Are you okay, Linn? Diretsong tanong niya na biglang sumulpot sa aking likuran habang minamasdan ko ang mga tao sa unang palapag ng bar. Nilingon ko siya, sabay tango sa kanya bago siya sinagot, "Yes, I'm okay, Xy. Kumusta ang pakikipag-usap mo sa mga kliyente mo?" "Mabuti naman," sagot niya habang minamasdan ang mga babae na nakatingin sa amin, may hawak pa na wine sa kanilang kamay na nagpapacute. Agad akong umupo sa upuan, "Oh! Bakit ganyan ang mukha mo? Paano naman kasi, kahit saan ko ilingon ang ulo ko, may nagpapacute sayo e parang gusto ka na yata lipain at ikama." Tumawa siya nang maiksi, "Ano ang ningiti-ngiti mo? Mukhang nasiyahan ka pa yata. You're jealous of them? Don't worry, hindi sila papasa sa akin," sagot niya na napahalinghing ito sa tabi ko. "Ms, may nagpapabigay h