SAM: IT'S THE QUADRUPLETS birthday today. Kabado ako dahil ngayon ko pa lang makikilala ang lahat ng kapatid nila Khiranz. Nasa France ang apat kaya't silang dalawa lang ni Khiro ang naiwan dito sa bansa. Alas-otso ang start ng party pero alas singco pa lang ng hapon ay pinasundo na ako nito sa driver nila at dinala sa isang sikat na salon. Magiliw akong ini-assist ng mga staff mula sa pagkuskos ng buong katawan ko, paglilinis ng mga kuko ko, pagkukulot ng buhok ko at pag-makeup sa akin. "Ayan na day, kalerki! Ikaw na talaga ang queen sa mga mata ng isang Khiranz Montereal!!" tili ng kaibigan kong si Ali matapos akong makeup-an sa salon na pinagpaayusan sa akin kasama ang buong barkada ko. Maging ako ay namangha at halos hindi makilala ang sarili sa resulta nang pag-makeover nila sa a