BIANCA Umaga na, pero hindi pa rin makapag-move on si Mama. Sermon ang inabot ko sa kanya, katuwang si Papa. Ang sweet talaga nilang dalawa at tandem pa kung pagalitan ako, tapos pinagtatawanan pa ako ng mga kapatid ko. Tanghali na at kakatapos ko lang sa mga gawaing bahay nang dumating si Private Camacho. "Hi, Bianca, kukuha sana ako ng stock naming karne at pabili na rin ng sampung kilong bigas," nakangiting bati at sabi sa akin ni Kuya John. "Okay, wait lang, kuya, ha," kiming sagot ko na ngumiti rin pabalik sa kanya. Dito na sila bumibili sa amin ng bigas dahil mas mura ang presyo kumpara sa ibang tindahan. Karamihan din sa mga kabarangay namin ay sa amin na kumukuha ng supply dahil pabor nga naman sa kanila. Sa direct supplier kasi si Mama kumukuha ng bigas para sa bigasan nami