BIANCA Isang oras ang haba ng biyahe bago tumigil ang sasakyang sinasakyan namin sa harap ng isang bahay kung saan may nadatnan kaming maraming taong abala sa ginagawa sa bakuran. "Bessy, mabuti at nakarating ka na. Bakit naman ganyan ang hitsura mo, babae ka?" malakas ang tinig na tanong ni Sheng nang salubungin kami. "Hindi ka ba natulog sa bus?" Ang ingay talaga ng babaeng ito, pero dahil sanay na ako sa kanya ay tinawanan ko na lang siya. "Sinong hindi maha-haggard ang itsura, Bessy? Ang layo pala ng lugar mo, tapos ang haba rin ng biyahe papunta dito sa inyo," nakangiting sagot ko. Pasaway siya, nag-expect na fresh akong darating dito na parang galing lang sa kapitbahay. Kung sakaling kasama ko si Mavie ay baka pinagtawanan siya ng isang iyon. "At sino naman iyang kasama niny