NILALARO ko ang ballpen sa mesa habang gumagawa ng mahinang tunog dito. Si Hailey ay panay post tuwing flash ng camera. Kuntento naman ang Marketing staff sa kanya pero kung ako ang tatanungin parang may kulang. She has an Asia sweetheart vibe. Men from any country can appreciate her beauty. Hindi naman sa hindi siya bagay sa role, pero kung underwear products lang naman ang kanilang i a advertise sa karatig bansa ng Pilipinas at kahit sa europa, siguro naman i konsidera niya ‘yong ibang katangian ng mga babae man o lalaki o kahit ibang genders, in a way hindi lang asian ang makaka-appreciate nito. “Hailey has fair skin, and any color suits her,” ani ko kay Iggy na kasalukuyang nagbabasa lamang ng previous published magazines ng Adore, Inc. Tumango naman siya pero hindi ko alam kung nai