At agad nagkasalubong ang mga mata namin. "Xyler, puwede bang iuwi muna ako? Sige na, please. Marami pa akong trabahong gagawin bukas," pakikiusap ko sa kanya. "Don't worry, ihahatid kita mamaya sa apartment mo kapag matapos ang usapan natin, baby girl, okay?" sagot niya. Agad akong umupo sa gilid ng kama. Bigla akong napasunod ng tingin sa kanya nang hinuhubad niya ang kanyang damit. Nananadya ba talaga ang lalaking ito? Parang hindi niya ako nakita na nandito ako sa loob ng kanyang kwarto. Napalunok akong magkasunod nang makita ang malapad nitong likuran. Saka hinayaan niya lang na nakalaylay ang mahabang buhok niya. Sobrang napakaganda ng buhok niya, alagang-alaga talaga. Mas maganda pa kaysa sa buhok ko. At sobrang napakakinis ng balat niya. Agad kong napansin ang kanyang kanang ba