Halos isang buwan na ang nakalipas mula nang naganap ang insidente. Nakahinga na ako ng maluwang ngayon nang walang takot. Hindi ko na rin iniisip si Charlie ngayon. Talagang ginawa niya ang lahat para makalimutan ko si Charlie. Pero kumusta na kaya ngayon si Xyler? Matapos ang pangyayari, wala akong balita sa kanya, Linn. Okay ka lang ba? Ang lalim ng iniisip mo, huh? Tanong ni Phiea na bigla itong sumulpot sa gilid ko. "Yes, Phiea, okay lang ako," sagot ko. agad naming ibinaling ang aming tingin kay Rea nang nagsalita ito. "Grabe na talaga ngayon, girls. Kahit saan na lang may p*****n. Tingnan niyo ang balitang ito," inambos ang sasakyan na sinasakyan ni Mr. Grey. Yung kilalang negosyante. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ni Rea at tiningnan ito. Biglang pumasok sa isip ko si Xyler