CHAPTER SEVEN
“LET'S just keep those information with us. Wala kang dapat na pagsabihan nito lalo na si 'Tor. Damn! Pipilipitin no'n ang leeg ko sigurado.” Mariing sabi ni Reverie kay Nigel. Hindi siya nakikiusap kung hindi nag-uutos.
Sa lahat ng kagagahang nagawa niya ay tila ngayon lang nag-sink in sa utak niya ang mga possible consequences na kaakibat ng padalus-dalos niyang desisyon.
Iniisip pa lang niya ang magiging reaksyon ng kapatid niyang si Trever kapag nalaman nitong ipinakasal niya ang sarili sa isang babaero at walang kuwentang lalaki ay parang gusto na niyang magbigti na lang.
“Nababaliw ka na, Reverie. I think my sanity came to grief because of this revelation. I'm going crazy.”
“Exaggerated ka lang ‘kamo!” Asik ni Reverie at gawa ng inis ay naidiin niya ang cold compress sa mukha ni Nigel kung saan may seryosong pasa.
Napapailing siya. Kung sana ay alam lang niya na may assassin fists pala ang Zurick na iyon sana ay mas pinigilan pa niya si Nigel na sugurin ito.
Hindi mawaglit sa isipan niya ang trouble na naganap kanina. Gusto niyang sugurin ulit si Zurick sa kabilang suite at ihampas sa makapal nitong mukha ang katawan ng haliparot nitong kasama. Pakiramdam niya ay umuusok na ang ilong niya sa matinding galit.
“Ouch! Ako na nga lang. Mukhang gusto mo pang dagdagan ang pasa ko.” Nakangiwing angil ni Nigel dahil mukhang hindi na nito kinaya ang bigat ng kamay ni Reverie.
She gave the ice pack to Nigel and lazily dropped herself to the bed. Nasa suite siya ni Nigel pero ang kaluluwa niya ay ibig nang kumawala mula sa kanyang katawan at lumusot sa pader upang silipin kung ano ngayon ang ginagawa ni Zurick at nang babaeng kasama nito sa loob ng kabilang suite.
Reverie growled absent-mindedly when erotic thoughts flashed inside her brain. Larawang-diwa ni Zurick na parang halimaw na umiindayog sa ibabaw ng Italiana nitong kasama. Parang sasabog ang dibdib ni Reverie at hindi niya maunawaan kung bakit ganoon kainit ang reaksyon niya.
“Tumigil kayo!” Wala sa sariling sigaw ni Reverie na animo’y inaawat ang nagtatalik na mga nilalang na laman ng isip niya. Tili siya ng tili at parang nasiraan ng bait habang ibinabato sa kung saan ang mga unan na naroon sa ibabaw ng kama. Pati cellphone ni Nigel na nahagilap ng kamay niya ay nakipag-torrid kiss din sa pader at basag na nang lumanding sa sahig.
“s**t! Is that your phone?” Bumalikwas niya para lamang mapansin ang madilim na anyo ng mukha ni Nigel.
Bahagyang nakaawang ang mga labi nitong putok ang ibaba habang nakadikit pa rin sa kaliwang cheekbone nito ang ice pack at mataman na nakatitig sa kanya. Iyong klase nang titig na parang hahatiin sa dalawa ang katawan niya.
Tumikhim si Reverie. Gustong matawa niyang sa hilatsa ng mukha ni Nigel. Para itong ewan.
“Seriously, Reeve? Ano’ng atraso saiyo ng cellphone ko?” Nanunuyang usal nito. May panghihinayang sa himig nito dahil sa sinapit ng cellphone nito.
Napalabi lang si Reverie at ngumiti kapagkuwan. “Bili ka na lang ng bago. Rich kid ka naman e.” Siste niya.
Napatingin siya sa basag na cellphone ni Nigel, imagining that it was Zurick’s face she crashed. Damn! Gigil na gigil talaga siya sa naturang lalaki.
Kagabi lang ay tinanggihan siya nito tapos ngayon makikita niya na may ikinakama na naman itong ibang babae. Technically iyon na rin iyon kahit sabihin pang hindi niya nakitang nagniig ng aktuwal ang dalawa. Hindi naman magmamadyong ang dalawang iyon sa loob ng suite nito.
Shit lang! Naiinis talaga siya. Pakiramdam niya ay isinampal sa kanya ni Zurick ang ibig nitong ipahiwatig na hindi siya ganoon kaganda at kahali-halina sa paningin nito. Naiinsulto ang puri niya’t alindog. He was obviously belittling her.
“If I were you, I'll just personally break your marriage license before your ruthless brother finds it out in no time. Alam mo naman na malakas ang pang-amoy no'n kahit pa nasa ibang lupalop ng daigdig ang isang iyon. He has all eyes behind you. Same reason why I can't even kiss nor touch you before. He's a dangerous pest you can't run away from. Lagot ka sa utol mong iyon.” Litanya ni Nigel.
Reverie fight the urge not to wince. Pawang katotohanan naman ang sinasabi ni Nigel. Kung may isa mang tao na magbibigay ng parusa sa pagkakamali niya iyon ay walang iba kundi ang kapatid niya na mas istrikto pa sa kung sino mang Poncio Pilato.
“I pretty know that, of course. Bahala na! I'll see what can I do about this bullshit. Aayusin ko 'to mag-isa.” She said doubtfully.
“I can help you. Kakausapin ko na lang si Regina na mauna na siya sa Pilipinas para masamahan kita rito. Hindi rin ako mapapanatag kung basta na lamang kitang iiwan dito.” Alok ni Nigel. Worried a lot.
“I can do it alone nga! Ako nang bahala.”
Nigel sighed in resignation.
Nagpaalam na si Reverie kay Nigel nang masiguradong wala itong serious injury. Nakokonsensya talaga siya sa sinapit ni Nigel sa kamay ni Zurick. Akalain ba naman niyang biterano ito sa pakikipagsapakan.
Saktong pagbukas ng pinto ni Reverie ay bumungad sa kanya ang mukha ni Regina.
Napalatak siya ng wala sa oras. Another pest in the house. Yow!
Mula sa pagkagulat ay unti-unting binalot ng iritasyon at selos ang ekspresyon ng mukha nito. A lot of dirty suspicion and wrong imputation swirled in Regina’s eyes.
“Reg?” Si Nigel na nakaalalay sa likuran ni Reverie. Kaya naman pala ganoon ang reaksyon ni Regina kasi nakapatong sa likod niya ang kamay ni Nigel which was not malicious intent in their perspective.
“b***h! May ginawa ba kayo habang wala ako. Ano?” Singhal nito. Mangiyak-ngiyak na. “Ano’ng ginawa ninyo?”
“Reg, easy there. Wala kaming ginawa na tulad nang hinala mo.” Depensa kaagad ni Nigel.
“I won't believe you!” She cried out. Napaismid si Reverie pero wala siya sa mood na patulan ito.
“Suit yourself, Regina. Lahi talaga kayo ng mga siraulo. Gosh!” She boringly stated.
“You're such a b***h!” Sasampalin sana siya ni Regina subalit maagap na nasalo ni Nigel ang palad nito.
“If I'm a b***h, what does it makes you then?” Reverie snapped out, challenging.
“Regina, don't make a scene for Pete's sake.”
“Let her be, Nigel. Let her think that we had a senseless and mind-numbing s*x awhile back. Na kaya ka nagkapasa dahil sinapak kita habang nagmamaneho ka sa ibabaw ko.” Umabante na si Reverie at binunggo pa ang balikat ni Regina. “Happy now, aren't you?”
Nakatulala na ito. Naluluha. “Alis na ako, babe. Bahala ka diyan sa baliw mong asawa!”
HINDI mapakali si Zurick sa loob ng suite niya dahil magdadalawang oras nang nasa loob ng suite ni Nigel si Reverie.
What the f**k they're doing inside? He continuously asking himself. Nakakalimang stick na siya ng yosi pero hindi pa rin siya makalma.
Hindi siya pabor sa ideyang nasa loob ng iisang silid si Reverie kasama ang asawa ng kapatid niya. Regina would surely freak out if she caught them together inside Nigel’s suite.
Kailangan niyang gumawa ng paraan upang mapaalis doon si Reverie. Hindi malabong may mangyari sa dalawa dahil ilang taon ding naging mag-nobyo’t nobya ang mga ito. He knew pretty well that Nigel is still a big part of Reverie's life.
“Il mio amore, why don't we start this immediately? I badly want you now.” Pukaw muli sa atensyon niya ng babaeng kanina pa nababagot. Hubad na itong nakahanda sa kama pero nawalan na siya ng gana na pagtuunan ito ng pansin sa paraang minimithi nito.
He already lost his appetite having s*x with the woman or any other women out there.
Bumalik muli sa isipan niya ang pandidiri sa mga mata ni Reverie kanina. Lantaran nitong ipinahiwatig na malaki ang disgusto nito sa pagkatao niya. Gusto niya itong kausapin at subukang linisin ang masamang imahe niya sa isipan nito, sa paningin nito pero paano niya iyon gagawin? Bakit niya iyon gagawin? As if he's obliged to do so.
Kailan pa siya nagkaroon ng paki sa ano mang tingin sa kanya ng iba? Parang ngayon lang.
Nakahalukipkip lamang siya sa passage door papunta sa veranda ng suite niya at muling nag-isip ng paraan kung paano niya mapapalabas si Reverie mula sa suite ni Nigel.
Tuksung-tukso na siyang katukin ang kabilang suite at kaladkarin palayo sa hotel na iyon si Reverie ngunit mas pinili niya ang manahimik. Hindi puwedeng magpang-abot na naman sila ni Nigel dahil tiyak na magagalit si Regina sa kanya kapag makipagbasag-ulo na naman siya kay Nigel. Nigel is still his friend anyway.
“Just sleep.” Matabang na utos niya sa kasamang babae dahilan upang umasim ang mukha nito.
“Sleep? Are you for real? You know, I didn't ditch my photoshoot today just to feel the coldness and emptiness of your bed.” Nanunumbat na asik ng babae.
“You're such a p***y!” She spat out then went inside the bathroom. Bihis na ito nang lumabas at inis na ibinagsak ang pinto nang nilisan nito ang suite niya.
Umikot lang ang mga mata ni Zurick at muli na namang nag-isip.
He immediately grabbed his phone when a bright idea popped inside his brain. He called her sister to come to the hotel. Maaaring mapigilan nito ang dalawa sa kung ano mang balak nilang gawin.
Christ! He's being paranoid.
NAPAPITLAG si Reverie nang may kamay na humigit sa kanyang braso pagkalabas na pagkalabas pa lamang niya ng elevator.
“Shit.” Pumalag siya ngunit kaagad namang umareba ang apoy sa sistema niya nang mapagtantong kamay iyon ni Zurick.
Nakakatawa lang na mabilis niya itong mapagsino sa kabila ng hindi makilala nitong porma. May suot itong mahabang wig na shoulder level ang haba, kulay apple green pa iyon. Naka-avaitor sunglasses na berde rin ang frame. May suot itong makapal na jacket at sa ilalim no'n ay napuna niyang wala ano mang damit. Sa ibaba naman ay kulay itim na distressed slim jeans.
He looks terribly funny in his outfit pero hindi nakakatawa. Ang unfair lang dahil hindi naman masama ang dating nito sa paningin ni Reverie. Bagkus ay nais pa itong purihin ng utak niya.
He looks dayum hot behind those wig and sunglasses and Reverie wanted to punch herself for admiring the devil who was dragging her to who knows where. Lalo pang pinainit ang s*x appeal nito dahil sa sombrero nitong suot patalikod.
Gosh! She can't breath steadily. All she could do was to check Zurick physical appearance over and over again. Last thing she knew ay naitulak na siya nito sa loob ng isang pamilyar na kotse.
Doon na siya natauhan.
Did he just push me mercilessly? Hell with this dumbass?
Hinigit ni Reverie ang kanyang hininga at hinintay na makapasok sa driver seat si Zurick. Hindi pa man nito nabubuhay ang makina ng sasakyan ay dumapo na sa mukha nito ang kamao niya. Tumilapon ang suot nitong sunglasses.
“Why did you freaking hit me by the face?”
“Why did you push me inside her with no mercy at all? Demonyo ka talaga e 'no?” Mabilis na balik niya at hinampas pa niya ito ng shoulder bag niya. Panay naman ilag ang lalaki.
“My apology.” Pasinghal na saad nito at sinapo ang parte ng mukha nitong tinamaan niya. Napatitig siya sa mukha nito at halos gumusot ang mukha niya nang mapansing wala man lang galos ang mukha nito. While Nigel was...
Damn! Kapal talaga ng mukha. Literal.
“Akala ko galit ka sa kaguwapuhan ko.” Preskong dagdag nito at pinasibad na ang sasakyan.
“You're so full of your shits!”
“You punch better than Nigel. You amazed me by that, dolce signora.”
Dahil sa binanggit nito ang nangyari kanina ay bumangon na naman ang angking galit niya sa lalaki. Gusto niya itong saktan sa mga oras na iyon ngunit sa bilis ng pagmamaneho nito ay mukhang natangay na ng hangin ang huwisyo niya. Nakalimutan na niyang huminga at pati kulay ng panty na suot niya sa araw na iyon ay nawala na rin sa isip niya.
“God! Take it slow.” Matigas na anas ni Reverie na mahigpit ang kapit sa seatbelt niya.
“Slow means boring. I always like it fast.” Rinig niyang tugon nito. He caught the naughtiness in his voice which only confirmed the dirty meaning of his line.
Umirap siya.
“Kung ano mang dahilan mo kung bakit basta-basta mo na lang akong isinama ngayon ay puwede bang kalimutan mo na. Take me back to Elfie’s house! Now!”
“Later.”
“Ngayon na. Ayokong kasama ka. Puwede ba? Ni ayaw kong manatili sa isang lugar na alam kong parehong hangin lang ang linalanghap natin.”
“Ganiyan ba talaga kalala ang pandidiri mo sa akin? Na para bang may nakakahawa akong sakit? You're so mean, woman!” His tone went as sharp as a blade.
“O bakit? Sapol na sapol ka ba? Ano’ng problema do'n? Ano’ng bago? Dapat nga ay sanay na sanay ka na sa mga masasakit na salitang natatanggap mo sa kung kanino. You're nothing but a piece of s**t who's thirsty for carnal desires. Ngayon ko lang napagtanto na dapat pala na hindi ko na lang sinangkot ang pangalan ko saiyo. Nakakahiya sa mundo kapag nalaman nilang— f*****g s**t!”
Muntik nang tumilapon ang katawan ni Reverie sa dashboard nang walang babalang inapakan ni Zurick ang brake pedal ng kotse nito.
“What the hell is your problem? Siraulo ka talaga!”
“Tumahimik ka!” Zurick shouted back at her and hit the steering wheel as hard as possible. Napaigtad si Reverie at napalunok.
Para siyang nakakita ng buhay na alagad ni Satanas sa hitsura ni Zurick. Nag-aalab sa galit ang mga mata nito.
“I'm.. I..” Utal-utal niyang wika na hindi niya magawang dugtungan. Kinakabahan siya. Nakokonsensya.
“You completely pushed me to my f*****g limit. Now I'm gonna show you how f*****g dirty I am.”
©MaribelleVerzosa