Kabanata XXIX

1991 Words

KAHARAP ko si Dani habang umu-order si Iggy at ang jowa niya ng pagkain sa counter. Napilitang kumain ni Iggy sa isang fast food chain dahil paborito naman namin ito ni Dani noon. Napatingin ako sa kanyang kulay pink na buhok at makapal na makeup. Halos hindi ko siya makilala sa ayos niya pero kung iisipin, matagal nang weirdo ang style ni Dani. Ngayon lang lumabas nang todo, siguro, dahil nakauwi siya ng Pilipinas. “Kumusta na?” panimula ko. Matagal rin kaming hindi nagkita. Mga ilang buwan rin, at kahit sa mga social media platform, hindi ko man lang siya nakamusta.  “Maganda pa rin, Flor.” Aniya at malapad na ngumiti sa akin. “Maganda at buhay,” patuloy niya sabay kurap ng kanyang mga nagtataasang pilikmata. Mahina kong tinugunan ng halakhak. Hindi nga siya nagbago, kung ano siya noon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD