Chapter 6

1905 Words
    Always expect for the unexpected things.     - - - - - - - - - -   Maagang umuwi si Luis kinabukasan dahil may OJT pa sya. Ako naman ay maaga ding umalis dahil may klase naman ako.     Ng nasa school na ako ay---     "Hi Hanna... Musta ka na friend? Bakit hindi ka ata hinatid ni papa Luis ngayon?" tanong ni Missy.     "Hindi kasi sya pumasok kahapon sa OJT nya kaya maaga ko sya pinauwi dahil papasok sya ngayon." sagot ko.     "Ah. Kaya pala.. Nga pala friend, alam mo na ba kung sino ang nagdala sayo sa hospital?" tanong nya na naging dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.     "Oh? Anyare friend?"     "Missy kasi... ano... ahm... hindi ko pa kilala.. At ayoko ng malaman pa.. Masaya na ako na nadala nya ako kaagad sa hospital kahit hindi ko sya nakita." sagot ko dito.     "Nung una you really wanted to know tapos ngayon naman? haist.. Ok fine.. kahi ako hindi din ako mapakali kakaisip eh but since ok ka naman na, ok na din siguro na wag na nating isipin kung sino man yung nagdala sayo." sagot naman nya.   I just nodded.     Pumunta na nga kami sa classroom.     After uwian ay hinatid ako ni Missy sa bahay dahil hindi ako nasundo ni Luis. Nag-extend kasi sya ng time kaya hindi nya ako nahatid so si Missy na lang.     "Mamubels, ok na po sa akin kahit wala pong pagkain kasi hinatid ko lang naman po itong si Hanna. Alam nyo naman po, baka mamaya kung mapano na naman kaya eto hinatid ko na po." sabi nito habang nakaupo sa salas.     "Salamat Missy ah?" sabi ni mama.     "Nako, wala po yon mamubels."     Nagtitimpla naman ako ng inumin habang nasa kusina.     Lumabas ako habang dala-dala ang juice.     "Eto na ang juice." sabi ko.     Kumuha naman ng baso si Missy at nagsalin.     "Grabe! Refreshing!! Thank you friend ah?"     "Pasensya na walang pambara, Missy." sabi ko.     "Ahahah :D wala yon Hanna." tawa nito.   Pinainom ko na lang sya ng juice.     Pagtapos ay nagpaalam na din ito at umalis na.     Kami naman ni mama ay nag-ayos ng mga gamit.     "Nak.."     "Po?"     "Sigurado ka na ba sa desisyon mong pagpapakasal kay Luis?"     "Opo. Bakit po?"     "Hindi ba masyado pa kayong mga bata?"     "Ma... Wag po kayong mag-alala.. 3 years pa po muna ang lilipas diba? Hindi naman po agad-agad na magpapakasal kami ni Luis eh." sagot ko.     "Alam ko naman yon anak.. Nag-aalala lang ako." sabi nito.     "Ma, hindi naman kita iiwan eh. Kapag kinasal kami ni Luis, isasama ko po kayo sa titirhan namin. Ayoko din naman pong iwan kayo dito." sabi ko sabay yakap kay mama.     "Salamat, anak.."     - - - - - - - - - -   Kinabukasan...     Maaga na naman akong pumasok, hindi kasi ako dapat malate sa OJT ko dahil 2 days din akong hindi nakapasok.   "Hanna, bakit nga pala hindi ka pumasom ng dalawang araw?" tanong ni Sir Bon.     "Sir, na-ospital po kasi sya." sagot ni Missy.   Oo. Kasama ko si Missy sa OJT dahil magkacourse at magclassmates kami.     "Oh? Bakit?"     "Over fatigue po, Sir." sagot ko dito.     "Masyado ka kasing masipag eh. Pahing din kasi pag may time ah?" sabi ni sir Bon.     "Opo (n.n)"     After ng OJT namin ay nagbihis kami ni Missy dahil pupunta sana kami ng SM dahil sale ngayon kaya lang----     "Hanna..." tawag ni ma'am Anji.     Lumingon naman ako. "Po ma'am?"     "Si boyfriend mo ata oh.. Ang sweet naman sinundo ka." sabi nitong nakangiti.     Napatingin naman ako kay ma'am Anji.     Sundo? Wala naman texts si Luis na susunduin ako ah?     Palabas na kasi kami nyan ng office.     Lumingon ako at nakita kong may sasakyan na nakapark sa labas ng office. Not so familiar. Hindi sasakyan ni Luis dahil kilala ko naman ang sasakyan nya.     "Hanna.. Sino yan?" tanong bigla ni Missy.     "I don't know." sagot ko.     Lumabas na nga kami ni Missy. Nagpaalam na din sina Sir at ma'am samin pero hindi pa sila nakakaalis totally.     Nasa labas na nga kami ni Missy at nakaharap sa sasakyan na nakapark sa harapan ng ofis ng bumukas ang pinto ng sasakyan at iluwa nito ang isang bungkos ng bulaklak at isang lalaking nakashade tapos nakaformal attire pa.     "Wow.. Sino sya?" tanong ni Missy habang kinikilig.       Lumapit samin ni Missy yung lalaki.     I feel something na kilala ko ang lalaking ito.     Nang nakalapit na sya ay tinanggal nya ang salamin nya at----     "Hi Hanna. Kamusta ka na?" tanong nito na nakangiti.     Muntik na akong mahimatay sa sobrang takot ng makilala ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko ngayon.     "A-A----"       "Papa Alex!!!!" tili ni Missy tapos niyakap si Alex.     "Hi, Missy. Kamusta ka?" tanong nito kay Missy habang nakayakap din.     "Grabe ka! Namiss kita, dude!!" sabi pa ni Missy.     Gusto ko namang hilahin si Missy dahil baka kung ano gawin ni Alex kaso halatang namiss nga talaga ni Missy ito.     Tapos----     "San ka na ba nag-aaral?" tanong ni Missy dito.     "Sa San Juan." sagot nito.     "Ang layo naman. Kamusta ka naman?" tanong ni Missy.     "I'm fine. Ikaw?" ngiting sagot ni Alex sakanya.     Ganyan sila habang ako ay nagugulat sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung paano ako magrereact.     "Hanna.. Kamustahin mo naman si Alex.." sabi bigla ni Missy.     "H-Huh?"       "Hays naman.."     "Hi..." sabi ni Alex sakin.     Nagnod lang ako.     "Flowers for you.." sabi nya while inaabot ang mga bulaklak sakin.     Hindi ko alam kung kukunin ko o hindi. Nakakatakot kasi.     "Friend naman, yung flowers..." si Missy na naman.     Inabot ko na din ang flowers tapos....     "T-Th-Thank you.." sagot ko.     Kinakabahan talaga ako.       "Ahm, are you off to somewhere?" tanong ni Alex.     "Yeah.. Pupunta kami sa SM kasi sale. Sama ka?" tanong ni Missy na kinagulat ko.     Missy!!!     "Yeah, sure.. Kung ok lang kay Hanna." sabi nito sabay baling sakin.     Hindi naman sya nakangiti or what, natural expression na nanghihingi ng sagot.     Napatingin muna ako kay Missy na nagsasabing No please pero iba naman ang nasagot ko. "Ah-- Sure." sagot ko na kinataka ko din.     "Oh, tara na." aya ni Alex.     Sumakay na nga si Missy pero sa back seat. Tatabi sana ako sakanya kaso---     "Friend, ang luwag sa harap oh?" sabi nito.     No choice tuloy ako kundi sa harap maupo. Sa tabi ni Alex.     Kinuha nya yung bulaklak at nilagay sa back seat.     "Ok ka lang ba?" tanong nya sakin.     Nagnod lang ako.     At pinaandar na nga nya ang sasakyan.     Nakatingin lang ako sa labas habang nagmamaneho si Alex at si Missy naman ay nagkekwento.   Actually silang dalawa lang talaga ang nag-uusap. I don't want to exchange thoughts with them either esp. kay Alex. You know naman how I feel? I just don't know how to react. I just can't believe na after ng ginawa nya sakin eh may mukha pa syang ihaharap sakin.   Tss.. I don't know.   "Hanna.. Ok ka lang ba jan? Ayaw mong magsalita?" tanong ni Missy.   Humarap naman ako sa front mirror para sana makita si Missy kaso mga mata naman ni Alex ang nakita ko na nagtatanong kung ok lang ba talaga ako.   Mabilis ko namang nilihis ang mga mata ko.   "Ah- Ahm, ok lang ako. Nahihilo lang." sabi ko na lang.   "Masyado bang mabilis? I'll take it slow." sabi ni Alex na bigla ngang bumagal ang sasakyan.   Napatingin naman ako sakanya.   "Ok na ba?" tanong nya.   Tumitig lang ako sakanya na nagtatanong, Bakit ganyan ka bigla?   "Mas ok yung kanina dude. Kaso baka nga nahihilo talaga tong si Hanna." sabi ni Missy na nakahiga ang ulo sa back.   "Yeah." sagot lang ni Alex.   Tumingin na ulit ako sa iba.   Nagtataka siguro kayo kung bakit dude ang tawag ni Missy kay Alex no?   Ganito kasi yon. Actually, best of friends kami simula high school. Classmates ko silang dalawa simula first year high school hanggang nung grumaduate kami. Tapos classmates na naman nung college. Naging kami kasi ni Alex nung third year HS kami tapos nagbreak kami nung second year college kami. At tama ang nabasa nyo before sa previous chapter na sya ang nakipagbreak sakin. I really don't know the reasons kaya kahit masakit, tinanggap ko. After the break up, hindi ko na sya nakita ulit sa university na pinag-aaralan namin ni Missy. Lately ko na lang sya nakita nung yun na nga. I don't want to mention it. Alam ko namang alam nyo na yun.   About Luis naman, he knows Alex, vice versa. How? Parehas kasi silang varsity ng basketball sa school kaya magkasama sila. Alam din ni Luis na ex ko si Alex pero wala na yon kay Luis kasi sabi naman nya Past is Past and Future is Future.   That's our story.   "Dude, we're here." sabi ni Alex kay Missy tapos nagpark na. Nag-ayos naman muna ako bago bumaba kaso mabilis na nakababa si Alex at pinagbuksan kami ni Missy ng pinto.   "Thanks." mahina kong sabi.   "Dude, salamat ah? Gentledog ka pa din hahaha :D" sabi ni Missy.   "Sira ka talaga, Missy." sabi nito kay Missy.   Parang wala silang pinag-iba. Parang nung HS pa din. Ganyan naman kasi sila eh. Hindi sila nag-aaway kahit nag-aasaran.   "Let's go." sabi ni Missy.   Binuhat ni Alex ang gamit namin pareho ni Missy.   "Wow.. Just like the old times :)" sabi ni Missy.   "Ahahah :D Lol dude!" sagot lang ni Alex. Ganyan sila mag-usap. As in ganyan.   Pumasok na nga kami nila Missy sa SM.   "Ano bang bibilhin nyo dito?" tanong ni Alex.   "Gown para kay Hanna." sagot ni Missy.   "Huh? Para saan?" tanong ni Alex.   "Sya lang naman ang representative ng school sa upcoming Ms. College of the New Millenium, dude." sabi ni Missy.     "Woah? Talaga??!" tanong ni Alex na gulat talaga. "Is it true, Hanna?" tanong nito sakin pero hindi naman ako ang sumagot kundi si Missy.     "Oo dude. Sya nga! Galing no? Hahaha :D Dati pangarap lang, ngayon totoo na. Sayang wala ka. Edi ikaw sana ang partner nya, diba?" sabi ni Missy na kinatingin ko at----     "Missy..." sabi ko dito.     "Oops! Sorry." sabi naman ni Missy.     Foul na kasi masyado eh.   "Well, congrats." sabi nito.     Tumingin lang ako at nagnod.     Sinamahan nga kami ni Alex na mamili ng gown kaso di ko naman alam kung ano ang pipiliin ko kasi nga magaganda lahat. Kaya naman next time na lang kapag may pera na heheh :).     Kumain na lang tuloy kami at nilibre kami ni Alex.     Tapos hinatid na muna namin si Missy sakanila.     "Dude, ikaw na bahala kay Hanna ah?" sabi ni Missy.   Actually kinausap ko pa si Missy na wag na kaming magpahatid kay Alex pero sabi nya ok lang naman. Hindi ko kasi masabi sakanya na natatakot ako kay Alex baka kasi kung anu na naman ang gawin nya sakin. Pero wala akong nagawa kundi pumayag. Tutal may pusher naman akong dala sa bag ko eh kaya anytime, kapag may ginawa syang hindi maganda, itatarak ko talaga to sakanya.     Nagpaalam na ako kay Missy at ganon din sya kay Alex.     Habang nasa kahabaan kami ng Edsa ay---     "Is it true?" tanong nya.     Napatingin naman ako. "Huh?"     "Totoo bang engaged na kayo ni Luis?" tanong nito na humarap sakin.     Traffic kasi.   Pano nya nalaman??     Tumitig muna ako sakanya bago nagnod.     Lumihis naman sya ng tingin.     Pati ako ay lumihis din ng tingin.   "How did you know?" tanong ko dito.     "I just knew it nung dinala kita sa ospital." sagot nya.     "So, ikaw ang nagdala sakin?" tanong ko na tumingin sakanya.     "Yeah."     Anong ginagawa mo sa school? I want to ask him pero natatakot ako.     "Nasa school nyo ako that time kasi meron akong kakausapin na ka-varsity ko dati. Then I saw you sa waiting shed." sabi nito.     Nakatingin pa din ako sakanya.     "Hanna..." tawag nya bigla tapos yumuko habang hawak ang manibela.     Kaso biglang may bumusina kaya naman napatangad sya at nagdrive na.     Hinatid nya ako sa bahay namin. Pinagbuksan nya ako ng pinto ng sasakyan nya at---     Lalakad na sana ako pero hinawakan nya ang kamay ko na dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at kunin agad ang kamay ko. Natatakot kasi ako sakanya.     "I can't blame you if you are afraid of me but one thing I know for----" I cut his sentences.     "Bakit Alex?" tanong ko. Then humarap ako sakanya.     Nakatingin naman sya sakin.     "Bakit bumalik ka pa?" tanong ko sakanya.       Tumingin sya sakin. "I'm sorry, Hanna. But one thing I know for sure why I am here. I want you back." yun lang ang sinabi nya bago sya nawala sa harapan ko na parang bula.     What does he mean???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD