"Hi, hon," tinig ni Benj sa kabilang linya. "Hon, ano na ang nangyari sa 'yo? Kahapon ka pa hindi umuuwi, ni hindi kita makontak. Nag-aalala na ako sa 'yo." "Sorry, hon, na-low battery ang phone ko, wala ring charging station sa kamalig dito sa maisan. Di ko rin nadala ang powerbank ko. Mabuti na lang may isang anak ng farmer natin ang may dalang powerbank kaya nakatawag ako sa 'yo ngayon," paliwanag ni Benj. "Mabuti naman at ayos ka lang. Iyon lang naman ang mahalaga eh," sambit ko. Kahit paano ay nakahinga ako nang maluwag. "Matatagalan pa ako rito, hon. Infested ang maisan, nilubog din ng baha ang palayan kaya kailangang bantayan ang trabaho ng mga m