Kabanata 4

1339 Words
NANGINGINIG sa takot ang dalaga at panay ang agos ng mga luha nito. Kahit anong pakiusap niya ay hindi kilala ng magkakapatid ang salitang awa. Tahimik ang mga ito at nakatutok sa kanilang mga baraha. Lahat ng santo ay natawag na niya pero hanggang ngayon ay walang milagro ang dumating. Nagpatingin siya sa bintana, naalala niya kanina ang mga masasayang mga tauhan, mas lalo siyang napaiyak nang iyon na pala ang huling halakhak ng mga ito. Ni hindi manlang niya nailigtas ang mga tauhan, ngayon wala na siyang ibang pag-asa kundi ang ama niya. Hindi siya puwedeng mamatay, marami pa siyang pangarap, gusto pa niyang makarating sa mundo ng mga tao. Madalas ay sabihin sa kaniya ni Melinda na maganda raw ang Maynila maraming mga tao, naglalakihang gusali at mga kagamitan na gawa sa electronics. Sa oras—“ “Hahaha, I told you brothers!” Naagaw ang tingin niya sa malakas na tumawang lalaki, ‘yung ninakawan siya ng haik sa pisnge. “No one can’t deafeat me, you guys may good at businesses but I’m the king of cards.” Mas lalong tumawa ang lalaki at sabay na napatingin sa kaniya at biglang kinagat nang mariin ang ibabang labi. Bigla siyang napaatras sa anumang babalakin nito. Kahit nakakulong siya sa mansyon ay hindi siya ignorante dahil pinag-aralan niya ang maraming bagay sa mundo—isa na roon ay physical na katangian ng tao. Magaling din siyang magbasa ng iniisip ng tao sa pamamagitan lamang ng galaw ng mga mata at kibot ng bibig at ang isang ito ay malaki ang pagnanasa sa kaniya. Nang nabubuhay pa ang kaniyang ina ay madalas sinasabi sa kaniya na alagaan niya ang sarili, ingatan ang pagkakababe dahil ito lamang ang isang bagay na hindi puwedeng maipalit sa anumang material na bagay sa mundo sapagkat ito ay sagrado at ang pagkabirhen rin ang pinakamagandang regalo sa unang gabi ng iyong kabiyak. Mas lalo niyang kinipi ang mga hita at muli siyang umiyak. “Please, parang awa n’yo na. Huwag ninyo akong sasaktan, huwag ninyo akong gagalawin. Kung ano man ang kasalanan ng aking ama ay labas ako roon. Pero pag-usapan po natin nang maayos—arrraay!” Napadaing ang dalaga nang biglang nakalapit sa kaniya ang isang lalaki at sinabunutan siya sa buhok. “I’ll ask you again, how old are you?” “S—ixteen po, sir.” Nanginginig niyang sagot at mas lalong hinigpitan ni Adam ang pagsabunot sa kaniya. “Give me one reason why we won't torture you.” Mariin na turan ni Adam at agad niyang sinabi. “Because I am a minor, sir—“” “Liar!” sinigawan siya sa mukha ni Adam kaya nagsilaglagan pa lalo ang mga luha niya. Hindi niya sinabi ang totoo niyang edad upang makunsensya ang mga lalaki dahil child abuse ang ginagawa ng mga ito. Pero bumalik lang sa kaniya ang pagsisinungaling niya. “Hindi na ako magtataka, anak ka nga ni Rafael, magaling magsinungaling. Pero hindi mo mabibilog ang ulo ko, baby girl.” Sagot ni Adam at kinuha ang sapin sa kama at galit na pinunit iyon. “Ano ba ang gusto ninyo sa akin? kakausapin ko si daddy at bigyan kayo ng pera.” Saad niya pero wala pa rin reaksyon si Adam. Tiningnan niya ang tatlo nitong kapatid na pinagtatawanan siya sa minungkahi niya. “All we want is your father’s head, baby girl.” Turan ni Adam at biglang napanganga si Eda. Nagproseso sa kaniyang utak ang sinabi ng lalaki. Kamatayan ng ama niya ang gusto ng mga ito. Pero bakit? Hindi na nakapagsalita pa si Eda nang binusangal ng pinunit nitong tela ang bibig niya. Lumayo sa kaniya si Adam at saka naman lumapit sa kaniya ang bunsong kapatid na si Tyler. “Hi, pretty.” Nakangiting wika ni Tyler at inayos ang hibla ng buhok niya. Napayuko siya dahil natatakot siya dito pero inangat lang ni Tyler ang baba niya gamit ang dalire nito. “How are you feeling, pretty? Does he hurt you?” malambing na boses ni Tyler at mas lalong nagtawanan ang dalawang lalaki. “Once a chickboy, always a chickboy.” Turan ni Zendrick at ngumisi naman si Jhonson. Napatingin si Eda kay Adam na biglang hinawi ang bintana at mas lalo siyang nanginig dahil sa malamig na simoy ng hangin. Nakapamulsa si Adam at nakatingin sa kaniya kaya agad siyang umiwas ng tingin at nabaling ang atensyon niya kay Tyler na naglalakbay na ang kamay sa kaniyang mga hita. Tinanggal nito ang busal sa bibig niya. “P—please, maawa ka,” hikbi niyang pakiusap pero patuloy lang si Tyler. “Shhh… masasarapan ka rin pretty, just trust me at ako ang bahala sa iyo.” Puno ng pagnanasa ang tinig ni Tyler. “Nilalamig ka ba?” tanong ng binata at agad na tumango si Eda. “Halika at yayakapin kita,” wika ni Tyler at agad itong naghubad ng damit kaya mas lalong natakot si Eda pero bigla siyang niyakap ni Tyler at kahit papaano ay nagkaroon ng init ang kaniyang katawan. “Feel better?” bulong ni Tyler sa teynga niya at tumango lang siya. “The hell Tyler?” hindi makapaniwala si Jhonson sa ginawa ng bunsong kapatid. Maging si Zendrick ay napamaang at biglang humagalpak ng tawa. Samantalang si Adam ay blanko lang ang mukha at nakikinig sa report ng tauhan nito sa kabilang linya. “Do you know that you are the only girl I’ve hugged in my whole life?” patuloy na bulong ni Tyler sa dalaga. Walang naiintindihan si Eda dahil sa subrang nerbyos niya sa mga ito. Aaminin niyang ngayon pa lang siya natakot sa buong buhay niya. Simula’t sapol ay bantay sarado siya ng mga tauhan sa mansyon. Lumaki siyang sinisilbihan, tinitingala at nirerespeto pero ng mga sandaling iyon ay para siyang isang alipin na kailangan sumunod sapagkat buhay niya ang nakataya. “You’re so hot, pretty.” Sambit ni Tyler na naglalakbay na pala ang palad sa kaniyang likod pababa sa kaniyang pang-upo. “A—nong ginagawa mo?” agad na kumalas si Eda kay Tyler nang pinisil nito ang isang pisnge ng puwet niya. Ang kaninang sweet na mukha ni Tyler ay napalitan ng pag-aasam para na itong asong nauulol. “Please, kausapin ko ‘yung daddy ko!” sigaw niya kay Adam diretso ang tingin. “As you wish, baby girl.” Tugon agad ni Adam at tiningnan si Zendrick at agad nitong nilabas ang phone at binuhay muli at denial ang numero ni Rafael. Isang ring pa lang ay agad na sinagot ng Don ang tawag. “f**k you, Adam! I have been calling you for a while but your phone was off. Why did you—“ “Ako lang ang puwedeng tumawag sa iyo, maghintay ka tanda!” sigaw pabalik ni Adam dahil ang ayaw niya sa lahat ay pinapangunahan siya. “Dad, daddy! Ibigay mo sa kanila ang gusto nila. Natatakot ako sa kanila dad please iligtas mo ako!” humagolhol si Eda at biglang umiyak si Rafael sa kabilang linya. “Princess, ililigtas ka ni daddy. Huwag kang matakot paparating na ang mga tauhan ni daddy.” Tugon ni Rafael sa anak. “Daddy, mag-iingat ka. Mga wala silang kaluluwa pinaslang nila ang lahat ng mga tao sa mansyon kasama na si yaya Melinda!” sigaw muli ni Eda. “Anak, I promise yo—“ hindi na natapos pa ni Rafael ang sasabihin dahil agad na pinatay ni Adam ang tawag. “Wala kang puso! Ipapatay kita!” sigaw sa kaniya ni Eda. Tila walang narinig si Adam sa pagbabanta ni Eda at tumalikod ito at humarap sa bintana at nagpadala ng voice call kay Rafael. “I want you to surrender and admit that you killed my parents. I will wait two hours, if you don’t obey, you know what’ll happen.” Maotoredad na turan ni Adam at muling pinatay ang tawag at nagset siya ng time para sa preparation ni Don Rafael.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD