XYLER'S POV: Mabilis akong naglakad papasok sa isang kwarto kung saan naghihintay ang aking mga kasamahan sa organisasyon. Pagkapasok ko, agad akong umupo sa harapan at kaagad nakabente kuwatro ang aking dalawang paa. Agad ko silang tiningnan isa-isa. "Xyler, welcome back," agad sambit ni Mason sa akin. "Kumusta ang pakikipag-deal mo sa ating Chinese investors na si Shoi Ming?" tanong niya nang diretsahan. "Well, mabuti naman Mr. Mason. Sa susunod na mga araw, may darating na malaking shipment dito sa Pilipinas," sagot ko nang direkta sa kanya. Agad kong nahagip ng aking tingin si Denver na nasa labas habang kumakaway kay Xavier na nasa aking gilid. Mabilis naman nilapitan ni Xavier si Denver sa labas. "Ano ang pinag-uusapan nila? Mukhang may malaking problema," sabi ko sa sarili. Matap