SAM: NANGINGITI AKO habang kumakain dahil panay ang takaw ng tingin ni Cathleen kay kuya Typhoon habang magkakaharap kami sa pahabang lamesa. Magana ang mga itong kumain at 'di ko manlang makitaan ng kaartehan kahit likas na laki sila sa mayamang pamilya. "Sam, congrats hah? Natanggap ka daw sa Del Prado University" ani kuya Typhoon. Napangiti ako at tumango na napainom ng tubig. "Salamat Kuya" ngumiti ito at kumindat kaya bahagya akong siniko ni Cathleen. "Ahm! Kuya, mga bagong kaibigan ko nga pala sila Catrione, Charrie, Steffi at Cathleen. Girls si kuya Typhoon at ang nakababata niyang kapatid, si Cloudy" pagpapakilala ko sa mga ito. Napainom naman ng tubig sina kuya Typhoon at Cloudy na napangiting bumaling sa mga kasama ko. "Hi, Typhoon Del Mundo" pormal na pagpapakilala nitong