MADELINN POV:
Dali-dali akong naglalakad palabas ng aking opisina. Kailangan ko habulin ang hours bus ngayon dahil medyo ginabi na ako. Hindi ko kasi namalayan ang oras, kaya ngayon parang gustong liliparin ko na ang terminal ng bus para makahabol.
Hindi ko kasi dala ang aking kotse ngayon dahil nagkaroon ng problema. Kailangan ko pa itong ipaayos sa shop dahil ayaw mag-start.
Habang mabilis akong naglalakad sa daan, bigla akong napalingon dahil may biglang tumabi na kotse sa gilid ko. Napatalon tuloy ako sa sobrang gulat nang bumisina ito.
"Ano ba, bulag ka ba? Hindi mo ba ako nakita?" agad kong sambit sa driver na mabilis itong napahinto sa gilid ko. Kasabay nito, tinidyakan ko ang kanyang kotse.
Kaagad bumaba ang ilang mga lalaki na nakasuot ng black suit at may suot na guwantes sa dalawang kamay at itim na eyeglasses. Kahit wala namang sikat ng araw.
"I'm sorry, miss. Hindi ko sinasadya na gulatin ka," paghingi niya ng paumanhin. Tiningnan ko siya na nakataas ang isang kilay ko sa kanya at agad na tinalikuran siya.
"Madelinn Madrigal, tama ba?" mabilis niyang sambit, kaya agad akong napahinto at ulit na nilingon siya. "Oo, ako nga. May kailangan ka ba sa akin?" agad kong tanong sa kanya.
Kaagad siya lumapit sa kotse at kaagad na bumukas ang bintana ng kaunti habang may kinakausap siya sa loob. Agad kong tiningnan kung sino ang kausap niya, ngunit hindi ko ito makita dahil makapal ang salamin ng bintana.
Kaagad muli lumapit ang lalaki sa akin. "Ms. Madelinn, gusto ka makausap ng aking boss," sambit niya ng diretsahan sa akin. Napakunot ang noo ko sa kanya saka sinagot siya, "I'm sorry, I'm not available now. Isa pa, hindi ito oras ng trabaho ko. Kung may kailangan ang boss mo, bumalik na lang siya bukas at pumunta sa aking opisina."
At mabilis na umalis sa kanyang harapan, nakita ko na bumalik ito sa pagsakay sa kanyang sasakyan, nang bigla ulit bumisina sa aking gilid. "What the f**k are you doing?" sambit ko nang diretsahan sa kanya.
Kaagad muli bumaba ang lalaki saka mabilis na lumapit sa akin. "Ano ba, hindi ka naman siguro bulag para hindi mo ako makita dito naglalakad sa gilid," sabi ko.
"Ms. Madelinn, gusto ka kausapin ng boss ko," kasabay na binuksan ang pintuan ng sasakyan.
Agad ko siyang tiningnan ng diretsahan. "Hindi ako sasakay diyan. Kung gusto niya kausapin ako, bakit hindi siya lumabas? Malay ko bang mga kidnapper kayo."
"Ouch, Array, nasasaktan ako," pagrereklamo ko nang hinawakan niya ang isang braso ko. "Sasakay ka ba o papasanin kita papasok sa loob ng sasakyan na 'yan?" sambit niya ng diretsahan.
"Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo? Huh? Harassment na ito at labag sa batas ang ginagawa mo."
"Boss, ayaw talaga sumama," sambit niya ng diretsahan sa taong nasa loob ng sasakyan. "Alam mo na ang gagawin mo," sagot ng boses ng lalaki na nasa loob ng sasakyan na may malamig na tono.
Bigla akong napaatras nang lumapit ito sa akin at kaagad akong kinarga na parang isang sakong bigas na papasok sa loob ng sasakyan.
Kaagad akong napahawak sa aking braso at agad siyang tiningnan ng diretsahan, ngunit napansin ko na pala siyang nakatitig sa akin.
"What do you want from me?" sabi ko nang direkta sa kanya. "I'm sorry sa ginawa ng tao ko sayo," sabi niya.
"Ano bang kailangan mo sa akin? Sabihin mo na para makaalis na ako dito."
"Did you really not remember me?" he asked me straight away. Agad akong umiiling sa kanya, at saka siya sinagot.
No! Did I know you? Have we met before? tanong ko ng diretsuhan sa kanya, kaagad napapikit ang dalawang mata niya bago siya nag-salita,
I'm disappointed. How could you forget about me?
I'm sorry, but do I really know you? agad kong sagot sa kanya,
At mabilis na napahawak ako sa pintuan para lumabas mula sa loob ng kanyang kotse, nang bigla niya itong hinawakan at saka nagsalita.
Can you give me a chance to talk to you?
wala tayong dapat pag-usapan. Puwede ba, hayaan mo na ako makalabas dito sa kotse mo.' I don't know who you are. Now, can I excuse myself? Dali-dali kong binubuksan ang pintuan. What happened? Bakit hindi mabuksan ito?" sabi ko sa aking sarili.
Please open the door. There's nothing we have to discuss.
Ano ba, binge ka ba? Hindi kita kilala, paalisin mo na ako dito, o tatawag ako ng pulis. Ngumiti siya sa akin at agad na kinuha ang aking cellphone.
I keep this for you while we were talking," sabi niya nang mahina.
Napabuntong-hininga ako at saka ko siya tiningnan, napapikit ang aking mga mata sa kanya.
"Hindi mo ba talaga ako naaalala?" tanong niya muli. "Sinabi ko na sa iyo, hindi kita kilala. Para kang sirang plaka na paulit-ulit," sagot ko. "Sino ka ba talaga?" tanong ko sa kanya.
You told me you weren't drunk, You were aware of everything. one day ago. you even begged me to hug you, and now you're acting like we're strangers.
Napailing ako sa kanya nang bigla kong maalala ang gabing kasama ko siya sa kama at lahat ng ginawa niya sa akin. Napakagat-labi ako at napapikit ang dalawang mata ko. "Madelinn, anong gulo itong pinasok mo?" sabi ko sa aking sarili.
Are you saying you don't remember any of what we did?
Bigla napalakas ang kaba sa sarili kong puso.
Nang nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at agad na hinahawakan ang magkabila kong baywang, habang tinitigan namin ang isa't isa.
Parang hindi ko maigalaw ang sarili ko sa inuupuan ko habang nilalapit niya ang kanyang labi sa labi ko.
Hanggang sa tuluyang dumikit ang mga labi namin, biglang tumunog ang aking cellphone kaya agad kong ibinalik ang aking tingin sa kanyang kamay na hawak pa rin ito. "Can I get my phone?" sabi ko sa kanya. Agad niyang binigay sa akin at agad ko itong sinagot.
"Hello Ma, nasaan ka ngayon, Anak?" sambit ni Mama. Agad kong ibinaling ang tingin ko sa lalaking kaharap ko habang kausap ko si Mama.
Kung wala ka nang sasabihin sa akin, baka naman puwede na akong lumabas sa iyong kotse," sabi ko nang diretso sa kanya. at
dali-dali kong binuksan ang pintuan ng kotse at mabilis na lumabas,
mabilis akong umalis at nagtungo sa bus terminal. Pagdating ko, kaagad akong sumakay sa bus. Buti na lang, nakaabot pa ako sa last trip. Napakabuwiset talagang taong 'yon. Hindi ko akalain na makikita ko siya dito. Pero sino ba siya? Bakit wala akong maalala sa ginawa ko ng gabing iyon?
Pagdating ko sa aking apartment, kaagad kong nakita si Mama na nakatayo sa labas ng pintuan. Kaagad ko siyang nilapitan, "Ma, I'm sorry kung natagalan akong dumating," sabi ko habang binubuksan ko ang pintuan.
"Ma, bakit hindi mo sinabi na pupunta ka dito ngayon?" agad kong sinabi sa kanya. "Gusto sana kitang i-surprise, Anak. Sanga pala, dinalhan kita ng mga paborito mong pagkain," sabi niya. "Salamat, Ma," agad kong sabi sa kanya.
Kaagad kong ibinigay kay Mama ang duplicate ng aking susi, at agad niya itong kinuha mula sa akin.