October, 2016
Nakatulala ako sa pang huling binigay na isang grupo ng mga dokumento sa akin ng aking boss sa mesa. It’s already six o’clock in the evening at two hours na lang ang natitira’t mag uumpisa na naman ako sa aking duty sa ikalawa kong trabaho.
“Hai bisogno di finirlo?” (Do I need to finish this?) tanong ko sa aking italyanong boss.
Bumaling siya sa akin gamit ang nanlilisik na mga mata, “Si!” tipid niyang tugon at lumabas na ng opisina. Bumagsak ang aking balikat at nag umpisa nang i check bawat dokumentong kanyang inilatag. Kapag purchasing officer ka, kailangan mong suriin ang mga materyales na kakailanganin kung matibay ba ito o hindi, para masuri ng husto kailangan mong makipag komunikasyon sa sales agent na nagbebenta, sa ikalawang pagsusuri doon mo babasehan sa mga sinabi ng mga sales agent kung magkatugma ba sa reviews ng mga costumers na nakasubok na. Huwag muna bumili nang maramihan, tatlo o limang materyales ang kailangan subukan, at kung kakasa ng ilang buwan o taon, at kung matibay naman pwede ka ng mag order nang maramihan.
“Flor, alis na kami,” ani ng pinay kong katrabaho. I smiled and waved my hand goodbye as they left the office. At times like this, facing bundles of papers before my eyes, making me feel on the verge of crying. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako masasanay.
“Flor, hindi ka pa ba aalis?” tanong ni Dani, one of my close friends dito sa Roma. Umiling ako at itinuro ang mga papel na nakalatag gamit ang aking mga mata. Napatingin siya roon at umiling. “Hindi naman porket senior purchasing officer ka rito eh, ibibigay na niya ang buong tiwala sa iyo. Tao ka rin hindi robot!” pahayag niya at umupo sa mesa habang naka de kwatro ang mga paa.
I have my own office, iba ang opisina ko sa mga cubicles na nakapalibot sa labas kung saan si Dani nakaupo.
“Wala eh, iba talaga pag mahal tayo ng boss.” Ngising tugon ko sa kanya. Umangat ang ulo niya ang malakas na tumawa.
“Ayaw ka niyang bitawan kasi nga nakasalalay sa’yo ang trabaho niya,” aniya. Tumayo siya at nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang inilipat niya ang mga papel sa kabilang mesa. “Ang mabuti pa, umuwi na tayo. Kahit pa sabihin niyang hindi ka pwedeng umuwi kasi kailangan mong tapusin yan, Wala pa rin naman siyang magagawa kung gusto mo ng umuwi ano.”
Hinigit niya ang braso ko patayo, “at isa pa, kung ipapatalsik ka niya sa kompanya, aba’y mawawalan siya ng isa sa mga pinakamagaling na empleyado rito. Kung mawawalan siya, ikakabagsak ng kompanya niya, edi kasalanan niya iyon kung bakit ka niya pinatalsik. Back to you ang peg, you’re the company’s asset kaya!” tuluyan niya akong nahila patayo.
Hindi naman mawala ang mga ngiti sa aking labi. She’s right somehow, kaya parating masagana ang buhay ng boss ko at nakakauwi siya ng maaga dahil sa pagiging hard working ko. Wala eh, kailangang kumayod para sa pamilya. Ganito naman talaga ang buhay ng tao pag tumatanda.
“Papagalitan ako bukas sigurado,” ani ko sa kanya pero kinuha ko na ang bag ko.
“Papagalitan ka lang naman, as if hindi ka nasanay. Ipapasok mo lang sa tenga mo at ilalabas sa kabilang tenga pagkatapos, then back to work. Focus on your tasks para makalimot kung hindi ka pa sanay sa masasakit na salita. Main objective ay makauwi and tsaran! You may now rest,” papalapit kami ng elevator nang hindi siya nahihinto sa pagsasalita. “Huwag ka lang ma rest in peace,”
“Sabagay,” hinawakan ko ang batok ko at inangat ang aking ulo upang hilutin ang mga buto dito. “Teka, bakit pala pinilit mo akong mag off na? Hindi ka naman ganito ah.”
Sumilay ang nakakalokong ngiti niya sa labi, “Masyado ka kasing workaholic eh. Samahan mo muna ako mag chill,” aniya at mabilis akong hinila nang bumukas ang elevator.
Halos mabasag ang eardrums ko sa sobrang lakas ng hiyawan at sounds system. Live band playing their hardcore music in front of the wild crowd na halos matumba ang lupa kakasa talon nilang lahat. Bumalik si Dani at binigay sa akin ang dala niyang alak. Tinanggap ko iyon at tinungga.
“Oh, dahan dahan lang te. Miss mo na?” tanong niya. Kumobra ang kanyang bilogang mata nang siya’y ngumiti. Ngumisi na lang ako at umiling.
Ilang sandaling pananahimik ang namayani sa pagitan naming dalawa. Tanging tugtog lang sa live band ang bumabalot sa buong lugar. Naging kalmado ang kanina lang na halos mag tagisan kung sino ang pinakamalakas na hiyawan at pinakamataas na talon sa madla.
“Pagbalik ko ng pilipinas, dadalo ako sa ganitong pakulo.” Bigla kong wika kay Dani habang hindi inaalis ang aking mga paningin sa mga masayang mga taong nanonood ng live band. “At saka ko lulunurin ang sarili ko sa alak,” patuloy ko at mahinang tumawa.
“Asus, Floraluna, hindi mangyayari iyon. Ni boyfriend nga eh hindi ka makahanap sa sobrang abala mo sa buhay.” Ngumiwi ang kanyang labi bago tumungga ng maiinom.
Speaking of boyfriend, wala namang naglakas loob manligaw sa akin kung kaya’t wala akong kailangang sagutin. Pinapatulan ko naman ang ibang nagpaparamdam pero makalipas ng ilang linggo o buwan nang gho ghost na lang bigla o kung hindi naman, ako itong nang gho ghosting. Sa tingin ko wala namang problema sa mukha ko. Pinanganak naman akong maganda. Siguro dahil hindi pa ako sa handa sa ganong bagay. Wala pa sa isip ko ang mag asawa.
“Ano ba ang tipo mo sa mga lalake nang mahanapan kita? May tatlo akong kaibigang lalake na single lahat.” Offer niya sa akin.
Muntik na akong masamid sa iniinom kong alak. Bakit natatakot ang kaibigan ko na baka tumanda akong dalaga kung ako nga itong hindi naman ito inaalala. “Kahit matino lang okay na ako,” sinabayan ko a lang ang kanyang biro.
“Matino lang? Ayaw mo ba ng may hitsura, iyong tipong magtatalon talon ka saya kapag niligawan ka?” tanong niya pa.
“Mga ganong tipong lalake kapag alam nilang may hitsura sila, gagamitin nila iyon upang makapagjowa ng maraming babae.” Ilang beses ko nang narinig ang iilan sa katrabaho na pinoproblema nila ang mukha ng mga jowa nila.
“Judgemental ka naman,” ngumiwi siya. Hindi na ako tumugon. Hindi ko naman gustong ibahagi ang pananaw ko sa buhay. Malay ko ba sa mga usapang tipong lalake. Makakalimutan mo rin naman ang standards mo kung mahahanap mo ang the one. Pagkagising mo isang umaga, malalaman mo na lang na ang itinadhana sa iyo ng diyos ay malayong malayo sa inaasam mo. “Malay mo karmahin ka, huwag kang magsalita nang patapos.” Aniya. Nakatapat ang kanyang palad sa gilid ng kanyang labi nang mahina ngunit madiing pagkakasalita.
“Dapat mas pinoproblema mo sarili mo. Kaka ilang ulit ka ng nagpalit ng jowa, wala ka pang mahanap na aasawahin.” Tugon ko.
Nasira ang mukha niya na ikinatawa ko naman, “Wag mo namang totohanin te. Nag uusap lang tayo oh,” Itinapat niya pa ang kanyang dalawang kamay sa kanyang dibdib. “Te, ako lang ‘to te,” ulit niya.
Mas lalo akong natawa. Tinakpan ko pa ng palad ang aking bibig at umiling na lamang. Napasarap ang aming kwentuhan nang maalala kong may isa pa pala akong trabaho na kailangan pasukan.
Napatingin ako sa aking relo. Lumuwa ang aking mga mata nang makitang sampong minuto na lang ang nalalabi at mag uumpisa na naman ako.
Dali dali kong inubos ang isang boteng alak at tumayo. Napatingin naman sa akin si Dani, nagtataka sa biglaan kong pag tayo. “Kailangan kong umalis, Dan. May duty pa ako sa ibang trabaho.” Nahihiya kong wika.
Dismayado namang umiling si Dani, “Akala ko pa naman magsasama tayo buong magdamag. Huwag ka na lang kaya tumuloy?”
“Hindi pwede,” ani ko at hindi niya hinintay ang kanyang sasabihin at dali dali na akong umalis. Narinig ko ang pagtawag ng kanyang pangalan pero hindi ko na siya nilingon pa.
Mas importante ang trabaho kaysa sa paghahanap ng aliw tuwing gabi. Wala ka naman sasahurin sa paglalakwatsa eh pero hindi ko sinasabing hindi na magpahinga. Deserved ng taong matulog at mag chill muna pero may mga bagay na dapat unahin dahil mayroon umaasa sa atin.
Nahagilap ng mga mata ko ang pamilyar na postura ng isang lalake nang makasakay ako ng kotse at huminto ito sa nang nag traffic sa labas ng isang hotel. Katamtaman ang kanyang katawan. Mahaba ang kanyang pilikmata at makapal ang kanyang kilay. May kaunting balhibo ang itaas ng kanyang labi at gilid ng kanyang pisngi. I can’t be mistaken. He was wearing his thick winter jacket while standing next to the entrance door as if waiting for someone.
It’s Iggy Goncuenco…
As soon as the car started to manuever, may unfamiliar girl na lumapit sa kanya. Hindi ko naman nakita ang babae nang nag green lights at mabilis na humarurot ang sasakyan. Sinubukan kong lumingon pero natakpan ng isang sasakyan ang aking paningin.
Alam kaya ito ng kasintahan niya? O nagkakamali lang ako? Hindi dapat ako nakikisawsaw pa, at kung may problema silang dalawa ay labas na ako doon.
Binati ko ang italyana kong boss pagkarating ko sa restaurant na pinagtatrabahuan ko sa rito sa Italya. Kahit maghahating gabi na ay abala pa rin ang bawat isa sa mga staff at crew sa dami ng mga customers.
Isinuot ko ang aking uniporme at inayos ng paitaas ang aking buhok gamit ang isang stick.
“Cosa vorrebbe ordinara, Signora?” (What would you like to order, Ma’am?) tanong ko sa customer na nakatalikod sa aking direksyon. Laking gulat ko nang mapunang si Sam Sarmiento ito. Ang Fiancee ni Iggy Goncuenco, iyong lalakeng nakita ko sa tapat ng isang hotel bago ako tumungo rito.
Ngumiti siya. Pero ang ngiting iyon ay nangunguhulugan ng kalungkutan. Halata ito dahil sa kanyang mga matang parang inaantok. Kung hindi ako nagkakamali, si Iggy ang hinihintay niya.
“Ms. Sam?” masayahing tao si Ms. Sam. Isa siya sa mga pinoy na kakilala ko rito sa Roma. Parati ko silang nakikita ng kanyang kasintahan dito sa restaurant na kumakain pero unang beses ko itong makita siyang nag iisa.
Nakalahad ang kanyang dalawang palad sa kanyang mga hita, “Can we please wait a little longer? Wala pa rin kasi si Iggy eh, mag tatatlong oras na.” Tugon niya at napatingin sa aming wall clock bago ibinalik sa akin ang malungkot niyang ngiti.
Maganda si Ms. Sam. Maputi ang kulay ng kanyang balat at maganda ang pangangatawan. Pinong makukulot ang kanyang buhok at simple lang ang make up. Hindi katulad ng mga nakikilala kong sosyal na mga babae na halos gawing coloring notebook ang mukha.
“Nakita ko siya kanina ah,” ani ko sa kanya. Napawi ang ngiti niya sa labi at mariin akong tiningnan.
“Saan?” tanong niya.
Kinamot ko naman ang batok ko. Bakit ko ba iyon sinabi sa kanya? Hindi ko tuloy mapangatawanan na hindi ako sasawsaw sa problema nila.
“Uh, sa labas ng hotel sa may Via Giulia.” Nahihiya kong tugon.
Hindi naman siya muling nagtanong. Nakatingin lang siya sa kawalan para bang ang lalim lalim ng kanyang iniisip. Hindi naman ako muling nagsalita pa at baka mabigyan ng ibang kahulugan ang aking sasabihin. Ni hindi ko sinabing may lumapit sa kanyang babae at bago pa man humarurot ang sasakyan ay nakita ko silang nag uusap. Wala akong ideya kung kakilala lang o may sadya lang kay Iggy.
Hindi ko na dapat iyon pinagtuonan ng pansin since problemang magkasintahan naman iyon at wala ako sa posisyon para maging saling pusa. Ang tanga naman ni Iggy kung hahayaan niyang mag slip away si Ms. Sam. I mean, Sam Sarmiento is every man’s ideal woman. She can be someone’s own kind definition of perfection--Gorgeous and beautiful young bachelorette, alam kong mayaman ang pamilya niya pero hindi niya pinalandakan iyon.
Nakita kong tumayo si Ms. Sam nang nagmamadaling nakarating si Iggy. Dumalo siya rito at sinubukang halikan ang pisngi ni Ms. Sam pero mabilis siyang umiwas at naunang naglakad palabas ng restaurant habang nakasunod naman si Iggy sa kanya at panay pang e explain.
“Lovers’ quarrel?” tanong ng katrabaho ko. Pinag kibit balikat ko na lang iyon.
Isinampay ko sa basahan matapos kong punasan ang mga mesa na nagamit. Ininat ko ang aking braso at tinakpan ko naman ang aking bibig nang humikab ako.
“The night is still young, Floraluna.” ani ng kaibigan kong pinoy na kasamahan ko dito sa restaurant-- si Isabel. Kumindat siya pero mabilis akong umiling.
“May trabaho pa ako bukas alas nuwebe ng umaga,” naging tugon ko.
“Huwag ka na lang kaya pumasok tapos idahilan mo na lang sa boss na hang over ka kagabi.” Sabay kaming natawa sa biro ni Kris. Umiling ako at ngumisi. Pare parehong mga pananaw tungkol sa akin kahit sinong pinoy ang nakikilala ko rito sa Roma.
Nasanay na ako sa kanilang sinasabi tungkol sa akin at nasanay din naman sila na tumatanggi ako tuwing nagyayaya sila mag chill muna.
“Alas dose na ng umaga oh, hindi pa ba kayo uuwi?” tanong ko habang inaayos ang laman ng aking bag.
“Oras lang ‘yan, tao kami.” Tugon naman ni Jam. Muli silang nagtawanan na para bang hindi nakaramdam ng pagod sa buong araw. Kumpara sa akin mas mahaba ang oras nila sa restaurant.
Tumunog ang telepono ilang sandali dahilan ngsa pagbasag ng kanilang masayang pag uusap. Lumapit doon si Kris at sinagot naman iyon.
“Ciao, questo è il ristorante Gello. Siamo già vicini” (Hello, this is Gello’s restaurant. We are already close.”) Tugon niya rito. Napatingin naman siya sa akin at iminuwestra sa akin ang telepono.
“Ah, oo nga pala minsan tumatawag ang Papa ni Floraluna sa kanya rito.” ani naman ni Madrid.
Nagpatuloy naman sa pag uusap ang aking mga co workers nang bumalik si Kris sa kanila. Itinapat ko ang telepono sa aking tenga pagkatapos kong kunin iyon sa kamay ni Kris at nakangiting tumugon sa kabilang linya.
“Dad?”
“Floraluna, si Michelle to. Ang daddy mo!” napawi ang ngiti ko sa labi nang marinig ang sumunod niyang sinabi. Hindi ko namalayan na naibagsak ko ang teleponong hawak hawak dahil sa gulat.