KNIGHT's POV Yung lalaki nasa harap ko ngayon, kilala ko daw siya pero hindi ko maaninag ang mukha niya. Malabo at sabog ang kulay pagtitingin na ako sa mukha niya. Sino ba siya? Alam ko kilala ko siya pero hindi ko maalala. Ang gulo! Ano ba ‘to? Asan ba ko? “kaibigan kita Knight kaya hindi ako papayag na maging kaisa ka nila.” alam ko ang boses na ‘yun. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nakatayo siya sa harap ko at ako nakaluhod, nang bigla siyang may kinuha sa bulsa niya sa likod, kinasa ito at tinutok sa’kin. “Tignan mo ang palad mo.” automatiko akong tumingin sa kamay ko at na sindak ako dahil puro dugo ito. Nangangatog ang buo kong katawan sa takot. Saan galing ang na pakadaming dugo na ‘to. "Ngayon tumingin ka sa tubig.” biglang naging tubig ang lupa at nakakat