[Anastasia's POV] "Do you really like me, Baby?" masaya nitong tanong habang nakatingin sa aking mga mata. Ngumiti ako sa kaniya at naupo na upang makapagpahinga. "Sinabi ko lang ang naalala ko sa napanood kong drama last time. Naniwala ka ba, Lexus?" Mahina akong natawa at pinagmasdan muli ang magiging reaksyon nito. Akala ko ay kukunot ang noo niya ngunit sinuklian niya ako ng isang nang-aakit na ngiti. "Are you sure?" naninigurado nitong tanong. Muli akong natawa. "Gumaganti lang ako sa'yo. Halika ka na at mag meryenda na tayo," sabi ko at hinintay na makaupo siya sa aking harapan. Napangiti pa ako nang makitang parang hindi man lang natuyo ang buhok niya sa ginawa nitong pagpunas kanina. Napakalumbaba na lamang ako sa harapan nito. Tumagos ang tingin ko sa kaniyang likuran at t