[Anastasia's POV] Tahimik lang akong naglalakad habang pinagmamasdan silang dalawa sa aking harapan. Hindi binibitawan ng babae ang kamay ni Lexus at nanatili itong nakayapos doon kung kaya minabuti kong bitawan ang kamay nitong nakahawak sa akin at mapahuli na lamang. Mukhang matagal na nga silang magkakilala dahil naiintindihan niya ang kasungitang ipinapakita ni Lexus sa kaniya. Parang walang epekto sa kaniya ang mga sinasabi nito. "Get off me, Steph! Hindi mo ba naririnig ang sinasabi ko? I'm with my girlfriend!" malakas na singhal ni Lexus habang tinatanggal ang nakayapos na kamay nito sa kaniyang braso. Nanatili akong walang imik na nakatitig sa kanilang dalawa nang makapasok na kaming tatlo sa Auditorium. Parang gusto kong bumalik na lang sa hotel at mahiga sa kama dahil biglang