Dali-dali akong naglalakad sa pasilyo ng kumpanya, kinakailangan kong habulin ang isa sa mga kliyente ko. Sa coffee shop kami magkikita dahil iyon ang pinagkasunduan namin kahapon ni Mr. Andrew sa telepono. Hindi ko pa siya nakikita o nakausap nang personal, kundi ang isa sa mga katiwala niya lang. Habang nasa daan ako, nagmamaneho ng aking sasakyan, bigla akong napalingon nang may biglang bumangga sa likuran ng aking sasakyan. Kaagad kong inihinto ang aking sasakyan sa tabi ng daan saka bumaba. Gulat na nanlaki ang aking dalawang mata nang makita ang ilang mga tao na nakasuot ng itim na kasuotan. Agad kong inatras ang aking sarili mula sa kanila. "Ms. Madrigal, pwede ka bang mainbitahan? Gusto ka sana kausapin ng boss ko," sabi ng isang lalaki na katamtaman ang kanyang katawan at may b