Chapter 1

1098 Words
NAIA TERMINAL 1 Habang pababa ang eroplanong sinakyan ni Bianca, hindi niya mapigilan ang labis na excitement na nararamdaman. It's been two years since the last time she set foot in her homeland. Hindi siya mapakali sa upuan habang panay ang silip sa labas ng katabing bintana. "Hoy, Bianca, kumurap ka naman," sabi ng kaibigang si Sheng. Kasamahan niya ito sa trabaho, at pareho silang galing sa isang agency na in-aplayan nila papuntang Lebanon. "Ano ka ba, nag-eemote ako dito at ninanamnam ko ang oras na ito, h'wag ka munang makulit, Bessy," sagot ni Bianca na hindi maitago ang excitement at saya. "Oo na. Ako rin ganyan, Bessy. Parang katumbas ng sampung taon ang dalawang taon natin sa abroad sa sobrang homesick natin doon," sagot ni Sheng na katulad niya ay excited rin. "Hay, sinabi mo pa. Kahit anong mangyari, hinding-hindi na ako babalik doon, Sheng. Kaya hindi na ako nag-renew ng kontrata sa kanila, dahil ang hirap nilang pakisamahan," reklamo pa niya habang hindi inaalis ang mga mata sa tanawin sa labas ng bintana. "Ay, tama ka d'yan, Bessy. Ako rin, kahit magmakaawa pa sila sa akin, hindi na talaga ako babalik sa kanila. Kaya sumabay na ako sa 'yo pauwi, dahil alam ko naman na mas mahihirapan ako kung magpapaiwan pa ako doon," naiinis na sagot ni Sheng habang iniisip ang mga naging amo sa abroad at pinagsilbihan nila sa loob ng dalawang taon. Pareho silang abala ng kaibigan sa paghahanap sa kapatid na si Che-che na susundo kay Bianca sa arrival area ng terminal, pero hindi niya ito makita. Nangako kasi ito na susunduin siya dahil excited rin ang kanyang kapatid na makita agad si Bianca. "Anong plano mo ngayon, Bessy? Saan ka tutuloy?" Hindi mapigilang magtanong ni Bianca kay Sheng. Wala kasi itong sundo dahil sa malayong probinsya nakatira ang pamilya ng kaibigan. "Mag-hotel na lang ako, Bessy at bukas na ako uuwi ng Cagayan. Late na rin kasi at siguradong wala nang biyahe ngayon. Mabuti nang ganito ang gawin ko, at least makakapagpahinga pa ako," balewalang sagot ni Sheng. "Mabuti pa ay doon ka na lang muna sa bahay ng ate ko tumuloy, tutal siya rin ang susundo sa 'kin. Sabay na tayo bukas umalis pauwing probinsya," suggestion ni Bianca dahil magkalapit lang ang terminal ng bus pa Bicol at Cagayan. "Ay, bet ko 'yan, Bessy, para hindi na ako magbayad ng hotel at sure may free food pa," napangiting biro ni Sheng kay Bianca. "Sus, ang kuripot mo talaga," sagot niya sa kaibigan, sabay irap ng mga mata. Pilya na hagikhik lang ang sinagot sa kanya ni Sheng at sabay kurot sa braso ni Bianca. "Huwag ka nang mag-alala, ililibre kita ng favorite mong guyabano." Pigil ang ngiti sa labi ni Sheng habang patuloy na nangungulit kay Bianca. "Yan, sa ganyan ka lagi magaling, may pampalubag-loob, Bessy," natatawa na rin na sagot ni Bianca. Ganyan silang magkaibigan. Despite the differences between the two of them, naging malapit silang dalawa at naging sandalan ang bawat isa sa loob ng mahigit dalawang taon sa labas ng bansa na parang tunay na magkapatid. "Bianca! Bianca!" Matinis na tinig ang narinig niyang tumatawag sa pangalan niya mula sa kaharap na kumpulan ng mga tao sa waiting area. "Ate ko na yata 'yon, Bessy," mahaba ang leeg na sabi ni Bianca sa kaibigan habang hinahanap ang kapatid sa bulto ng napakaraming tao sa waiting area. "Aba, malay ko, Bessy. Hindi ko naman kilala ang kapatid mo." Tuloy na pang-iinis ni Sheng kay Bianca. "Tse, kahit kailan talaga, hindi ka makausap ng maayos. Nasaan na ba si ate?" Naiinip na reklamo ni Bianca dahil kanina pa siya naghahanap sa kapatid. Finally, nahanap rin ni Bianca ang kapatid. "Hayon, siya 'yong maliit at maputing babae sa dulo. Nakita mo rin ba, Bessy? Let's go, tayo na lang ang lumapit sa kanya, dahil hindi siya pwedeng pumunta dito, tawid na tayo," yaya ni Bianca sa kaibigan. Mabilis namang nakalapit si Bianca sa excited na kapatid. "Bakit ang payat mo na? Mukhang nagutom kayo doon ah, pati rin itong kaibigan mo," kunot ang noo na puna ng kapatid niyang si Che-che. "Paanong hindi kami papayat, ate? Ang haba ng oras ng trabaho namin doon. Wala man lang kaming panahon na magpahinga. Isa pa, wala rin kaming off day, kaya nagtiis talaga kami hanggang matapos ang kontrata," mahabang paliwanag ni Bianca sa kapatid. "Naku, ate, sexy lang talaga ako. Ito na ang katawan ko noon pa, bago kami pumuntang Lebanon," sagot agad ni Sheng, sabay ikot at pose pa sa harap nila. "Ay, siya nga pala, ate. Si Sheng po, best friend ko at kasamahan ko sa trabaho sa Lebanon," pakilala ni Bianca sa kaibigan. "Nice to meet you po, ate," sagot agad ng kaibigan na mabilis na naglahad ng palad. "Nakakatuwa ka naman, Sheng," hindi napigilang komento ng kapatid ni Bianca. Masayahin talaga ang kaibigan. Happy pill niya ito during the time na wala siyang makapitan dahil sa labis na lungkot sa bansang pinuntahan. "Tara na at pumila na tayo sa taxi stand para makauwi na tayo. Alam ko na pagod at gutom na rin kayo," yaya ng ate Che-che ni Bianca. "Hindi ko tatanggihan 'yan, ate, dahil isa iyan sa hinihintay ko," biro ni Sheng habang hinahatak ang traveling bag. "Walang problema sa akin 'yan, nakahanda na ang bahay namin. Ito kasing si Bianca, hindi man lang sinabi na may kasama pala siya. Di sana ay nakapaghanda ako ng maraming pagkain," reklamo ng kapatid habang kasabay nilang naglalakad. "Si Sheng, ate, last minute nagsabi. Kaya gan'yan ang nangyari. Ang akala ko kasi ay may connecting flight papuntang Cagayan, iyon pala, may balak pa magtipid at mag-bus na lang bukas," paliwanag niya. "Hay naku, Bessy, alam mo namang hindi sinagot ng amo natin ang connecting flight ko, kaya okay na magba-bus ako dahil nagtitipid ako. Ang hirap kaya kumita ng pera sa panahon ngayon," sagot ni Sheng. Kung sa bagay, alam naman niya kung bakit ganito ang kaibigan. Sa dalawang taon nilang magkasama, nakita niya na lahat ng sahod nito ay ipinadala na sa pamilya sa probinsya, kaya halos wala ng natira. "Alam ko na 'yang reason mo, mabuti pa sumakay na tayo at makapagpahinga na," pagputol niya sa usapan dahil kung hindi, sigurado siyang aabutin sila ng umaga. Habang nasa biyahe si Bianca, nagpasalamat siya sa Diyos. Nakauwi sila ng ligtas at kahit paano ay nakapag-ipon rin ng kaunti para may magamit siyang panimula. "Welcome back and good luck, self," mahinang usal niya sa hangin habang panay ang tingin sa mataas na mga building na nakatayo sa gilid ng kalsada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD