Denver, mag-imbestiga ka sa mga nangyayari kung sino ang nasa likod nito sa pag-ambush sa atin at kay Papa. Diretsong utos ni Xyler kay Denver. "Yes boss, lalakarin ko ito kaagad," diretsong sagot ni Denver kay Xyler. Tiningnan ako ni Xyler na namumutla sa takot. Hanggang ngayon, kumakabog pa din ang puso ko sa takot. "Baby girl, are you okay?" tanong niya. Tiningnan ko lang siya saka umupo sa upuan. Kailan mo bang balak itigil itong ginagawa mo, Xyler? Ito ba ang buhay na gusto mo? 'Yong kahit sa pagtulog mo ay nandiyan pa din ang kaba sa dibdib mo na baka umatake ang mga laban? Ito ba ang buhay na ibibigay mo sa akin, ha Xyler? Ayaw kong ganitong buhay, 'yong may tinatakutan at hindi mapakali sa bawat pag-alis mo sa bahay na 'to. Paano kung isang araw ay may mangyari na masama sayo?