"Anong problema ng asawa mo?" tanong ni Wilma. "Makakasuhan daw ang Realty niya dahil sa pagkakamali ng broker at agent nila. Hard selling daw kaya napabili ang buyer ng 10 units, pero hindi pala match sa preferences nila yung na-hard sell ng broker. Nagsinungaling siguro para makabenta," paliwanag ko. "Ay, mali nga 'yon. Hindi dapat binobola at sinasabihan ng kasinungalingan ang buyer ng properties para lang makabenta. Ano raw ang gagawin nila?" "Nanghihingi ng danyos na 10 million pesos ang buyer, o kakasuhan sila at mapapahiya sa public. Masisira ang negosyo nila." "Aray!" reaksyon ni Wilma. "Ano ang plano niya?" "Ibebenta