Mabilis kong pinarada ang aking kotse sa parking area at saka dali-dali akong dumiretso sa aking opisina, "Linn, mabuti nandito ka na," agad sambit ni Rea habang sinalubong ako sa hallway ng kumpanya. "Kanina pa naghihintay ang ating mga kliyente sa reception room, Linn," dagdag niya habang mabilis kaming naglalakad patungo sa loob nito. Pagdating ko, kaagad kong binuksan ang pinto at agad naman silang napatingin sa akin. "I'm sorry if I'm late," agad kong sambit sa kanila. "It's okay, Ms. Madrigal," kasabay nito tumayo ang isa kong kliyente at kaagad nagpakilala ng kanyang pangalan kasabay ng pag-abot niya ng isang kamay niya sa akin. "I'm Rafael Giovanni," mabilis ko naman inabot sa kanya ang isa kong kamay at nagkamustahan kami. Matapos ang meeting ko sa aking mga kliyente, agad a