano ba?” Habang pinapakalma ni Reverie si Nigel ay bigla siyang naalarma at nanlamig nang makita niya ang pulang likido na dumudulas paibaba sa binti ni Regina. Iyak pa rin ito ng iyak na para bang hindi alintana ang dugo na dumadaloy sa binti nito.
Nabitawan niya si Nigel habang si Nigel ay napamura na lang din nang makita ang kondisyon ni Regina.
“Damn it. You're bleeding, b***h. We need to rush you to the hospital.” Akmang dadaluhan ni Reverie si Regina nang hindi niya inaasahan na sasampalin siya nito.
Natigagal siya. Gusto niyang sampalin pabalik si Regina pero nangingibabaw ang pag-aalala niya para sa batang nasa sinapupunan nito.
“Don't you dare to touch me. Don't touch me. Don't touch me.” Pagmamatigas ni Regina habang patuloy na umiiyak at ngayon ay dama na ang sakit sa tiyan niya.
“You're two-faced b***h. Stop acting like you care about me.”
Napatiim ang bagang ni Reverie. Si Nigel ay hindi malaman ang gagawin maliban na lamang sa pagkatulala.
“Who told you that I'm worrying about you? Assuming. Sa bata ako nag-aalala dahil siya ang nagdudusa sa kawalang-hiyaan mo. Kapag nakunan kang babae ka, makikita mo. Ako ang papatay saiyo.” Walang kurap na banta ni Reverie kay Regina. “What now, Nigel? Dalhin mo na siya sa kotse. I'll drive.”
Doon naman natauhan si Nigel. Kumurap ito habang nakatitig sa kanya ng diretso. “I'll carry her? Surely?”
Umikot naman ang mata ni Reverie. “Kung gusto mong kaladkarin, gawin mo basta alalahanin mo lang ang kaligatasan ng batang nasa sinapupunan ng impaktang 'to.”
Nagawa pa siyang murahin ni Regina bago ito nawalan ng malay.
“KAPAG may nangyaring masama sa kapatid ko at sa pamangkin ko, hindi ko kayo mapapatawad ni Nigel.” Napalingon si Reverie sa lalaking katabi niya sa bench na nasa pasilyo ng ospital na kinaroroonan niya.
It's Zurick.
Ito ang guardian ni Regina kaya naman ay ito kaagad ang kinontact ng ospital nang isugod nila doon si Regina. Doon lang din niya nalaman na kasosyo rin pala ang pamilya ng mga ito sa pagpapatayo ng private hospital na kinaroroonan nila ngayon.
Sa ayos ni Zurick ngayon ay madali lang mawawari na mukhang kagigising lang nito at naiimagine niya kung paano ito nagmadali na makarating sa naturang ospital.
“I won't forgive you, I swear.” Ulit pa ni Zurick na ngayon ay nakatingin na sa kanya ng diretso.
She looked away. Not because she is intimidated by his heavy stares but there's something beyond that.
His distracting pair of red lips and musk which surprisingly causing her felt uncomfortable.
“Isaksak mo sa pancreas mo ang forgiveness mo, gago. I don't need those. And one more thing, moron. Can you fvcking close your pants’ zipper cause fvckingly speaking, I don't want to be greeted by your d**k. Damn you!”
Kung paano namula ang pisngi ni Reverie ay gano'n din ang paglawak ng ngisi ni Zurick.
©MaribelleVerzosa