MINAMANEHO ni Felix ang kanyang BMW sa kahabaan ng Makati Avenue. Sinusundan namin ang sasakyan ni Iggy. Hindi ko alam kung saan siya pupunta ng ganitong oras at kung sino ang sinundo niya kanina sa labas ng condominium building. I was supposed to sleep at this moment and not to follow him kahit saan man siya magpunta. Ano naman ngayon kung may ibang girlfriend siya? As if naman na maging totoo ang namamagitan sa aming dalawa. I don’t even think Iggy will fall for me as his mother wanted to, parang imposibleng mangyari. Hindi ko rin gustong mahulog sa kanya, after I heard his reason for marrying. “Uh, don’t think negative, Flor, baka ka sosyo niya lang sa negosyo.” Pinapagaan ni Felix ang kalooban ko. Sumulyap siya sandali sa akin bago binalik ang paningin sa daan. Ngumisi ako pero kin