REIN's POV Hayop o Aswang? Iyan ang katanungan sa mga residente dito sa Cavite. Isang binata ang lumapit sa kapulungan ng kapulisan at nag pakita ng isang video kuha sa CCTV ng bahay nila. Isang malaking itim na aso ang nag papalibot-libot sa bakuran nila at sinunggaban ang isa sa mga alaga nilang manok. Madami ang natakot at nangamba dahil marami na ang nakakakita sa malaking itim na aso na ito, kaniya-kaniya namang opinyon ang mga residente ukol dito. “Grabe ha, baka ligaw na hayop lang ‘yan.” tumango ako, at inayos ang apron ko. “Sa Cavite? Eh naka CCTV na nga ang mga tao dito eh, pano pa may maliligaw na hayop dito eh hindi na probinsya ‘to.” sabat naman ni ate Roma kay ate Jully. “Kung aswang naman ‘yan hindi ba sa probinsya lang din sila madalas at mga liblib na lugar?” tuma