"Linn, sandali lang," agad sambit ni Rafael nang magkasalubong kami sa hallway ng kumpanya. "Sorry sa nangyari kahapon," diretso niyang sabi. "Wala 'yon, Raf," agad kong sagot. "Hmm, can I ask you something kung okay lang?" tanong niya. "Oo naman, ano ba 'yong itatanong mo, Raf? Mukhang seryoso yata," sabi ko. "Hindi naman, Linn. Itatanong ko lang sana tungkol kay Xyler," sabi niya. Bigla akong napatingin nang diretso sa kanya. "Ano ang tungkol kay Xyler, Raf? Gaano mo siya nakikilala? I mean, paano kayo nagkakilala ni Xyler?" Bigla ko naisip ang sinabi ni Xyler sa akin tungkol kay Rafael. Bakit siya interesado kay Xyler? "Are you okay?" sabi niya. "Yes, I'm okay, Raf. Kung ayaw mong sagutin ang tanong ko, okay lang, Linn," sabi niya. "Nagkakilala kami ni Xyler sa isang bar," agad k