REIN's POV Madaming mata ang nakasunod samin habang naglalakad kami pabalik ng room. Kasama ko ngayon si Maine at masaya naman kaming nag uusap kaso hindi namin maiwasan ang mga tingin ng mga istudyanteng nadadaanan namin. Hindi rin maiwasan na marinig namin ang bulungan nila. “Wow my friends siya? I think binayaran niya lang ‘yan to make friends.” isang bakbak ng make-up na babae ang nag salita, hindi ito pabulong kaya na bigla kami ngayon. “No girl! Mukhang chimay niya ata ‘yan.” sabat naman ng babaeng makapal ang labi. “Ow You think so? Masyado na ba kong maganda para maging mukhang chimay lahat ng tumatabi sa’kin?” hindi ko alam kung hahangaan ko ang katapangan niya o maiinis dahil sa kayabangan niya haha. Nag sitaasan ang kilay ng dalawang clown sa sinabi niya. Mukhang nairi