REIN's POV Sinapak siya nung lalaki at hindi man lang siya gumanti, nakakatawag na kami ng atensyon ng mga dumadaan at ngayon ay may mga ibang tao na ang umawat sa kanila. Sinuntok siya ng ilang beses sa mukha at katawan pero wala siyang ginagawa kung hindi ang humarang samin. Umiiyak na ko at si Maine sa ginagawa niya pero sinasalo niya lang ito. “Ano ba Jef! Tama na sasama naman ako sayo ah.” sinampal niya ‘yung lalaki. “Ano bang gusto mo? ‘tong ATM ko? Ano talo ka na naman ba sa sugal? Oh ‘yan ubusin mo ang laman.” kinuha niya ang cellphone niya at binato sa lalaki. “Iyan sayo na din niya, nasa drafts lahat ng password ng account ko kunin mo lahat.” umiiyak na siya at nang gigigil. Madami ng nakakakita samin at miske sila ate Roma ay naabutan pa kami. Sa ngayon ay inaalalaya