[Anastasia's POV] "Thanks for staying with me, Baby. Akala ko talaga magkukulong ka na sa cabin," sambit nito habang maingat na nakahawak sa salbabida. Hindi niya magawang lumapit nang mabuti sa akin dahil sa kondisyong sinabi ko sa kaniya kanina. Humugot na lamang ako nang malalim na hininga at pinagmasdan ito. Akala ko magsasalita pa siya ngunit bigla nalang itong sumisid at nawala na parang bula sa harapan ko. Mas pinili kong balewalain siya at mag enjoy na lang sa malamig na tubig na yumayakap sa aking katawan. Ang sarap sa pakiramdam. Katamtaman lamang ang lamig nito kung kaya naman hindi nangangatal ang bibig ko sa panlalamig. Totoong nakakawala ng stress at pagod ang isang tahimik na lugar tulad nito, mas nakakatuwa pa dahil nakakagaan din ng pakiramdam ang preskong simoy ng han