KHIRANZ:
MAAGA AKONG pumasok at tumuloy sa University nila Sam. Excited na akong makita ito fvck! Halos hatinggabi na nga akong nakatulog kagabi sa kakaisip dito. Napakunotnoo ako ng hindi ito lumabas kasama ng mga kaibigan.
Naghintay pa ako ng ilang minuto pero wala pa rin ito. Napapalunok ako at nagsimula ng kabahan habang nakamasid dito sa loob ng kotse at tinatanaw bawat estudyante na papasok ng school. Makailang beses na akong napahampas sa manibela at 'di na mapakali.
"Damn! Bakit ba kasi 'di ko nakuha ang number niya!?" singhal ko sa sarili.
Bumaba ako ng kotse at tumuloy sa room nito dahil baka maaga lang itong pumasok ngayon. Nagtitilian naman ang mga schoolmates nito pero nagtuloy-tuloy lang ako hanggang sa classroom nito.
Natigilan ang professor nito pero pumasok pa rin ako at nilibot ang paningin sa lahat ng mga estudyante dito sa room. Napakunotnoo ako ng hindi ko siya makita sa lahat ng sulok!
"Ahmm... Mr Montereal, who are you looking for?" magalang tanong ng professor na ikinalingon ko dito.
"Where is your student named, Samantha Alcantara? Did she informed you she's not attending your class?" diretsahang tanong ko.
Napaiwas ito ng tingin na lalong nagpakunot ng noo ko. Napakuyom ako ng kamao na nagngingitngit ang mga ngipin. Hindi na talaga maganda ang kutob ko sa mga nangyayari. Mariin akong napapikit at napahilot ng sentido.
"Where. Is. She?" mabagal at may kadiinan kong tanong.
Natahimik ang lahat at kita ang takot sa kanila sa pandidilim ng anyo ko.
"Where is she!?" bulyaw ko sabay hampas sa pintuan na nagpapitlag sa lahat.
"Ahmm... Sorry, young master, nag-transfer na po siya, kakakausap lang namin sa ina niya kanina," nakayukong sagot ng professor nito na bakas ang takot sa tono.
Napanganga akong 'di agad nakahulma sa sinaad nito. Para akong nanghina at napasandal sa pinto na natutulala.
"That's impossible, your lying!" singhal ko dito ng makabawi-bawi ako.
Agad itong umiling na bakas sa mukha ang takot sa pamumutla nito.
"She's not lying, Khie," natigilan akong napaayos ng tayo na makarinig ng boritonong boses sa likuran ko.
Napapihit ako at bumungad ang apat na binabaeng kaibigan ni Sam. Agad akong lumapit at nagsusumamong tumingin sa mga itong malamlam ang mga matang tila pinagsakluban ng langit tulad ko.
"Please tell me, where is she? Is she hiding from me?" nangungusap kong tanong na palipat-lipat ng tingin sa kanilang apat.
Napakuyom ako ng kamao napapalapat ng labing pinipigilan ang pangingilid ng luha. Malungkot ang mata ng mga ito at pilit ngumiti sa akin.
"Sorry, Khie... Hindi namin alam kung saan siya lumipat, biglaan ang lahat eh," ani Benj sa malungkot na tono.
Napaiwas tingin ang mga itong pinangingilidan din ng luha. 'Di ko namalayang tumulo ang luha kong natutulala sa mga nalaman.
"How could she do this to me?"
NAGLAKAD AKO ng hallway na bagsak ang balikat. Parang pasan ko ang mundo sa mga nangyayari. Ang daya naman niya. Maayos naman kami kagabi ah. Wala manlang paalam? Seryoso ba siya? Mang-iiwan ng ganon-ganon lang? Ano ba ako sa kanya?
Kaagad akong sumakay ng sportscar ko na maramdaman ang panlalabo ng mga mata kong nagbabadya ng tumulo ang mga luha. Napahagulhol ako at sumubsob sa manibela na mahigpit napakapit dito. Damn! For the first time....may babaeng nang-iwan, tumanggi at nagpaiyak sa isang Khiranz Montereal?!
"Damn it!" napasigaw akong gigil na gigil pinaghahampas ang manibelang naglikha ng ingay sa pagkakasagi ko sa busina nito!
"Fvck! Urgghh!"
Napasabunot ako sa ulo at muling sumubsob ng manibela. Napahagulhol akong hinayaang ilabas ang sakit sa dibdib ko hanggang kumalma na ako. Napapahid ako ng luha at kita sa rear view mirror kong namumula at mugto ang mga mata ko. Mapait akong napangiti na makailang beses napapabuga ng hangin.
Pinaharurot ko na ang kotse at nagtungo sa bahay nila! Hindi ako pwedeng umiyak na lang sa isang sulok at hahayaan itong makawala sa akin. Hindi ko ugaling manghabol sa babae dahil ang mga ito ang naghahabol sa akin pero para kay Sam fvck! Kahit umabot kami ng ibang planeta ay hahabulin ko ito!
Napapasilip ako sa loob ng bahay dahil makailang beses na akong kumalampag sa gate nila ngunit walang nagbubukas.
"Naku, iho. Boarder ka din ba?" napalingon ako sa ale na nagsalita sa gilid ko.
Napatikhim akong tumuwid ng tayo na alanganing ngumiti dito.
"Maga-aply ka ba? Room or kama lang?" muling tanong nito na pinapasadaan ako ng tingin.
"Ah opo. Maaari ba nating tignan, Nay?" alanganing tanong ko.
Napapamura na lamang ako sa isip sa naisaad dito. Fvck! Ako titira sa boarding house? Kung hindi ako tustahin ni Mommy nito. Napakamot ako sa ulo ng tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa na napapangiwi.
"Sigurado ka, iho? Aba eh, mukhang wala naman sa itsura mo ang tumira sa maliit na bahay," pag-usisa nito.
Napangiwi ako at pilit ngumiti dito na napapapilig ng ulo. mukhang hindi effective ang pagpapa-cute ko dito. s**t!
"Akala niyo lang po iyon, Nay,"
"O siya, kung komportable ka, pasok ka at tignan mo may ilang bed spacer pa naman at isang kwarto ang available," pagpayag nitong lihim kong ikinadiwang!
Napasunod ako dito ng binuksan nito ang gate at bumungad sa akin ang maliit at dalawang palapag na bahay.
Concrete ito at may kalumaan na ang pintor na dark red. Nakasunod lang ako ng igiya ako nito sa ikalawang palapag.
"Dito ang mga boarders nakatira iho, may sarili kayong kusina, sala at cr dito. Kami ng anak ko ang umuukopa sa baba kaya wala kang dapat ikabahala," pagbibigay alam nito habang nililibot ako sa kabuoan ng second floor ng bahay.
Napalibot ang tingin ko sa paligid. May anim na kwarto dito, may maliit na sala at kusina na magkatabi lang.
Kung tutuusin mas maluwag at magara pa ang maids quarter namin dito pero kung kailangan kong tumira dito mapalapit lang kay Sam? Why not.
"Sige po, Nay, patingin po ng kwarto," magalang bating ko dito na matamang nakatitig sa aking tila binabasa ang nasa isip ko.
Ngumiti ito at iginiya ako sa dulong kwarto. Pumasok ako sa silid at pinagmasdan ang paligid.
Kama, silya at isang lamesa lang ang meron dito. Medjo maalikabok at may sarili itong banyo at cabinet.
"Pasensiya ka na, iho. Hindi kaya ng mga boarders ang mag-isang rentahan ang kwarto kaya di ito nalilinis. Pero kung kukunin mo? Lilinisan at aayusin ko na agad" anito na napapalinga din sa buong silid.
Fvck! Mas maluwag pa ng sampung beses ang banyo ko dito!
"Okay lang po, Nay. Ako na lang ang aayos para 'di na kayo mapagod," aniko na napapatangong iniisip na ang gagawin kong pangre-renovate ng silid.
Nanlalaki naman ang mga mata nitong bakas ang gulat sa sinaad ko.
"Sigurado ka, iho? Nakakahiya naman sayo, para ka kasing anak mayaman sa itsura mo," alanganing saad nito na muli akong pinasadaan ng tingin.
"Opo Nay, ngayon ko na po aayusin para makalipat na ako mamayang gabi," nakangiting sagot ko.
Napangiwi ito at napakamot sa ulo na alanganin pang tumango.
"O sige iho, tulungan na lang kita, hah?" ngumiti akong tumango kaysa naman umapila pa ako.
Mabuti na rin ito nang mapalapit ako sa ina ng mahal ko. Tiyak ko naman kasing....ito ang ina ni Sam.
NAGTUNGO AKO sa hardware at bumili ng ilan sa mga kakailanganin ko. Nang makumpleto ko na ang mga gamit ay nagtungo din ako sa Mall namin at kumuha ng mga gamit ko, pagkatapos bumalik na ako ng boarding house. Naabutan ko naman si Nanay na nakalinis na ng kwarto.
Tinulungan ako nitong ayusin ang buong silid mula sa pagpipintor at pag-ayos ng mga pinamili kong gamit. Nakahinga kami ng maluwag nang matapos na naming ayusin ang lahat.
Pinalitan ko rin ang kama dito, maging ang silya at mesa. Bumili din ako ng aircon, tv at mini fridge na nilagay ko sa kwarto.
Lalo itong sumikip pero mas maayos at maaliwalas na tignan. Maging foam, comforter at curtains bumili akong siyang ginamit ko dito.
Mag-a-alastres na ng hapon nang matapos kami ni nanay kaya nagpa-deliver na lang ako ng pagkain dahil pareho na kaming gutom at pagod. Nahihiya tuloy ako dito na tulad ko'y tagaktak ang pawis. Gumaan ang loob ko na nakagaanan ko ng loob ang ina nito. Masaya itong kausap at may pagkahinhin tulad ni Sam.
Matapos naming kumain ay umakyat na ako ng kwarto. Kaagad na akong naligo at nagbihis ng pambahay na kinuha ko kanina sa Mall. Tiyak kasing hindi papayag si Mommy kung magpapaalam ako at sa mansion kukuha ng mga gamit ko. Pabagsak akong nahiga sa kama at kaagad natangay ng antok sa sobrang pagod. Idagdag pang napakalamig ng buong silid at presko ang katawan kong nagpagaan ng loob kong hinihila akong makaidlip.